Pagkarating ko ng comfort room nasa limang katao ang kasalukuyang naroroon. Agad kong inayos ang kumalat na mascara sa aking mata habang nakaharap ako sa salamin.
“Sino kaya iyong babaeng iyon na nanakit kay President Terrence no’ng college siya?” ang puno ng pagtatakang tanong ng babaeng naka-moss green na long gown sa kanyang katabi. Kasalukuyan sila ngayong nag-reretouch ng kanilang make up.
“For sure, laki ng panghihinayang no’ng girl na 'yon. Sorry na lang siya kasi ikakasal na si President Terrence kay Madam Cher. At bagay na bagay silang dalawa,” sarkastikong wika ng kasama niyang babae.
Pakiramdam ko ay para nila akong binabato dahil sa masasakit na mga salitang sinasabi nila ngayon. Their tongue-lashing remarks really insulted me. Nang mabakante ang isang cubicle ay dali-dali na akong pumasok dito. Ayoko na rin kasing may marinig pa akong mga salitang hindi kanais-nais.
Pagkatapos noon ay nag retouch na akong muli ng make-up ko. Salamat na lang talaga at umalis na iyong dalawang babaeng nag-uusap kanina. Pagkaraan kong magre-apply ng lipstick ko ay lumabas na ako ng lady's comfort room.
Habang naglalakad ako sa may hallway natigalgal ako nang makasalubong ko ang isang lalaki na mukhang papunta ngayon sa direksyon ng panlalaking cr.
Si Marco!
Lord bakit naman po ganito? This past few days, napapansin ko pong masyado kang nagiging mapagbiro sa akin!
Hindi ba pwedeng isa-isa lang naman po per day? Kung si Terrence ngayon, hindi ba pwedeng sa ibang araw ko naman po makita itong si Marco?
Akmang kakausapin niya ako kaya umiwas agad ako ng tingin mula sa kanya. Dali-dali na akong naglakad papalayo mula sa kinaroroonan niya. He got a lot of nerve to even try!
Napansin ko naman na hindi na rin siya nagpumilit pa na magtangkang kausapin ako at dumiretso na siya sa paglalakad patungo sa direksyon ng men's cr.
Hindi ko pa talaga kayang makipag-usap sa kanya. Kahit na siyam na taon na ang nakalilipas ay nasasaktan pa rin ako. Siguro kasi of all the people hindi ko lang talaga in-expect na kaya akong lokohin ni Marco.
Iba kasi talaga iyong pagkakilala ko kay Marco ang tagal naming naging magkaibigan bago ko siya naging boyfriend, akala ko kilalang-kilala ko na siya na mabait siya at hindi niya ako magagawang saktan. I trusted him so much. Akala ko hindi siya gago! Pero nagkamali ako. Kaya siguro ganito na lang talaga katindi iyong sakit. Ang hirap makalimutan!
Inagahan ko ang pagpasok ko sa aming opisina pagdating ng Lunes dahil eight o'clock ang call time ng meeting namin. Pagkadating ko ng opisina ay dumiretso ako agad ng punta sa may pantry. Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng dalawang slice ng toasted bread. Hindi na kasi ako kumain ng agahan kanina sa condo dahil nagmamadali na talaga akong pumasok ngayon. Takot kasi kong ma-late sa scheduled morning meeting namin.
“Bea, hindi ka pa nagke-kwento sa akin kung ano ang mga nangyari noong um-attend ka sa engagement party ng ex mo?” bati sa akin ni Millet habang umiinom ako ng kape.
“Don't start my friend, sobrang na-bad vibes ako noong gabing iyon. Dapat talaga hindi na lang ako um-attend,” I said with a bit of exasperation in my voice.
“Really? Na-bad vibes ka ba kasi nagseselos ka?” ang walang pakundangan na namang tanong ni Millet sa akin. She was very tenacious as ever.
“Whatever!” I whispered irately before walking away from her.
Dali-dali akong tumalilis ng lakad papunta sa desk ko. Pagkaupo ko sa swivel chair, napansin ko na nakasunod pa rin pala siya sa akin.
“Hay naku Bea umamin ka na kasi, sa tatlong taon nating pagkakaibigan dito sa opisina, kilalang-kilala na kita. Nag wo-walk out ka kapag nabubuko ka na,” Millet was on her all-out-effort to interrogate me.
Hindi pa rin ako kumikibo, nilapit pa ni Millet ang mukha niya sa akin. Mukhang pilit niya talagang inaalam ang totoong reaksyon ko. Para bang kapag malapitan niya akong tinitigan sa mukha ko ay hindi ko na talagang magagawang makapag-deny pa sa kanya. Napahagalpak ako ng tawa sa ginawa niyang iyon.
“Ano ka ba Millet? Baka may makakita sa atin baka akalain ay hinahalikan mo ako,” pagsaway ko sa kanya.
“Bea look at me in the eye! Saka mo sabihin sa akin na kahit kaunti ay hindi ka nakaramdam ng selos kina Terrence at Cher noong gabi ng engagement party nila.”
Hindi na talaga ako nakaligtas pa sa interrogation ni Millet. Huminga muna ako nang malalim bago ako muling nagsalita.
“For God sake Millet! I'm not jealous. Ang tagal na kasi no’n, naka-move on na ako. Noong gabi na iyon na-realize ko lang kasi na masakit iyong mga nagawa ko sa kanya noon. I was so unfair to Terrence. I should have not treated him that way in the past. Ang bait-bait niya sa akin noon. Aaminin ko, na bad mood ako noong gabi ng engagement party nila kasi nga naalala ko iyong mga naging kasalanan ko kay Terrence. Doon sa speech niya noong gabing iyon ay may nabanggit siya tungkol sa akin, na nasaktan ko siya ng sobra. Pero nang dumating na si Cher sa buhay niya nabago lahat-lahat, nakalimutan na niya iyong mga masasakit na nagawa ko sa kanya. Sa tingin ko rin ay nakalimutan na niya ako.”
Tahimik lang at walang reaksyon si Millet matapos niyang marinig ang mga sinabi ko.
“Isa pa, nakita ko kasi si Marco roon party, papalabas na ako ng cr no’n. Napansin ko na parang balak niya akong kausapin kaya dali-dali akong bumalik sa lamesa namin. Ayoko kasing mag-usap kami, hindi pa ako handa.That party brought up thousand of memories, I mean lonesome memories. Iyong mga alaala na pilit kong tinakasan noon kaya ako nagpunta ng Paris. And I don't understand why fate seems like playing this kind of game on me now,” madamdamin ko pang saad. Naramdaman ko na bahagyang nababasa na ng luha ang aking mga mata.
“Sorry friend, ang kulit ko hindi ko naman kasi expect na gano’n ang mangyayari. Na-guilty tuloy ako bigla. Siguro may dahilan ang fate kung bakit naging ganito ang sitwasyon mo ngayon. Sa takdang panahon malalaman mo rin iyong sagot,” sabi ni Millet habang tinatapik-tapik ang aking likod.
Naging abala kami ng mga staff ko dahil sa naka-schedule na meeting ngayong araw. Kasama rin si Millet sa meeting na iyon dahil isa siya sa mga staff ni Rina sa Marketing Department, attendee rin si Manolo na Project Manager ng Engineering Department. Kasama rin namin ang mga officer ng Praxis Engineering Firm, as expected kasama si Marco sa meeting namin ngayong araw. As usual iniiwasan ko na naman na magkaroon ng pagkakataon na magkausap kami, unless it was work related of course.
Ang General Manager na si Mr. Robinson Fernandez ang nag-preside ng meeting. Pinag-usapan na ang mga nakatalagang trabaho ng iba't ibang departmento na kabilang sa proyekto. Sa Administration Department naka-assign ang pag-aasikaso ng mga for approval na mga dokumento ng Cher Hotel 2 Project. Kailangan din namin ang koordinasyon ng mga Project Engineer ng Praxis Engineering Firm.
Habang idinadaos ang meeting nahuhuli ko ang madalas na pagsulyap sa akin ni Marco. Bigla tuloy akong na-conscious kung tama lang ba ang timpla ng make-up ko ngayong umaga. Masyado kasing maaga ang meeting namin kaya wala pa talaga ako sa wisyo ko na makapag-ayos.
Seryoso ang atmosphere ng meeting, ganito talaga kapag si Sir Fernandez ang nag pe-preside. Ginawa kong busy ang sarili ko sa pagsusulat sa dala kong notepad ng mga importanteng detalye ng meeting, h-ini-ghlight ko iyong mga points na may kinalaman ang departamento namin. Mamayang gabi aayusin ko na lang mga nasulat ko sa notes ko, katulong din ng recorder na ginamit namin ngayon sa meeting upang maging maayos ang ma ipe-present ko na report sa supervisor ko.
Medyo nadi-distract ako kapag nagsasalita na si Marco. But I couldn’t deny it na napapahanga ako sa kanya. Halatang bihasang-bihasa na siya sa larangan ng architectural design. Limang taon din kasi ang experience niya sa Canada. Nahasa talaga siya nang husto roon.
After the meeting, Cher Hotel's team members gave a handshake to all of the Praxis Engineering Firm's representatives as a sign of courtesy. Kaya naman labag man sa loob ko ay kailangan kong makipag-kamay kay Marco.
Habang magkasalikop ang mga palad namin, napansin ko na bahagya siyang napangiti. Umiwas naman ako ng pagtanaw sa kanya nang magtama ang tingin naming dalawa.
Sa Biyernes na gaganapin ang pinakahuling meeting bago ang official launch ng Cher Hotel 2 Project. Kasama sa meeting ang presidente ng hotel na si Sir Pineda at ang presidente ng Praxis Engineering Firm na si Terrence. Pag-uusapan na rito ang kabuuang detalye ng proyekto.
Naka-schedule na kasi next week ang pag-uumpisa ng Cher Hotel 2 construction. Kailan ko kaya matatanggap ang katotohanan na makakasama ko na palagi sa trabaho ang dalawang lalaking naging bahagi ng nakaraan ko?