Pagkarating namin sa loob ng kwarto ni Marco ay pinaghanda niya ako ng isang pares ng t-shirt at short. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng kama. “Magpalit ka na muna ng damit mo bago ka matulog. I'll just take a quick shower.” Tinalikuran na niya ako at naglakad na siya papunta sa direksyon ng bathroom na narito rin sa loob ng kanyang kwarto. Agad naman akong nagpalit, gamit ang mga damit na ipinahiram niya sa akin. Pagkatapos ay nahiga na ako sa ibabaw ng malambot niyang kama na kulay asul. Ibinalot ko sa aking katawan ang makapal na blanket. Dahil sa lamig na nanggagaling sa 18 degrees temperature na aircon na napaka-presko sa pakiramdam ay agad akong dinalaw ng antok. Naalimpungatan na lang ako nang naramdaman ko ang pagtabi ng higa sa akin ni Marco, pinatay niya muna iyong switch ng il

