Hindi ko pa rin maialis ang mga ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan si Marco na abala ngayon sa pag-aayos ng mga gamit niya rito sa loob ng kwarto ko. Dahil sa naudlot na heart-heart moment namin kanina, he just decided to fix his own things. Nag-volunteer na ako sa kanya na ako na lang ang mag-aayos ng mga damit niya mula sa kanyang luggage bag para mailagay ko na iyon sa loob ng cabinet. Iyon nga lang umatake na naman ang pagka-OC (Obsessive Compulsive) nitong bf ko. Araw-araw marami akong natutuklasan na mga interesting na trivia tungkol dito sa boyfriend ko. Tama nga marahil ang kasabihan na it will take a lifetime for you to get to know someone. I guess that is what makes our relationship more exciting. Ilang sandali pa ay para akong magha-hyper ventilate nang walang ano-a

