Hindi ko na naman maintindihan ang puso ko kung bakit ito nasasaktan dahil kay Marco. Hindi ba dapat dahil kay Terrence lang ako nagkakaganito? Pagkatapos ng performance ng lahat ng kalahok sa talent show ay may kumantang isang baguhang artista, imbitado raw ito talaga para mag-perform ngayong gabi. Pagkaraan noon ay kinuha na ng emcee ang score cards upang i-announce na ang mga nanalo sa talent show. Si Rina ng Marketing Dept. ang nanalo sa third prize, second prize naman iyong taga F & B Dept. na nagperform ng bar-tending tricks. Ang nanalo naman ng grand prize ay walang iba kung hindi si Cher Pineda... At ako! Yup! As in! Pati ba naman sa first prize rito sa talent show magkahati pa rin kaming dalawa. Magkahati na nga kami sa pag-ibig ng lalaki na pinakamamahal namin pati ba naman

