Kinabukasan ay isinagawa iyong Life Reflection Seminar sa kada department. Ito iyong pinaka-highlight ng Team Building Activity na ito. May mga inimbitahan na speaker na magdadaos ng seminar. Hindi na namin kasama ang mga taga-ibang department sa activity na ito dahil iyong magkakasama lang sa department ang magkakasama sa activity. Dito nagbibigay ng mga exercises kung saan mas makikilala mo pa ang mga kasamahan mo sa opisina. Madidiskubre mo rin iyong family background nila; kung ano ba ang mga hobby at pinagkakaabalahan nila sa buhay bukod sa pagtatrabaho sa Cher hotel. Sabi ng speaker kapag mas nakilala mo ang background ng kasamahan mo sa trabaho mas maiintindihan mo ang ugali niya kung bakit ganoon siya kumilos sa loob ng inyong opisina. Magkahalong iyakan at tawanan ang namayani s

