Sa isang iglap lang ay bigla akong nagkaroon ng urge na kausapin itong si Terrence upang makahingi ng paumanhin sa kanya sa mga naging kasalanan ko noon. Sa tingin ko ay kailangan din namin ng closure, at least bago man lang siya ikasal. Will it be a good idea to talk to him tonight?
Hahanap ako ng tiyempo. I'll try to build a conversation between the two of us.
Ininom ko pa ang natirang Margarita na nasa loob ng cocktail glass na hawak ko. Naisipan kong lumapit sa lamesa ng mga taga-Praxis. Halatang mga lasing na rin ang mga taong naroroon. Timing naman na nag-cr yata si Sir de Guzman kaya naging bakante ang isang upuang nasa tabi ni Terrence. Naglakas-loob akong umupo roon. Dala na rin siguro ng mga nainom kong cocktail drinks kaya naging malakas ang self-esteem ko.
“Oh Miss Bea, tara join us. Do you like to have some hard drinks?” pagpansin sa akin ni Manolo pagkakita niya sa akin na papa-upo sa tabi ni Terrence.
“No I'm fine with this,” wika ko habang minumuwestra sa kanya ang hawak kong cocktail glass.
Biglang napalingon sa direksyon na kinaroroonan ko si Terrence; may kinakausap siya ngayong isang staff ng Praxis.
“Sir Terrence this is Miss Bea Esguerra our Project Manager for Admin,” pagpapakilala sa akin ni Manolo.
Inilahad ni Terrence sa akin ang kanyang kanang kamay pagkatapos magsalita ni Manolo.
“It's nice to meet you again Miss Esguerra. I guess we haven't been properly introduced. I am glad that we have this opportunity tonight,” sabi ni Terrence habang nakikipag-shake hands sa akin. I suddenly felt uneasyness when Terrence started to move his gaze towards me.
“It's nice to meet you Terrence. But do we really need a proper introduction?” natatawa ako habang sinasabi ko iyon. Sa kabila ng nararamdaman kong pag-palpitate ng dibdib ko dala ng matinding kaba. Halatang nabigla rin si Terrence pagkarinig niya ng mga sinabi ko.
“Maybe, it has been a long time since we met each other in college. I thought you forgot everything you knew about me.”
“I never forgot you Terrence even a single bit of you.” His eyebrows were meeting halfway when he looked straight to my eyes. I could feel that my knees started to tremble because of his stares.
Until I heard Manolo spoke; that pulled me back to my senses. “You mean schoolmates kayo no’ng college. Small world talaga 'no?”
I took a shot on my cocktail glass after that.
“It is a small world indeed,” Terrence said in a husky voice. He started again to roam his eyes towards my direction. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang mga labi niya matapos niyang magsalita.
Napalingon sa direksyon naming dalawa ang iba pa naming mga kasama sa lamesa.
“This means a strong camaraderie and harmonious relationship between Praxis and Cher Hotel team all throughout this project,” pagbanggit ni Joseph isang engineer ng Praxis na kasama rin namin sa lamesa.
“Let's cheers to that!” pag-aaya sa aming lahat ni Manolo. Pagkaraan noon ay sabay-sabay naming pinag-toast ang mga hawak naming mga baso.
“So Bea, how's life? After what? Nine years of not seeing each other,” Terrence uttered. I tried to compose myself before making a reply. That was just a casual question after all.
“L-life has treated me very well Mr. President.” I said while I'm stammering a bit.
“Terrence na lang! Huwag kang masyadong pormal. Wala tayo sa opisina ngayon,” he said while wearing his grin. I smiled back.
“You deserve all the respect. Nakakahanga! At such a young age you have this very successful company.”
“Thank you. Maybe I am just very lucky.”
“Wow! Ang humble ah!” Napangisi ako dahil doon.
“Hindi naman. Ayoko lang masyadong ilagay sa ulo ko ang lahat ng ito. I mean I work hard everyday, I will be very happy kung magbubunga ng maganda ang lahat ng pinagpaguran ko. Kung hindi naman trabaho lang ulit at papalitan iyong mga naging maling diskarte ko, hanggang sa gumanda na ulit ang takbo ng negosyo.”
Hindi ko maitatanggi na sobrang napahanga ako sa kanya. Sobrang nag-iba na talaga siya pati iyong outlook niya sa buhay niya sobrang positibo na lahat. Kahit papano bahagyang naibsan ang nararamdaman kong kaba. Naging magiliw na ang naging usapan naming dalawa.
“Buti naman at kinakausap mo na ako ngayon, no’ng unang pagkikita natin akala ko galit ka sa akin,” my straightforward reply.
“I am just very strict when it comes to work. Nakasalalay ang pangalan ng Praxis sa bawat proyektong ginagawa ko kaya pinipilit ko talaga na maibigay ang best sa lahat ng proyektong hahawakan namin.”
“Mabuti naman kung gano’n, akala ko kasi hindi ka pa nakaka-move on,” medyo nagulat din ako sa mga nasabi ko. Iba talaga ang nagiging epekto ng alak.
Nagkatitigan kaming dalawa pagkatapos ko iyong sabihin sa kanya hindi ko na naman maiiwas ang sarili ko na titigan ang mapupulang labi niya. Para akong nahihipnutismo ng mga iyon. Nasilayan ko ang kanyang matamis na ngiti bago siya sumagot.
“Wala na iyon sa akin. It has been nine years. Mga bata pa tayo no’n, immature pa tayo sa mga bagay-bagay.”
“Narinig ko no’ng engagement party iyong pagkekwento mo tungkol sa babaeng nakasakit sa iyo no’ng college ka. Kaya nga naglakas-loob akong lapitan ka ngayon. Marahil ito na ang tamang oras para makahingi ako ng tawad sa ‘yo Terrence.” Hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumulo mula sa mga mata ko.
“Terrence I am very sorry, alam kong nasaktan kita. I was so confused back then tungkol sa relasyon natin. Hindi ko alam na grabeng sakit pala ang naidulot sa iyo ng mga nagawa ko noon.”
Hinawakan ni Terrence ng mahigpit ang mga kamay ko at hinarap ako ng mapupungay niyang mga mata.
“Bea it's okay. I had moved on from it. Naikwento ko lang naman iyon, pero wala na iyon sa akin. Sorry din kung dahil doon sa mga nasabi ko naalala mo na naman bigla iyong nakaraan natin. Maybe I should have not brought up those details during the engagement party.”
“Thank you. And I am so happy na masaya ka na ngayon sa piling ni Cher.”
“Thank you. Cher, she is an amazing woman.”
Biglang may kumirot sa puso ko pagkabanggit ni Terrence sa pangalan ng fiancée niya. Maybe it was a reality check for me. I think I was just attracted to him right now dahil sa dami ng achievements niya at sa laki ng transformation niya both physically and mentally. Hanggang doon na lang 'yon, wala na iyong ibang pwedeng kapuntahan dahil may bagong girlfriend na siya ngayon.
At least gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos naming mag-usap tungkol sa nangyari sa amin noon. Maybe this is the kind of closure that our past relationship need.
Inaya kami ni Manolo na sumama sa mga kasamahan naming nagsasayaw na sa gitna ng dancefloor. Natatawa habang umiiling si Terrence.
“I am not good in dancing. That is not my kind of thing.”
Nahagip naman ng tingin ko ang mga kasama ko na tumitili at hangang-hanga habang pinapanood na magsayaw si Marco. Wala pa rin siyang kupas sa galing niyang magsayaw. Kasali kasi siya sa school dance group noong college days namin
Hinila ko naman ang braso ni Terrence nang makita kong ayaw pa rin nitong sumama kina Manolo. Ang ibang kasama namin sa table ay naroon na sa dance floor.
“Come on Terrence. For old times sake,” natatawa kong wika sa kanya. Wala na rin siyang nagawa at sumama na siya sa grupo namin.
Sobrang nag-e-enjoy ang lahat sa ganda ng music na pinapatugtog ng DJ. Napansin ko na nakatingin si Marco sa pwesto naming dalawa ni Terrence. Nagulat ako nang bigla na lang siyang naglakad papalapit sa direksyon namin.
“Sir enjoying the party?” tanong niya kay Terrence.
“Yes definitely. Bakit parang iniiwasan mo itong si Bea. Hindi pa ba kayo okay?” natatawang biro ni Terrence sa kanya. Si Terrence pa talaga ang nag-udyok sa aming dalawa ni Marco upang mag-usap.
“No Sir, siya kasi ang umiiwas sa akin,” ani Marco habang kiming sumusulyap sa akin.
“Ano ba kayong dalawa? Magkatrabaho kayo sa isang proyekto dapat at ease na kayo sa isa't isa. Exes can be good friends.” Tinapik-tapik pa niya ang balikat ni Marco.
Pagkatapos sabihin iyon ni Terrence hinarap ako bigla ni Marco. Alanganin siyang ngumiti.
“Bea kamusta na?” Sa tantya ko ay wala na talaga akong excuse ngayon. Wala naman sigurong masama na kausapin ko na siya?
“I'm okay, ikaw?” matipid kong tugon.
“Okay lang din, at last kinausap mo na ako!” Matamis ang kanyang ngiti habang pinapasadahan ng kamay ang kanyang buhok na bahagyang nagulo kanina dahil sa kanyang pagsayaw.
“Pasensya ka na,” awtomatiko kong tugon.
“Okay lang. Ang tagal ko ng humahanap ng tiyempo na makausap ka habang nasa Cher Hotel tayo,” dugtong niya pa. Hindi na nawawala ang mga ngiti sa labi niya.
I paused for a while. “Naikwento nga sa akin nina Gwen at ng mga kabarkada natin.”
“Nahihiya naman kasi akong pilitin ka kung ayaw mo naman talaga akong kausapin.”
Napansin kong napalayo nang kaunti sa aming dalawa ni Marco si Terrence at iyong ibang mga kasama namin.
“Can I invite you to have dinner with me some other time?” ang walang pag-aalinlangang tanong ni Marco. Napatikhim ako.
“Okay lang. Just let me check my schedule,” my courteous reply to him.
“I am looking forward to that! Ang tagal kong hinintay iyong oras na ito.” Kitang kita ko sa mga mata ni Marco ang walang pagsidlang kasiyahan. As if he have been wishing for this moment for a lifetime.
“Marco I said I will check my schedule first,” natatawa kong sagot sa kanya.
“Tara maupo muna tayo, medyo maingay kasi ang music dito hindi tayo masyadong magkarinigan.”
Sumama ako sa kanyang maupo sa lamesa na siyang pwesto namin kanina. Ganoon lang pala kabilis gawin iyon, sa isang iglap lang maayos na kami ni Terrence, wala na kaming gap ni Marco. Medyo may napapansin lang ako rito kay Marco. Is he flirting on me now? Agad-agad naman kasi na inaya na niya akong mag-dinner kaming dalawa.
“Gusto mo pang umorder ng drinks?” pag-aalok ni Marco habang tinatanaw ang napadaang waiter.
“Yes, Margarita for me.” Tinawag niya ang waiter at sinabi ang pangalan ng inuming inorder ko sabay order din ng isang shot ng Black Label para naman sa kanya.
“Pwede bang ihatid kita mamaya pag-uwi? Kanina kasi hindi ka pa sa akin sumabay,” tanong niya.
“Mukhang nag-enjoy ka rin naman sa mga kasabay mo kanina sa kotse mo. Nasaan na ba sila Kate?” Naalala ko na naman iyong caramelized na mga ngiti ni Kate kanina habang magkasama sila ni Marco.
“Wala iyon 'no, hindi ka na nasanay sa akin alam mo naman college pa lang tayo habulin na talaga ang mukhang ‘to.”
“Marco, ganyan ka pa rin, proud na proud ka pa rin sa pogi problems mo,” I said mockingly.
“For sure matutuwa sila Mike kapag nalaman nila na nag-uusap na tayo.”
“Malamang, naikwento nga ni Gwen na nag-sponsor ka nga raw ng ticket para sa Singapore Trip natin.”
“Siguro naman makakasama ka na, first time na mabubuo ulit tayong lahat after so many years.”
“Ikaw naman kasi ang umalis hindi ka na namin napigilan. Basta ba ipangako mo lang na hindi na natin pag-uusapan iyong mga nangyari sa nakaraan. Okay na ako ngayon.”
Natahimik si Marco. Marahan siyang nag-angat ng mukha at seryosong tinitigan ang aking mga mata.
“Tama Bea, kalimutan na natin iyong mga nangyaring hindi maganda noon.” Ramdam ko ang mga mata niyang malagkit ang paraan ng pagkakatingin sa akin.
Bandang alas dos ng madaling araw na napagkasunduang umuwi ng mga kasama namin. Magkasabay na lumabas ng bar sina Terrence at Manolo. Kumaway pa ito samin ni Marco bago tuluyang makalabas. Katulad ng napag-usapan namin kanina kay Marco ako sumabay umuwi.
Anim kaming lahat sa sasakyan ni Marco, nauna naming hinatid iyong ibang taga-Marketing Department na kanina pa tulog sa loob ng sasakyan. Una si Adrian, sunod naman si Rina, Wilson at panghuli si Jessica.
Hindi na sumabay sa sasakyan namin si Kate nang nalaman niya na naging ex boyfriend ko pala si Marco, narinig niya siguro kanina no’ng nag-uusap kami nina Terrence. Halata naman kasi ang malaking pagkagusto niya kay Marco. Magkasama sila ni Ethel na sumabay sa sasakyan ni Manolo. Hanggang sa kaming dalawa na lang ni Marco ang natira sa loob ng kanyang sasakyan.
“Marco naikwento na ba sa'yo nina Gwen na naging kami ni Terrence no’ng college?” His eyebrows were meeting halfway.
“Paano nangyari iyon? Gaano kayo katagal?” Halata ang pagkagulat niya sa mga nasabi ko.
“Six months,” seryoso kong sagot.
Natahimik siya bigla. Ang tagal niyang magbigay ng reaksyon sa mga nalaman niyang iyon. Naging tutok lang siya sa ginagawa niyang pagmamaneho. He seemed so pre-occupied with his thoughts while driving.
“Ang dami na talagang nagbago. Boss ko na ngayon ang ex mo. “ He uttered with tone of exasperation in his voice. Ako naman ngayon ang hindi nakaimik.
Gusto ko ng ibahin ang topic namin, mukhang ako yata ang sisira sa usapan namin na huwag na pag-u-usapan ang mga nangyari sa nakaraan.
Huminto ang sasakyan ni Marco sa harap ng entrance gate ng condo tower ko. Hindi ko na hinayaang sa carpark niya pa ako ihatid. Umiiwas na rin kasi ako na magkaroon pa ng oportunidad na maimbitahan ko pa siya papasok sa loob ng unit ko. That would be very awkward!
“Thanks for the ride Marco,” wika ko sa kanya habang kinakalas ko ang nakasukbit na seatbelt sa katawan ko.
“Well ako yata ang dapat magpasalamat sa iyo Bea. Thank you I mean big time Bea sa wakas kinausap mo na ako.”
Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa kaliwang pisngi ko.
“Thank you sa paghatid, mag-ingat ka sa pag-drive mo pauwi.”
“You are always welcome Bea, I am looking forward sa ipinangako mong pakikipag-dinner sa akin,” he said while his eyes was looking conscientiously on me.