Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Terrence noong nakaraang Sabado, napansin ko na mas naging at ease na ang pakikitungo niya sa akin. “Huwag kayong masyadong magpapakagutom. Hayaan n’yo lang 'yang si Sir Fernandez na laging nakakunot ang noo sa inyo,” biro niya sa mga staff ng Cher Hotel habang ipinapakita niya iyong floor plan. Tuwing Lunes, si Terrence ang namamahala sa trabaho ng mga empleyado ng Praxis Engineering Firm at Cher Hotel. Hands on talaga siya pagdating sa trabaho niya. Lumapit siya sa akin pagkatapos ng meeting. “A pleasant day Bea.” I suddenly became speechless while I was staring at his spellbinding eyes. I composed myself and cleared my throat before I spoke. “Same to you President Gonzales.” “Enough of the pleasantries please. Para namang hindi tayo close d

