Pagsapit ng alas dose ng tanghali ay nasa labas na ako ng employee's exit. Wala masyadong taong nagdaraan ngayon dito kasi halos lahat ng empleyado ay sa canteen ng hotel kumakain. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumaan na ang sasakyan ni Terrence na isang itim na BMW 228i convertible. Nakataas ang bubungan nito kaya agad ko siyang nakita. Namangha ako sa ganda ng sasakyan ni Terrence. Bumaba siya mula sa driver's seat at binuksan niya ang pintuan ng front seat para sa akin. Pagkapasok niya sa loob, “Bea, okay lang ba ang pwesto mo riyan?” “Oo Terrence, nice car ah,” namamangha kong tugon habang tumitingin ako sa kanya nang mariin. “Thanks. Bagong bili ko lang ito, lately kasi nahihilig ako sa pagbili ng mga luxury cars. Magandang investment din kasi.” He looked at me impassively before

