“I'm sorry Terrence, please ihatid mo na ako sa Cher Hotel.” Pinipilit kong iiwas ang sarili ko na traydurin na naman ako ng nararamdaman ko. “Bea, alam kong hindi iyan ang gusto mong mangyari ngayon.” Biglang bumigat ang paghinga ko dahil sa aking narinig. “You kissed me back, bakit hindi ka magpakatotoo sa tunay na nararamdaman mo para sa akin?” dugtong pa niya. Labis na akong natataranta ngayong mga oras na ito, mukhang nababasa na ni Terrence ang laman ng isip ko. “Ihatid mo na ako please!” pagalit kong usal sa kanya. Ini-start na niya ang makina ng sasakyan pagkaraan ay hinawakan na niya ang manibela. Wala na naman kaming naging imikan habang nasa byahe kami pabalik ng Cher Hotel. Hanggang sa makarating na ang sasakyan niya sa employee's entrance ay tuluyan na akong nawalan ng ga

