"Sino ba kayo?! Bakit niyo 'ko dinala rito? Anong kailangan niyo sa akin?!" paulit-ulit kong tanong habang nakapiring pa rin ang aking mga mata. "Wala kaming kailangan sa'yo pero ang boss namin, meron!" sagot ng isa sa kanila. Maya-maya lang ay may naririnig akong mataginting na yabag ng isang high heels na sandal palapit sa akin at maya-maya lang ay huminto ito na para bang pinagmamasdan ako nang maigi. "Sino ka?" tanong ko habang dinig na dinig ko ang pagtibok ng puso ko. Muli siyang lumakad palapit sa akin at naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakahawak na sa nakatakip sa akin at dahan-dahan niya itong ibinaba. Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Apple! "Apple?" gulat kong nasambit. "Annyeong, Larah," nakangiti niyang sabi sa akin. Galit an

