"Nick!" sigaw ko sa pagitan ng paghikbi habang nakahawak ako sa stretcher na tulak-tulak ng mga hospital staffs papasok sa emergency room. Agad akong hinarang ng isa sa mga nurse na tumulong nang pumasok na sila sa emergency room. "Hanggang dito na lang po kayo, Ma'am," sabi ng nurse. Napayakap ako kay Mama Monica habang umiiyak. Matapos kasing mabaril si Nick agad namang dumating ang mga pulis para rumispunde at sa wakas nahuli si Apple at kasalukuyan na itong nasa costudy ng pulisya. "Ma?" humahagulhol kong sabi habang nakayakap ako sa aking biyenan. Nandito rin sina Angel at Rica. Nababasa ko sa kanilang mga mata ang pakikisimpatya sa akin. Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang mga magulang ko. "Larah?" humahangos na tawag sa akin ni Mama. Nasa likod naman niya nakasunod si

