Chapter 18

2241 Words

"Hon, sa'n ka nagpunta?" salubong sa akin ni Nick. Napatingin ako sa kanyang mukha. Ito 'yung mukhang minahal ko nang lubos. Ito 'yung mukhang kinababaliwan ko noon at hanggang ngayon. Pero hindi ko akalain na ito rin pala ang mukhang sisira sa mga pangarap ko, ang papatay sa wala kong kamuwang-muwang na anak. "Hon?" Agad akong nakabalik sa wastong huwesto nang muli kong narinig ang boses ni Nick. "May nangyari ba?" tanong niya sa akin. Agad niya akong nilapitan at nang akma ba sana niya akong hawakan sa braso ay agad akong umiwas. "Wala. Pagod lang ako. Kailangan ko lang sigurong magpahinga," sagot ko kaagad saka walang anu-ano'y nilagpasan ko siya. Alam kong naguguluhan siya sa mga inasal ko ngayon pero hindi ko na papansinin 'yun. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa ibabaw ng ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD