Chapter 17

2094 Words

"Wala na..." umiiyak na sabi ni Nick habang hawak-hawak niya ang kamay ko, "...wala na ang baby natin. Wala na si baby JK," humihikbi niyang sabi. Oo, umaagos ang mga luha ko pero ang puso ko, ayaw tumanggap ng ganu'ng balita. "Nick, alam mo bang hindi ka nakakatawa? Alam mo bang...hindi magandang biro 'yan?" sabi ko sa pagitan ng pag-iyak. Pinahid niya ang kanyang mga luha saka niya akong tiningnan. "Hindi...hindi ako nagbibiro. Wala na talaga ang anak natin, Larah. Iniwan na talaga tayo ng baby natin," humahgulhol niyang sabi saka lang ako nagising sa katotohanan. Katotohanang wala na nga ang anak ko. "Hindi totoo 'yan. Nick, sabihin mong nagsisinungaling ka lang," humahagulhol kong sabi pero ganu'n na lamang ang pag-iyak ko nang lubusan ng makita ko ang paulit-ulit na pag-iling ni N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD