"Ba't ba hindi mawala-wala 'yang ngiti mo?" tanong ni Nick sa akin habang nagba-biyahe kami pauwi. "Kasi may bago akong singsing na suot," nakangiti kong sabi habang nakatingin ako sa singsing na isinuot niya sa akin kanina. "Kala mo naman ngayon lang nakasuot ng singsing. Pangalawa na kaya 'yan," sabi pa niya habang pasulyap-sulyap lang ang ginagawa niya sa akin since nagmamaneho siya. "Iba kasi 'to," sagot ko naman. Napakunot naman ang kanyang noo. "Anong pinagkaiba nilang dalawa?" nagtataka niyang tanong. Itinaas ko ang kamay ko kung saan nakasuksok sa daliri ko ang dalawang singsing. "Ito kasi..." sabi ko sabay turo sa suot kong singsing na isinuot niya sa akin noong ikinasal kami, "...napilitan ka lang na isuot 'to sa akin pero 'tong isa..." sabi ko saka ko itinuro ang singsing

