"I'm home!" sabi ni Nick nang makarating na siya sa bahay galing sa trabaho. Mula sa kusina ay agad akong lumabas at sinalubong siya sa sala. "Andito ka na..." sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo saka ko tinanggal ang suot niyang jacket saka siya humiga sa sofa, "...gutom ka na ba? Maghahain na kami ni Manang," dagdag ko pa. Hindi siya sumagot pero nabigla ako nang hilain niya ako palapit sa kanya. Tumagilid siya paharap sa akin at saka niya tinapik-tapik ang bakanteng sofang nasa gilid niya kung saan siya nakahiga. Senyales para umupo ako doon. Dahil nga masunurin akong asawa, umupo ako sa kanyang tabi. "Okay ka lang ba?" nag-alala kong tanong sabay dama sa kanyang pisngi. Ang isa niyang kamay ay bahagyang nakayakap sa akin at ang isa naman ay nasa tiyan ko, humahaplos! "How's

