Haciendero sa umaga stripper/gogo dancer sa gabi. Yan ang naging buhay ni Samuel Juancho Dela Vega pagtungtong niya ng 21 years old dahil na rin sa kasunduan nila ng kanyang ama na si Joaquin sa mafia queen na si Siobeh Aldama ngunit isang malaking sikreto ang kanyang pagiging male entertainer dahil hindi naman talaga iyon ang pinag usapan nila ng tatay niya at ni Siobeh, pinalabas lamang ng mga ito na office worker siya ngunit sa halip na sandamakmak na papeles, telepono at ballpen ang hawak niya ay nakaharap siya sa mga kababaihan na tanging pantalon lamang ang suot at gumigiling-giling sa pagitan ng mga hita ng babaeng handang bumukaka sa kanyang harapan.
He can't resist the temptation at gusto niya ang ginagawa niya, tila ba nakahanap siya ng comfort sa pinili niyang karera sa buhay kahit pa isa itong malaking kahihiyan kapag nalaman ng lahat. His life is good, even if he was a secret stripper ngunit nagulo ang kanyang tahimik na buhay nang makilala niya ang isang spoiled brat na si Regina Manaig.
Nagbakasyon ito sa kanilang Hacienda upang makalimot at makapag isip isip dahil naging masalimuot ang buhay pag ibig nito sa Maynila at tila ba naging man hater ito at naging parang aso't pusa ang turingan nila sa isa't-isa ngunit paano kung madiskubre nila ang kanilang past lives at malaman na sila ay magkapatid at magkasintahan noon?
Makikilala pa kaya ng mga lumang kaluluwa nila ang isa't-isa? O ipagsasawalang bahala na lamang nila ang kanilang mga damdamin na nagsusumigaw ng wagas pag ibig?