Althea’s P.O.V I invited Elleina and Rhea sa bagong bahay namin ni Rafael. Hindi ko din inaasahan na kasama nila Elleina at Rhea ang asawa nila. “Thanks, Althea for inviting us,” sabi ni Rhea. Ngumiti ako. “Wala ‘yun,” sabi ko sa kaniya. Pumunta kami ng sala habang nakasunod naman sila Rafael samin. “This place is so big, balak ba ni Rafael magka-anak ng madami?” Tanong ni Rhea. Nagkibit balikat ako. “Di ko alam sa kaniya, depende siguro sa desisyon niya at sa babae,” sabi ko. Ikinawit ni Rhea ang braso niya sa braso ko at ganun din ang ginawa ni Elleina sa kabila. “Magkaaway pa rin ba kayo?” Tanong ni Elleina nang pabulong. Napatingin ako sa kaniya at umiling. “Don’t tell me, maghihiwalay kayo sa bandang huli? Hindi magiging maganda ‘yan lalo na sa bata,” sabi ni Rhea na pabulong d

