Althea’s P.O.V Tumabi sakin si Rafael. Kanina pa nakaalis sila Rhea at Elleina kasama ang mga asawa nila. Christian is not hostile to me anymore kahit na meron pa rin siyang remarks na nakakairita pero manageable naman. Pagkaupo ni Rafael sa tabi ko ay inakbayan niya ako. Napatingin ako sa kaniya at sa braso niyang naka akbay sakin. “What are you doing?” Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin tapos sa ibang direksyon. “Doing a move, I guess?” sagot niya. Napataas ang kilay ko at napabuntong hininga. I won’t admit that I like him doing this. “Oh yeah, we decided to make the part a little simple. Rather because they think it will stress me out kapag madaming tao. They suggested to limit it few people that close to you,” sabi ko. Tumingin siya sakin. “how about some of your friends?”

