Althea’s P.O.V Pagkatapos ang shopping naming mag-shopping ni Rafael sa department store for the baby furniture and other necessities, nagwindow shopping naman kami. Nandyan ‘yung bumili kami ng new suit ni Rafael. Napangiti ako nang makita siyang nakasuot ng suit. Bagay na bagay ang 3-piece black suit sa kaniya. Para siya tuloy na over bearing boss sa Korean drama na napapanuod ko. “Wow, Director Lee, is that you?” Tanong ko sabay ngiti. Napatingin siya sakin with a smirk on his face. “It’s me Secretary kim.” Natawa na lang ako. Kalokohan din ng taong ‘to. “Wow ha! Napanuod mo ‘yan?” Tanong ko sa kaniya. Inayos niya ang necktie. Pero ‘tong lalaking ‘to tagal na niyang nagsu-suit pero di pa rin marunong nag ayos ng necktie niya. “Nako, Rafael! Ang laki mo na di mo pa rin naayos ang ne

