Althea's P.O.V Haharap ngayon ako sa parents ni Rafael. Kinakabahan talaga ako. Napahimas ako sa tyan ko. Parang kinakabahan din ang anak namin. Napabuntong hininga ako. "Oh. Lalim naman non, Hon." Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya at mukhang good mood. Kaka-park lang niya sa harap ng restaurant. "Kinakabahan kasi ako. Parang hinahalukay ang tyan ko," sabi ko kay Rafael. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil ang kamay ko. "It's okay, Hon. I'm here. Whatever happens, I will be with you." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Okay. I trust you. Pero sana naman hindi na naman humantong katulad ng nangyari noon." Nakasimangot na sabi. Napatawa si Rafael. "Of course, Hon! Trust me. I’ll die if I do that again." Tinaasan ko lang siy

