Rafael’s P.O.V Magisa akong nagpunta ng main house kung saan nakatira ang parents ko. Napabuntong hininga ako dahil ngayon pa lang namimiss ko na ang asawa ko. Napailing na lang ako habang may ngiti sa labi. Iba ang tama ko kay Althea. “Senyorito nandyan na pala kayo,” sabi ng isang maid na matagal ng naninilbihan sa bahay. Ngumiti ako. “Nasan si Dad?” Tanong ko. “Nasa pool po kasama ang Mommy nyo,” sagot niya. Napabuntong hininga ako. For sure alam ni Mama na si Dad kaagad ang pupuntahan ko bago siya. Talas din ng pangamoy ni Mama. Wala akong nagawa kundi ang magpunta ng pool. Madami ang nagsasabi na kamukha ko si Dad. Well, sino ba naman ang pagmamanahan ko kundi siya and my Mom is so beautiful na hanggang ngayon ay kita pa rin sa mukha niya. Nakita ko si Dad na kausap si Mom. Kita

