Althea’s P.O.V Dahil bawal sa buntis ang tumambay sa labas, nandito ako sa sala at nakatanaw sa labas ng bintana. Namimiss ko na lumabas ng bahay kapag gabi pero syempre hindi ko naman pwede gawin ‘yun para na rin sakin. Biglang may yumakap mula sa likod ko. Naramdaman ko din ang pag halik niya sa ulo ko. “Why are you here? Bakit di ka pa natutulog?” Tanong ni Rafael. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. “Hindi pa kasi ako makatulog. Namiss ko lumabas ng bahay,” Sabi ko sa kaniya. I pat his arms to free me on his hug. Binitiwan niya ako at naglakad sa harap ko. Umupo siya sa lapag at ipinatong ang baba sa binti ko. He caresses my stomach while I played with his hair. “Do you want to go out? Actually, we can have a vacation out of town,” sabi niya with a smile. Vacation? Naisip niya pa

