Rafael’s P.O.V
I stopped the car in front of a courthouse. Nakita ko ang tahimik lang si Althea at hindi nagsasalita.
“We’re here,” I said. Tumingin siya sakin at inirapan ako. Lumabas na siya ng kotse. Lumabas na rin ako ng kotse. Sabay kaming pumasok ng courthouse at hinanap ang office ni Judge Felicia. Ang dapat na mapapangasawa ni Mike pero iniwan siya ni Mike sa altar on the day of their wedding. Hindi ko alam kung anong rason ni Mike kung bakit iniwan niya si Felicia pero alam ko na mabigat ang rason niya para gawin ‘yun. Well, enough of Mike and Felicia. We found her office kaya pumasok na kami. Nakita ko si Mike kasama ang ‘girlfriend’ niya. Nakita ko ang nakasimangot na si Felicia.
“I thought Mike was the one who will get married today. I’m glad it was you,” sabi ni Felicia. Ngumisi lang ako.
“You’re still waiting for this, Jerk?” Tanong ko sa kaniya. She just rolled her eyes.
“As if I’m waiting for him. He’s not worth the wait. Also, I’m getting married.” She smiled so sweetly. I saw in the corner of my eye that Mike looked shocked and stunned.
“Well, this is Althea. She’s the one I will marry,” I said. Tinignan ni Felicia si Althea at tinaasan niya ng kilay si Althea. Althea gives her a fake smile.
“Hello, I’m Althea Alcantara. Nice meeting you,” Althea said. Ngumisi si Felicia.
“Ganitong babae ang papakasalan mo, Rafael? I thought you have high standards,” sabi ni Felicia. I looked at Althea at nakita ko ang inis sa mukha niya.
“Sa tingin mo gusto kong magpakasal sa kaniya? I was the one who is forced here!” Inis na sabi ni Althea at nag-cross arms. Tinignan niya ako. “See, even your friend here is not approved of me! So, let’s stop this at once! I’m going!”
But before she even leaves, hinawakan ko siya sa braso. “You’re not going anywhere.” Althea glared at me.
“Ang kulit mo, Rafael!” Nagsisimula nang mainis si Althea. Mas lalo naman ako!
“Mas lalong makulit ka! Didn’t I tell you that you’ll marry me no matter what? Wag kang makulit! Naintindihan mo!” She rolled her eyes and looked at Felicia.
“Girl, convince your friend here to stop this at once!” Tumingin ako kay Felicia and I can se amusement in her eyes. What is this woman thinking?
“Well, all I can say that you’re very much compatible.” Kinuha ni Felicia ang mga dokumento na kailangan namin ngayon. “Well, even if I ask him to stop, he will do what it takes to do what he wants.”
“We’re not compatible!” Angal ni Althea. Napahilot ako ng sintido.
“Can we start?” Narinig kong sabi ni Mike. Napansin ko ang pagseryoso ng mukha ni Mike ganun din ang kasama niya. Tumingin ako kay Felicia.
“Let’s start,” sabi ko. Walang nagawa si Althea but to give in. The ceremony starts and gone smoothly.
Althea’s P.O.V
When Rafael slips the ring on my right finger, there is no escape anymore. Tumingin ako sa lalaking kaharap ko. I know na ayaw niya rin ang mga nangyayari na ‘to sa amin pero gusto niya pa rin gawin. Nakakaloka siya!
“You may now kiss the bride,” narinig kong sabi ni Judge Felicia. Tinaasan ko si Rafael ng kilay. Lumapit ang mukha niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata.
“Kiss me on my cheeks, not on my lips!” bulong na sabi ko sa kaniya. Ngumisi siya.
“Yeah, yeah.” Pero imbis na gawin ang sinabi ko ay hinalikan niya pa rin ako sa labi. Agad akong lumayo sa kaniya.
“You two are one weird couple,” nakangisi na sabi ni Felicia. Tinignan ko ng masama si Rafael. Nakangisi lang siya sakin. Lumayo na ako kay Rafael.
“Thanks, Felicia, for this. If you need help, I’ll help you in any way.” Tumango si Felicia.
“I will. But next time, if you’re going to contact me just call me or text me. My number is still the same,” nakangiting sabi ni Felicia. I can see that they are close. It’s not like I care. Lumayo ako kay Rafael at napalapit ako sa pinsan ni Rafael. Medyo pamilyar ang mukha niya sakin, but I can’t seem to remember when I last saw him.
“Anong nangyari sayo at meron kang bukol sa noo?” Narinig kong tanong nung kasama ng pinsan ni Rafael. Narinig kong napabuntong hininga siya.
“Nadapa ako at tumama ang ulo ko sa pader,” sagot niya. Napaka-clumsy naman ng taong ‘to.
“I don’t know if the bullet will be the death of you o pader ang papatay sayo.” Nakita ko sa mukha nila ang kaseryosohan sa pinaguusapan nila. Nakita ko na nakatingin ‘yung pinsan ni Rafael dun sa Judge. I don’t know the relationship of this person to that Judge before, but I can see in his eyes that he has lingering feelings towards that person. Inalis ko ang tingin sa kaniya.
“Althea, let’s go.” Naramdaman ko ang kamay ni Rafael sa likod ko. Tumingin ako sa kaniya.
“Tapos ka na? Akala ko makikipag chikahan ka pa e,” sabi ko sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hinilot ang sintido niya.
“I still need to sleep. I don’t have any more strength to do anything today,” sabi niya. Nagpaalam na kami at umalis na rin kami magkatapos. Pero bago pa kami makalapit sa kotse hiningi ko sa kaniya yung susi. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. I rolled my eyes.
“Give me the keys, I will drive. Ayokong mamatay in the middle of the road,” sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya pero hindi niya ibinigay sakin yung susi ng kotse.
“I can still drive. Also, I won’t let a pregnant woman like you drive.” Pumasok na siya sa driver seat. Wala naman akong nagawa kundi ang sumakay sa passenger seat. Hopefully, na sana maging maayos ang paguwi naming dalawa.
After half hour, nakarating na kami sa Condo niya. Ibinaba niya sa sala yung gamit ko. The last time I saw this place was a month ago. I never knew that I will come back here.
“Make yourself comfortable. Maliligo lang ako at matutulog sa kwarto.” Narinig kong sabi ni Rafael. I just nodded. Pumasok siya sa kwarto niya. Umupo ako sa sofa niya sumandal sa sandalan. Hindi pa man natatapos ang araw ay parang pagod na ang katawan ko. Napatingin ako sa kanang kamay ko kung nasaan ang singsing na nagpapatunay na isa na akong kasal na babae. I don’t have any reason to go to the bar after I give birth to my baby. Even though I don’t want our situation right now, this is also my only choice. I don’t have any place to go.