Pumasok na ako sa restaurant kung saan kami magtatagpo ni Marcos. Nakita ko naman ang motor niya na nasa labas. Andito na nga siya. Sabi niya sakin ay nasa pinaka dulo daw siya nakaupo. Inilabas ko muna ang maliit na salamin sa maliit kong bag saka pumasok sa loob. Excited na akong makita siya ulit. Hindi naman ako masyadong late kaya binilisan ko narin ang lakad ko. Habang naglalakd ako at papalapit. Iba ang inaasahan ko. Babae? Nakita ko rin na suot niya ang jacket ni Marcos at helmet nito. Siya ba ang nagtext sa akin at nagdrive sa sasakyan ni Marcos? Huminga ako ng malalim at umupo sa table. “Hi. Ika ba ang nagtext sa akin at nagpapunta dito?” Sabi ko sa babae. Hawak niya ang cellphone ni Marcos sa kanyang kamay. “Oo. ako nga, ikaw pala ang pinupuntahan ni Marcos sa hospi

