Nagsiyasat pa ako at nakita ko ang isang files kung saan nakapaloob ang mga plano ni Mr. Zamora. Ito ay isang hacked. Na-hacked ng aking ama ang palitan ng mensahe ni Mr. Zamora sa iba. At ito na nga ang plano na patayin si Mr. Jacob. Nakita ko rin ang isang video at pinindot ko ito. Ito ang tumambad sa akin. ang aking ama na nag aayos ng mga papeles at pinaloob ito ng mga armadong lalake. Buti nalang nakarating din ang kanyang tauhan at naitakas ang aking ama ng mabilisan. Nagpumiglas pa ito dahil naiwan niya ang mga papeles niya pero wala na siyang magawa. Dahil kung babalikan niya ito, pati siya ay mamatay. Nakita kong pumasok si Mr. Zamora at binasa ang mga nakasulat sa papel. Ibinigay niya ito sa kanyang tauhan at parang may inuutos ito. Biglang naalala ko ang pagpapatay

