CHAPTER 2 ROMELYN VEGA

1531 Words
    “I like you Jake.” Bulong ko kay Jake. Tiningnan ko si Jake at ngumiti lang siya sa akin. Oo alam ko mabilis ang pang-yayari. Gagawin ko ang lahat para makuha siya, mayaman, sikat, siya ang mag-aahon sa akin sa kahirapan.      Mas lalong lumakas pa ang tugtog at nag sigawan pa ang mga tao nang nagsidatingan ang mga barkada ni Jake sa school, mga mayayaman din, kilalang estudyante school. Nilapitan nito si Jake at nakipag kamayan. “Oh! Don’t tell me bro, Girlfriend mo?” tanong ng kaibigan niya, tatayo na sana ako sa kinauupuan ko at ngingiti kasi sino ba naman hindi proud diba? Sabi niya sakin kanina, nahanap niya na daw ang girlfriend niya.       “No, no dude, kaibigan ko lang yan.” Sagot nito.  Tama ba ang narinig ko? Kaibigan lang? kaibigan lang pala ako, tumingin siya sakin at ngumiti. Ayokong maging istatwa pero ngumiti nalang din ako, di ko pinahalata na nasaktan ako. Pinag-lalaruan lang ba ako ng gagong to. Ibinaba ko nalang ang paningin ko, nahiya ako sa sobrang assuming ko. This is the first time na itinanggi ako na girlfriend. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Jake ang kamay ko bago siya umalis.     Natuwa ako dun kahit papaano, nagtaka rin ako na parang may hawak ang kamay ko na papel. Tiningnan ko naman ito agad, at tama nga mayroon. “2nd floor, turn left, 1st door, 11:30pm.” Huh? Ano to? Bakit daw? Gabi na talaga to. Haayss. Bahala na nga sige pupunta ako dahil interesado ako sayo.     Nakita ko si Hannah na nakatitig sa isang direksyon. “Ano na naman kaya ang tinitingan nitong bestie ko?” Agad ko naman na nilapitan si Hannah, umupo sa tabi niya at tumingin kung saan nakadirekta ang kanyang mga mata. At ayun na nga, nakita ko si MARCOS? Huh? Bakit siya andito? Magkakilala ata sila ni Jake. Pareho naman kase silang gwapo. Hindi ko nalang binigyan pansin, sayang naman kasi ang gabi na to kung hindi ko maenjoy.     “Sayaw tayo best!” Sigaw ko kay Hannah, hinila ko siya hanggang sa mapunta kami sa dance floor. Nahihiya pa si Hannah, pero sinimulan ko na ang galaw ng katawan ko para sumabay na rin siya. Hindi ko naman talaga inaasahan na ganito kaganda ang party na to, ang daming lalake at babae, ang ganda ng mga suot nilang damit. Ewan ko kung damit pa ba ang tawag dito. Halos makita narin ang ano. Hahaha.       11:25pm at nagsimula ng nagsi-uwian ang mga ibang bisita, sa Tantsya ko parang sampo nalang kaming natitira. Muli akong kinabahan ng maalala ko ang sulat sakin ni Jake, 11:30pm. 5 minutes nalang, mauuna ba ako o palalagpasin ko muna ng limang minuto. “Melyn, tara na uwi na tayo, inaantok na ako. Please.” Sabi sakin ni Hannah, kaso hindi, ayoko pa, may usapan pa kami ni Jake. Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si Jake sa amin dalawa.       “Hannah? Dito nalang muna kayo magpalipas ng gabi, hetong susi ng kwarto, may lock yun, pwede kayong dalawa mag-stay doon. Don’t worry, walang mangyayareng masama dito sa inyo, ligtas kayo may mga security guards na nagbabantay sa labas.” Sabi ni Jake.        “Nako, salamat Jake ha, pero-”      “Thank you Jake. Oo malalim narin ang gabi, bukas nalang kami uuwi.”       Nakita kong nakasimangot nang tingin sakin si Hannah, hindi na ito tatanggi, kase alam kong nakainom din siya kahit papaano, kinuha ko ang susi ng kwarto at pumunta sa guess room. Nang makapasok na kami, tumakbo agad si Hannah at humiga. Alam kong pagod na pagod na siya.     Nakaupo at nakatitig lang ako sa orasan habang mahimbing na natutulog si Hannah, 11:45pm na. 15 minutes late? Inaantay niya parin ba ako? Aakyat pa ba ako 2nd floor? kinakabahan ako. Pagtingin ko ulit sa orasan 11:50pm na. 20minutes late. Okay Romelyn Vega, It’s now or never. Haay. tumayo na ako at binuksan ang pinto. Nang makita ko si Jake na nakasando at boxer.     “Akala ko hindi kana lalabas sa kwarto.” Tugon niya sakin. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Isinarado ko ang pinto ng kwarto saka humarap kay Jake. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Ramdam ko ang bawat dampi nito sa akin. Pero hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko. Itinulak ko siya palayo sa akin at tumingin ako ng masama.     “Why? Ayaw mo ba sakin?” Tawang patanong niya sakin. Hindi ako sumagot. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya. Umakyat siya sa 2nd floor kung saan yung kwarto na sinabi niya sakin. “Kung susundan mo ako, magiging akin kana.” Yun ang huling sabi niya sakin bago siya pumasok sa kwarto. Natunganga ako ng ilang segundo. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto kong maangat sa buhay, ayokong umasa nalang kay Hannah. Sa lahat ng tulong niya. Sa pangalawang pagkakataon hindi na ako ang dalawang isip pa.     Sinundan ko siya. Pumasok ako sa kwarto, at alam kong sa oras ng pagsara ko nito. Alam kong magiging kanya na ako. “Red light? Love or lust?” Iyon ang natanong ko sa sarili ko. Naramdaman ko nalang na ang kanyang labi ay nasa aking batok. Nilingon ko siya and our eyes met for a short while. Bumilis ang t***k ng puso ko ng inilapit niya ang mukha niya ulit sakin at hinalikan ako.     Napaungol ako ng muling malasahan ko ang labi niya. His lips started to move slowly. Hindi ko na napigilan na gumanti ng halik sa kanya. Umungol narin siya habang hinahalikan niya ako. Nagsimulang uminit na ang katawan namin at inihiga niya ako sa kama niya. Patuloy parin kami sa paghahalikan habang nakapulupot ang kamay ko sa katawan niya. He started massaging my breast. At hinayaan ko nalang na tangayin ako ng damdamin ko.     Nakagising ako ng 06:00am, at nasa kama parin ako ni Jake, ayos lang siguro na hapon na kami uuwi, kase half day lang ang klase namin bukas. Agad namang nag-init ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Jake kagabi. Totoo kaya ang sinabi niya sakin na magiging kanya ako? Tumingin ako sa kanya at tinitigan ang maamo niyang mukha. Hinalikan ko siya sa noo at nag bihis.      Bumaba na ako at pumasok sa kwarto namin ni Hannah. Tulog na tulog parin siya, hindi naman marami ang nainom niya kagabi pero ang bilis niyang malasing. Nang makaupo na ako sa kama. Napatalon ako sa gulat ng magsalita si Hannah. “Saan ka kagabi? Halos di ako nakatulog kase wala ka.” Seryosong tanong nito sa akin. Tumayo ako sa harap niya habang umupo ito sa kama. “Pumunta lang ako sa labas at kumuha ng maiinum sa refrigerator, nakatulog ako sa couch.” Paliwanag ko sa kanya.      Hindi na siya nakipag talo sa akin at humiga ulit ito sa kama. Tumabi ako sa kanya at natulog ulit, I’m sure may mag hahanda naman ng umagahan kasi may mga kasambahay si Jake.        Nagising kaming dalawa ni Hannah dahil may kumakatok sa pinto. Tumingin ako sa orasan, alas dyes na pala. Kailangan na naman mag umagahan at umuwi na agad. “Hannah, Melyn nakahanda na ang umagahan.” Tawag samin ni Jake. Agad kaming nag ayos sa sarili at nagpalit ng damit. May closet talaga dito na puno ng damit para sa mga bisita kaya sabi niya iyon nalang ang gamitin namin.      Nagsalo kaming tatlo sa hapag-kainan at pagkatapos nun nagpaalam na kami na uuwi na kami ni Hannah. Hindi narin kumontra si Jake, nag boluntaryo narin siyang ihatid kami gamit ang kanyang sasakyan. Agad ulit bumilis ang t***k ng puso ko ng maalala ko ulit ang sinabi niya sakin kagabi. Totoo ba na aangkinin niya ako? Nakarating na kami sa bahay at agad namang umalis si Jake nang hindi man lang tumitingin sa akin.      Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon dahil sa paulit ulit kong naiimagine kung anong nangyare sa amin kagabi ni Jake, alam kong may mangyayare pero bakit ginusto ko parin. “Hoy! Anong iniisip mo dyan!?” Batok sa akin ni Hannah. Napangiti lang ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako ng direkta sa mata.      Hannah: Umamin kana, hindi mo maitatago, bakit ka kinikikilig ha? Bakit? May nangyare sa inyo?             Pangungulit sa akin ni Hannah. Masaya akong nakikita siyang masaya rin. Hahaha.     Melyn: Oo mayroon.      Pabulong ko sa kanya.     Hinawakan ni Hannah ang kamay ko na parang nag aalala siya sakin.       “Kilala ko siya, kilala ko ang ugali niya simula noong mga bata pa kami, hindi siya titigil sa kung ano ang gusto niyang makuha. May naging girlfriend na siya noon, ginamit niya lang hanggang sa mag sawa siya, iniwan niya ang babae, naging ganun ang ugali niya dahil namatay ang girlfriend niya sa isang car accident, gabi ng umuulan noon ng pauwi na sa trabaho ang kanyang nobya, dahil nga madulas ang daan hindi niya nacontrol ang manobela at nahulog ito sa bangin, hindi nakita ang bangkay nito, at hanggang ngayon hinahanap parin kung nasaan ang labi ng girlfriend niya.”       Ito ang pagsasaad niya sakin. Pero nakapagtataka, bakit wala ang bangkay nito sa loob ng sasakyan? Kung wala nga doon sa sasakyan marahil nasa paligid lang iyon kung saan bumagsak ang sasakyan ng girlfriend niya. Ito ang tumatakbong katanungan sa aking isipan,  hindi ko na tinanong pa, mga pulisya nga hindi nasagot si Hannah pa kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD