CHAPTER 3 HANNAH ZAMORA

1476 Words
    “Haay. Jusko, Salamat naman at natapos na ang exam.” Iniunat ko ang dalawa kong balikat sabay tumayo. Pagkatapos ng exam dali-dali ng umalis si Melyn dahil magkikita daw sila ni Jake sa coffee shop. Okay okay guys. Alam ko na ang sasabihin niyo. Sabay-sabay na tayo “SANA ALL!” Hahaha. Napatingin na ako sa orasan 03:00pm na at mag mimiryenda na ako. Yes! Ako na lang mag-isa.     Naglakad na ako papuntang canteen at bumili ng paborito kong turon ni aling Kris at kape yung sa vendo machine na tig lilimang piso. Masarap talagang uminom ng kape lalo na pag umuulan. Ewan ko ha pero ang saya-saya ko sa araw na ito, marahil siguro dahil halos lahat ng tanong sa exam nasagutan ko. Oo nga ganun na nga. Tinapos ko lang ang miryenda ko at pumasok sa silid-aralan.     Nang biglang—nadulas ako banda sa may pinto na kung saan si Marcos? Si Marcos ay nakatayo. “What the hell are you doing lady!?” Sigaw niya sakin. Hindi niya ba nakita na nadulas ako, sinadya ko ba? Agad naman akong tumayo at humingi ng tawad sa kanya kasi nahawakan ko ang uniform niya at nagusot pa ito. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinarang.       Hannah: Bakit? Nagsorry na ako, hindi ko sinasadyang magusot uniform mo. Sorry Mr. Jacob. Please let me through.     Marcos: Paano naman iyon? (Sabay turo sa likuran ko)     Oh my gosh! Nabasag ko ata ang cellphone niya, gastos na naman.     Hannah: Sige, Papalitan ko nalang, magkano ba at saan nabibili?     Marcos: Hindi ko gusto ng bago, paayos ko nalang, bigyan moko ng pera, ibabalik ko ang sobra.       Hindi ko maintindihan sa lalakeng ito, ayaw niya ng bago, mas piniili niya parin ipaayos itong lumang cellphone niya? “Hoy miss huwag kang tumunganga dyan, pera?”sabi niya ulit sa akin. Sa likod ng maamong mukha at mala-asul na mata, eh parang hindi maganda ang ugali nito. “Sasama nalang ako sayo para ipaayos ang cellphone mo. Mamayang uwian.” Sagot ko sa kanya. Inalis na niya ang kamay  niya pinadaan na ako.     “Beshy! Beshy!” Parang naririnig kong tinatawag ako ni Melyn. Lumingon ako ulit sa may pintuan. At ayun na nga tumatakbo papalapit sakin ang kaibigan kong praning kay Jake. “Dahan-dahan! Baka madulas ka makagastos na naman tayo!” Sigaw ko sa kanya. Nang makalapit na siya sa pintuan, nakita niya si Marcos na nakatayo parin doon at binati niya ito, nginitian naman siya.     Huh? Paano sila naging close? “Oh bruha, kamusta ang meet up niyo ng prince charming mo?” Tanong ko sa kanya. Niyakap niya ako na parang alam ko na may sasabihing pabor itong babae na to. Kilala ko kasi to pag naglalambing may sasabihin siya na alam kong hindi ko gusto. “Best? Niyaya ako ni Jake mag overnight sa kanila, payag ka?” Ngiting tanong niya sakin. Sinasabi ko na nga ba. “Sige, tutal malaki ka naman, buhay mo yan, basta andito lang ako para umalalay sa iyo.” Niyakap niya ako ulit na parang isang batang pinagbigyan ng istriktong nanay na gumala.     Umupo na kaming dalawa at naghintay kung ano ang susunod na instruction sa amin ni sir Lucas.     Nang matapos na ang klase at naalala ko na di pala kami magkasama ni Melyn sa ngayon. Sumama muna siya kay Jake.     Kinuha ko na ang bag ko at papalabas na sana ng room ng biglang may humarang sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Marcos. Naalala ko pala sasamahan ko pala siya para ipaayos ang kanyang cellphone. “Oo nga pala, sorry nakalimutan ko.” Naglalakad na kami sa field. Awkward nga lang kasi hindi kami nag uusap. Sabagay ano nga naman ang pag-uusapan namin bukod sa nasira niyang cellphone.     Napahinto ako sa paglalakad ng sinabi niya sakin na dito nalang daw ako mag antay sa kanya sa kubo kung saan din ako madalas tumambay at kumain. Habang nakaupo ako sa kubo, tumingin ako sa di kalayuan at nakita ko ang isang big bike. “Haay. Pinapangarap ko talagang makasakay sa ganyan na motor, kasi nakikita ko sa mga palabas na ang ganda ang taas, feeling mayaman, tapos hot tingnan sa babae pag nag dadrive ng ganyan kalaking motor.”           Nagtaka ako nang lumapit sa kubo yung motor, ang ganda talaga nito pag malapitan. “Sakay na.” sabi ng driver. “Huh? Sino ka ba?” Tanong ko kay mamang driver ng motor. Hindi nalang siya nag salita at tinanggal niya ang helmet na itim, bumungad sa akin ang kanyang mukha at tinitigan ng asul niyang mga mata. Si Marcos pala. “Ahh. Oh sige, pero wala akong helmet baka mahuli tayo.” “Huwag ka mag alala, alam ko ang pasikot-sikot dito sa lugar natin.” Sagot ni Marcos sa akin.     “Kumapit ka sa tagiliran ko.” Sabi sakin ni Marcos. “Ahh. Hindi nalang kaya ko, dito nalang sa bakal sa likod.” “Tssk.” Pagmamaldito niya sa akin. May saltik talaga itong lalake na ito, oh baka kaya naman nag mamaldito siya sa akin kasi nabasag ko ang cp niya. Pinaharurot niya ang motor at biglang nahulog ako sa kinauupuan ko. “Aray ko naman! Dahan dahan lang kasi!”  Sigaw ko sa kanya. “Matalino, maganda, matangkad. TANGA lang? Huwag kana kasi mag-inarte dyan, kumapit ka nalang, akala mo naman ginusto kong sumakay ka sa motor ko.” Pabulong niya, akala niya hindi ko narinig ang sinabi niya.     Well, tama nga naman, hindi nga naman talaga ako nag iinarte, first time ko lang talaga sumakay ng motor at iba ang kasama ko. Naalala ko kasi dati, si papa palagi ang kasama ko pag nagmomotor kami. So ayun, sumakay nalang ako at kumapit sa kanya, baka kasi kamatayan ko ang susunod na hulog ko.     Nakarating na kami sa pagpaayusan ng cellphone, at ang sabi ni manong mang-a-ayos, wala na daw paraan para maayos ang cp niya, dahil nga sa sobrang luma na ito, basag basag na nga, nabasag pa ng tuluyan ng dahil sa akin. “Kuya? Baka kaya naman talaga remedyuhan, magbabayad ako kahit magkano.” Pag mamakaawa ko kay manong. “Hija, maayos to kung maayos talaga, ayokong magsinungaling ng dahil lang sa pera.” Sagot sakin ni kuya.     “Never mind, halika na ihahatid na kita pauwi.” Sabi sakin ni Marcos. Nagiguilty ako sa nagawa ko, kahit aksidente lang iyon, alam kong mahalaga iyon sa kanya. Naglakad na kami papunta kung saan nakapark ang motor niya, ngunit hindi pa kami, nakakapunta doon, bigla nalang ako hinila ni Marcos sa gilid ng tindahan na parang may tinataguan kaming dalawa. “Don’t move.” Sabi niya sakin.     Laking gulat ko ng inilabas niya sa bag niya ang baril at itinago niya lang sa likod. “Marcos? Bakit? Anong ginagawa mo? Tsaka para saan ang baril nayan?” Kabadong tanong ko sa kanya. “Shut up. If you don’t want to die.” Saway niya sakin. Mga ilang minuto kaming nasa gilid ng tindahan. Naiiyak na ako, nanginginig sa takot, dahil hindi ko alam kung ano ba talaga nangyayare. “They saw us ealier, alam kong sinusundan ako. Hannah makinig ka sakin, mukhang wala na sila, dumikit ka lang sa akin huwag kang lalayo.” Sabi niya sakin.     Ang daming tanong na umiikot sa isip ko, natural ba talagang estudyante si Marcos? Kinuha niya ang kamay ko, binigyan niya ko ng isa pa niyang baril. “Just incase.” Bulong niya sakin. “What the hell? Anong just incase na ano?” “No more asking questions for now okay?” sagot niya. Itinago ko sa bag ko ang baril. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at mabilis kaming pumunta sa motor. Pinaandar niya agad ng mabilis ito, halos puro over take ang ginagawa niya.     Tinanong niya ako kung saan ako nakatira at ibababa niya ako doon. Tinanong niya ako kung may kasama din daw ako sa bahay. Sabi ko naman kasama ko si Melyn kaso hindi siya uuwi kasi doon siya matutulog kay Jake.     Payo niya sakin pagpasok ko sa loob ng bahay mag lock ng pinto, at huwag kang magpapasok na kahit na sino. Bago pa man siya makaalis, agad kong kinuha ang baril sa bag ko at binigay ko sa kanya. Pero hindi niya tinanggap ito. sabi niya itago ko lang daw para sa sarili kong kaligtasan.      Umalis na agad siya ng wala man lang paliwanag patungkol sa kung ano ang nangyayare, kung ano ang dapat kong gawin, tsaka sino ba naman ang mag babanta sa akin, wala akong kaaway at wala akong balak pumatay ng kahit na sino. Nag-ayos lang ako ng sarili ko at nagluto ng makakain. Haay, ganito na naman ulit ba ang mag isa? Alas otso ng gabi habang nagsasandok na ako ng kanin sa aking plato. May biglang kumatok sa pinto ko.     Kinabahan ako, naalala ko ang sinabi ni Marcos. Walang magpapasok ng kahit na sino. Agad kong kinuha ang baril sa bag ko at itinabi sa akin. bumilis ang pagtibok ng puso ko ng patuloy parin sa pagkatok sa aking pinto. “Hannah it’s me Marcos, please open the door.” Nakompirmado kong boses talaga ni Marcos yun pumunta na ako sa pintuan. Pero pinagtataka ko, bakit andito si Marcos?              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD