Si Marcos ay isang malaking parte na ang buhay ko simula ng nakilala ko siya. Siya ay ipinakilala sakin ng aking ama. Sabi niya ay patay na ang kanyang mga magulang dahil pinatay daw ito ng mga sindikato. Nakita ko sa kanya ang sakit na dinaranas niya araw-araw. Lagi kong nakikita ang luha sa kanyang mga mata. Inampon siya ng aking ama dahil matalik niyang kaibigan ang kanyang ama. Ang kanyang ama ay sumama sa aking itay para magtayo ng negosyo. At alam kong illegal ang mga ito kaya mabilis yumaman ang aming pamilya at natulungan niya rin ang pamilya ni Marcos. Pero nagbago lahat ito ng umangat na sa buhay ang pamilyang Jacob. Nagdesiyon kasi ang ama ni Marcos na itigil na ang mga maling gawain at ang perang naipon niya ay ipagpapatayo niya daw ng sariling negosyo. Walang nag

