Medyo naiinip rin ako sa kakaantay kaya umalis nalang ako ng maaga-aga. Tumingin ako sa orasan at 4 o’clock nan g hapon. Binilinan ko si Lexie na dumito muna siya hanggang sa makauwi kami ni sir Marcos niya at huwag kalimutang pakainin si Gabby. Tiningnan ko ang cellphone ko kung naka-on parin ang ping ni Marcos sa kanyang cellphone. At tama nga hanggang ngayon. Zi-noom out ko ang screen at nakita kong medyo may kalayuan siya. Pero sabi dito kaya daw nitong marating ang lugar na yun sa loob lamang ng isang oras pag may sarili kang sasakyan. “Not bad.” Kinuha ko ang helmet sa gilid ng TV at bumaba sa basement. “Okay Hannah. Show him what you got.” Sabi ko sarili ko. Gusto ko lang mag mayabang sa kanya na kaya kong mag motor. Gusto kong masurpresa siya sakin na ang effort ako

