"WHAT THE--?" Laglag ang pangang bulalas ni Kael, mula sa likuran ko. Kasalukuyan akong nag-eempake ng mga dadalhin nito, para sa pananatili ng isang araw sa hotel. Bakas ang pagpupuyos ng kalooban na nakasunod naman ang tingin nito sa bawat galaw ko. "And you actually believed in that crap?" "Ano ang magagawa ko? Sa kapatid mo nanggaling 'yong sugggestion. Tapos noong narinig ng mga magulang mo, at nina Papa, pati Auntie Sabel, sinang-ayunan nila." Ginanap ang stag party raw, nito kanina, kasama ang makukulit na mga pinsan nito. Hindi pumayag ang mga lalaki na walang maganap na, ayon sa mga ito, ay pamamaalam daw ni Kael sa pagiging binata nito. "Mga trantado! Ano'ng pagkabinata, eh, matagal na akong may-asawa?!" Narinig kong pambabara nito sa isang pinsan, ngunit tinawanan lang it

