"FIRST, IS IT OKAY WITH YOU, TO MOVE THE DATE OF YOUR CHURCH WEDDING?" Nilingon ko si Kael na swabeng nagmamaeho. Nakatutok ang mga mata nito sa daan. Kanina pa pabalik-balik sa isipan ko ang tanong na iyon kanina sa akin ni Brianna. Kinunutan ko ito ng noo. "Bakit? Kailangan pa ba 'yon?" Lumabi ito at nagkibit ng mga balikat. "Well, not necessarily... but it will surely add the fun." Bahagya akong natigilan at napa-atras pa ang leeg dito. May bumangong pag-aalala sa dibdib ko. "B-baka magalit na si Kael kapag ginawa pa natin 'yun..." halatang kinakabahang turan ko. Ngunit tumawa lang ito. "Hindi naman natin tuluyang kakanselahin, ipo-postpone lang natin ng kaunti." Pilyang ani pa nito. "Huwag kang magagalit, ha. Pero kilala ko ang asawa mo. Alam ko rin na kapag 'yan, na-inlove, in

