AT BUKAS NGA, ay sa hotel na rin tutuloy si Kael, kasama ng pamilya nito. Sa kaparehong hotel din yata nakatigil ang makukulit na mga pinsan nito. "Pagbigyan na natin sila," Naupo ako sa gilid ng kama at tumingala rito. "Isang araw lang naman." Isa pa muling paghinga ng malalim ang pinakawalan nito. Saka lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. Ipinaikot nito ang mga bisig sa baywang ko. Kinintalan ng halik ang tiyan ko at saka inihimlay ang pisngi sa kandungan ko. "Pero baby, ano ang gagawin ko sa hotel ng isang buong araw, at isang gabi na wala ka?" Nanghahaba pa ang ngusong ungot pa rin nito. Ngumiti naman ako rito. Umangat ang isang kamay ko sa ulo nito at masuyong inihinagod ang mga daliri ko sa malambot nitong buhok. "Bond with your family. With Nickos, especially." Suhestiyon

