"HI. BAKIT NAG-IISA KA RITO?" Mula sa pagtanaw kina Rhia at Nickos na gumagawa ng sand castle sa dalampasigan at bumaling ang tingin ko kay Brianna, na kauupo lang sa tabi ko. Nasa isang private resort kami sa Batangas. Ang sabi ni Brianna ay kabibili lamang daw nito ng asawa niya. Regalo raw sana sa darating niyang kaarawan. Ang kaso, dahil magaling maniktik itong kaibigan ko, kaagad nitong nabisto ang sorpresa sa kanya ng kanyang asawa. Hayun, nagyaya na kaagad na mag-swimming. Luminga-linga ako sa paligid. Nangunot naman ang noo ni Brianna sa akin. "Why?" Lumilinga ring tanong nito. Umangat ang gilid ng mga labi ko. "Tinitingnan ko lang kung nasa paligid ba yung asawa mo. Mabuti na yung handa ako kung saan manggagaling ang atake. Insecure pa naman ng asawa mo sa 'kin." "Siraulo ka

