TWENTY

2951 Words

“All of you, in student council’s office, now!” Dumagundong ang nakakatakot na boses ng presidente ng student council.     Napapitlag ang lahat ng nandito ngayon bukod tanging ako lang ang walang pakialam. Mas pinapakialaman ko ang sarili ko ngayon dahil hindi nila alam kung anong pagtitimpi ang ginagawa ko para lang hindi mabugbog ng tuluyan ang lalaking ngayon ay nakatayo na. Masama ang tingin nito sa akin. Mapapansin pa rin ang bakat ng kamay ko sa kaniyang leeg dahil mestizo ang lalaki.     “Ano pa ang hinihintay ninyo? Lahat ng involve, dumiretso sa office. ‘Wag n’yo na hintaying isa-isahin kayo,” saad ng Vice President na si Justine.      “Sisiguraduhin kong mawawala ka sa eskwelahang ito, basura!” Pahabol ni Nikita bago nagmartsa palabas. Sumunod din ang mga alipores niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD