Chapter 1
Kakapasok lang ni Nicka sa kwarto nila ng kapatid niyang si Andrea at naabutan pa niya itong gising at nakaupo sa harap ng study table nila at gumagawa pa rin ng home work nito kahit gabi na.
Galing siya sa sala nila kanina, nanuod ng teleserye sa television. Lumapit siya sa aparador nila at naghanap ng maisusuot na damit pangtulog ng tumunog ang cellphone niya.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang suot na short at sinipat niya na muna sa screen ng phone kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Sino yan ate Nicka!?" usisang tanong ni Andrea ng hindi pa niya sinagot agad ang tawag.
"Si tiyang Tinay, Andrea. Bakit kaya napatawag eh gabi na!?" aniya sa kapatid na nagtataka sa pagtawag ng tiyahin nila, pero sinagot din naman niya ang tawag.
"Hello tiyang, napatawag po kayo?" tanong niya agad ng maaccept na niya ang call.
( Nicka, narito ako sa ospital ngayon. Wag kang mabibigla! Ang tatay ninyo kase, isinugod namin rito sa ospital. Sa ngayon ay okay naman na siya, kaya wag na kayong masyadong mag alalang magkakapatid.) pahayag ng kanilang tiya Tinay.
"Bakit po tiyang, may nangyari po bang masama kay itay!?" nag aalala pa rin niyang tanong sa tiyahin kahit na sinabi na ng tiya nila na okay naman na ang ama nila.
( Nicka, ang tatay n'yo maysakit! Ang sabi ng doctor sa amin ay Tuberculosis raw, magagamot naman raw pero kailangang magpahinga ng ama ninyo at sa bahay na lang ninyo magpagaling.)
Napapikit si Nicka ng marinig ang sinabi ng tiya Tinay niya na kapatid ng namayapa nilang ina.
Napatingin siya kay Andrea na nasa tabi niya, kita niya sa mga mata ng kapatid ang pag aalala rin nito sa tatay nila.
Napausal siya ng dasal " Diyos na mahabagin, tulungan niyo po kaming malagpasan ang problemang ito at pagalingin n'yo po sana ang itay namin. Mahal na mahal po namin siya, kung kailangan ko pong magsakripisyo para sa pamilya, hindi po ako aangal. Hiling ko lang po na sana ay gumaling agad ang itay ko." piping dalangin niya.
Alam niyang hindi biro ang sakit ng kanilang ama dahil nakakahawa ang sakit na iyon at kailangan ng mahabang gamutan at talagang hindi na nga maaaring makapagtrabaho ng mabigat ang tatay nila.
"Naiintindihan ko po tiyang, Alam ko po na nakakahawa ang sakit na iyan ni itay. Pero tiyang paano naman na po kami ngayon kung hindi na makakapagtrabaho si itay? sa kanya lang kami umaasang magkakapatid. Si ate Mary Grace naman ay hirap din sa buhay nilang mag asawa lalo na dalawa ang pinapagatas nila ni kuya Larry." aniya sa tiyahin na nangangamba para sa magiging kinabukasan nila.
Pangalawa si Nicka Mae sa magkakapatid. Ang panganay nila na si Mary Grace ay maagang nag asawa ng mabuntis ng nobyo nito at ngayon nga ay may sarili ng pamilya. Si Andrea Faith ang ikatlo at nasa kolehiyo na rin tulad niya at ang bunso nila ay si Kristoff na nasa grade 7 naman na.
Maaga silang naulila sa ina. Tatlong taon pa lamang noon ang bunso nila na si Kristoff ng maaksidente ang kanilang inay pauwi sa bahay nila galing bayan. Dahil raw sa pagkakasalpok ng truck na nawalan ng preno ay nasagi nito ang tricycle na kinalululanan ng kanilang ina kaya nahulog sa bangin at iyon ang ikinamatay ng kanilang inay.
( Alam ko Nicka, Alam rin ng itay ninyo 'yan! kaya nag usap kami ng ama ninyo. Papahintuin ka na sa pag aaral at ikaw na muna ang papalit sa kanya bilang driver at katulong na rin sa mansyon. Papakiusapan namin ang amo namin na ikaw na lang ang kuning kapalit ng tatay mo, para masuportahan ang gamot at pagpapagaling niya. Nandiyan naman sa bahay ninyo ang dalawa mo pang kapatid na si Andrea at Kristoff para mag alaga sa itay ninyo.) turan sa kanya ng tiyahin.
( Marunong ka namang mag drive ng kotse at may drivers license ka na raw ang sabi ng iyong ama. Kung wala lang akong pinag aaral na dalawang anak, babalikatin ko kayo. Ang kaso ay mahirap lang din ako at sa mga kapatid ng ama n'yo naman ay wala din kayong maaasahang magkakapatid. Ikaw lang ang alam kong maaring makatulong sa ama mo at sa mga kapatid mo Nicka. Kaya kahit na alam kong mahirap para sa'yo ay sana maintindihan mo na kailangan ka ng ama mo ngayon at ng dalawa mo pang kapatid.) eksplika pa ng tiyang Tinay niya sa kanya.
"Pero tiyang dalawang semestral na lang po ay gagraduate na po ako ng nursing, sayang naman po kung titigil ako sa pag aaral ko. Baka tiyang pwede na kahit nagtatrabaho ako sa mansyon ay pupwede pa rin po akong mag aral kahit na sa gabi." nalulungkot at naiintindihan niyang saad sa tiyahin.
( Hayaan mo kakausapin ko ang amo namin at ipapakiusap ko na baka pwede kang mag aral sa gabi, kumuha ka na lang ng maluwag na schedule kapag pumayag para hindi maapektuhan ang magiging trabaho mo sa mansyon Nicka.) aning wika ng tiya Tinay n'ya.
( Ang mabuti pa ay lumuwas ka na ng maynila ngayon. Kung wala kang pamasahe, manghiram ka na muna diyan sa kapitbahay at bukas din ng umaga ay ipapadala ko ang pambayad sa kapatid mo at sila na ang bahalang magbayad sa nagpahiram sa iyo.) dagdag pang turan ng tiya nila.
"Opo tiyang luluwas ako, may hawak pa naman po akong pera dito tiyang. Yung ipinadala ni itay nung nakaraang linggo na pang allowance namin magkakapatid at budget namin dito sa bahay at yung pambayad ko rin po para sana sa monthly payment para sa school ko ay hawak ko pa rin po. Gagamitin ko na lang po yung nakalaan para sa akin at iiwanan ko na lang po kay Andrea ang allowance nila at ang panggastos dito sa bahay. Mamaya po tiyang ay luluwas na ako pa manila, aayusin ko lang po ang mga gamit at damit kong dadalhin. Sa ospital na po ako tutuloy tiyang, pakisabi po kay itay na magpagaling po siya." aniya sa tiyahin habang nakatitig siya sa kapatid niyang si Andrea na tahimik lang at nakikinig sa pag uusap nilang mag tiya.
( Salamat kung ganun, Nicka!. Kailangan ko ring bumalik sa mansyon at hindi pwedeng magtagal ako sa pagbabantay sa ama ninyo. Mag usap na lang uli tayo kapag narito ka na. itetext ko na lang sa'yo kung saang ospital nakaconfine ang itay mo at kung anong room niya dito. Mag iingat ka sa byahe mo!.)
Pagkatapos nilang mag usap ng tiya Tinay nila ay ipinatawag niya si Kristoff kay Andrea na nasa silid nito at kinausap niya ang mga kapatid. Ipinaalam niya ang sakit at kalagayan ng itay nila ngayon sa ospital at ang desisyon na rin niya.
"Andrea, Kristoff, kayo ang inaasahan kong mag aalaga kay itay, pagnakauwi na siya dito sa bahay ha!. Hindi pwedeng ako ang mag aasikaso sa kanya, dahil kailangan kong magtrabaho para sa ating lahat." pagpapaunawa niyang saad sa dalawa.
"Pansamantala titigil na muna ako sa pag aaral, pero kayong dalawa gusto kong ipagpatuloy ninyo ang pag aaral ninyo. Hindi naman mahirap alagaan ang itay, sisiguraduhin n'yo lang na makakain si itay sa tamang oras, mapainom ng gamot ng walang palya at ang mga gamit niya ay ihiwalay ninyo sa inyo para hindi kayo mahawa. Lagi rin kayo magsusuot ng face mask at mag aalcohol. Kailangan i isolate si itay ng ilang weeks kaya doon muna siya sa silid mo Kristoff, at ikaw sa sala ka na lang muna matutulog. Siguraduhin niyo lang na palagi kayong nakasuot ng face mask kapag lalapit kayo at makikipag usap kay itay, sa panahon ngayon alam n'yo na mahirap magkasakit." bilin at pagpapaalala niya sa mga kapatid.
"Huwag kang mag alala ate Nicka, hindi namin papabayaan si itay dito. Pareho namang nursing ang course natin kaya alam ko na ang mga gagawin ko. Aalalayan ko na lang itong si Kristoff ate. Sana ay gumaling agad si itay ate Nicka." wika ni Andrea na alam niyang lubos siyang naiintindihan at nauunawaan.
"Ate Nicka, palagi kang tatawag sa amin ha! Sanay akong ikaw ang nag aasikaso sa amin ni ate Andrea dito, tapos ngayon iiwan mo kami bigla. Pangako ate mag aaral akong mabuti at tutulong ako na alagaan si itay at susundin ko ang bilin ninyo ni ate Andrea." sabat naman ng kanilang bunso na naglambing pa sa kanya.
Magmula kase ng mawalan sila ng ina ay siya at ang ate Grace niya na ang nag alaga sa mga kapatid nila, kina Andrea at Kristoff. Dahil ang itay nila ay hindi naman nananatili sa tabi nila dahil stay in ang trabaho nito bilang family driver sa maynila. Nakikita o nakakasama lang nila ang itay nila kapag umuuwi ito sa kanila ng ilang araw lang, madalang pa sa patak ng ulan sa loob ng isang taon kung makasama nila ang ama nila. Pero kahit na ganoon ang naging sitwasyon nila ay masaya pa rin silang magkakapatid dahil hindi sila pinababayaan ng kanilang ama at ramdam nila ang pagmamahal ng ama nila sa kanila.
"Masanay na kayong wala ako sa tabi ninyo, palagi akong tatawag sa inyo syempre para imonitor kayo noh! Kristoff aasahan ko yang sinabi mo ha! Andrea, sayo ko iaatang ang pag aasikaso kay itay, magsalitan kayo ni Kristoff. Huwag na natin pakiusapan na mag alaga si ate Grace kay itay, mahirap na at may anak siyang maliliit pa. Pero sasabihan ko siyang tignan- tignan pa rin kayo dito." aniya sa dalawang nakababatang kapatid.
"Ou 'te Nicka, naiintindihan namin ni Kristoff. Paano 'te Nicka, balitaan mo kami pag nasa manila ka na. Mag iingat ka roon at sana mapakiusapan ni tiya Tinay na pumayag ang amo ninyo na makapag aral ka pa rin kahit na sa gabi."
"Sana nga Andrea! sabi naman ni itay at tiyang ay mabait ang amo nila. Sana payagan talaga akong maipagpatuloy ko ang pag aaral ko, sayang naman kase kung hihinto pa ako." dalangin pa ni Nicka.
"Paano aalis na 'ko, yung mga bilin ko sa inyo ha! wag na wag ninyong kalilimutan, okay!. Palagi kayong mag iingat dito at sa mga gagawin ninyo. Mahal na mahal ko kayo!" habilin niya pang muli at naiiyak na nagpaalam sa mga kapatid.
"Ihatid na kita ate Nicka?" aning wika ni Kristoff.
"Naku wag na Kristoff, kaya ko na 'to!. Sige na bye bye na. Yung mga pinto i lock na ninyo ha! wag na kayong lumabas kapag gabi na!"
"Opo ate, ingat ka!" magkasabay na sagot nila Andrea at Kristoff.
Yumakap na muna siya sa mga kapatid bago siya tuluyang nagpaalam. Bitbit ang bag at tinahak na niya ang daan palabas ng bahay nila.
Sakay ng bus mula Naga, Camarines Sur ay nakarating din si Nicka Mae sa bus terminal ng maynila pagkatapos ng siyam na oras na mahabang byahe. At dahil hindi pa niya alam ang pasikot sikot sa lugar ay naisipan niyang sumakay na ng taxi patungong ospital kung saan nakaconfine pa rin ang kanyang ama.
Pagkapasok niya sa ospital ay lumapit siya sa nurse station at nagtanong sa nurse kung saan ang way papunta sa room ng kanyang itay. Hiningi ng nurse sa kanya ang patient name at tinignan sa record ang pangalan ng ama niya at pagkatapos ay itinuro na nito ang daan patungo sa ward kung saan naroroon ang kanyang ama.
Tinahak niya ang daan papunta sa ward at bago siya pinapasok sa room ay hinarang siya ng isang nurse at inexamined muna siya at pinasuotan siya ng face mask at pinaghand sanitize.
Nang makapasok siya sa loob ng room, ay nakita niya agad ang kanyang ama dahil nasa bungad lang naman ang pwesto nito.
"Tay!? Tay, kumusta po kayo rito?" naluluhang tanong niya sa ama ng malapitan niya ito. Biglang bumagsak kase ang katawan ng ama niya, huli nilang nakita ang ama ay may nakausli pang taba sa tiyan ang itay niya, ngayon ay ang laki na ng ipinayat nito humumpak ang pisngi at lumalim ang mata.
"Nicka, anak! kanina ka pa ba dito sa ospital? mabuti at dumating ka na! gusto ko ng umuwi sa atin, anak. Ikaw lang ang hinihintay ng mga doctor para payagan akong makauwi. Ayokong magtagal rito, pakiramdam ko lalo lang akong manghihina." mahihimigan ng lungkot ang boses ng ama niya habang kinakausap siya nito.
"Kadarating ko lang po itay! pasensiya na po ngayon lang ako. Ano pong sabi ng doctor sa inyo tay?" aniya sa ama na pilit pinapanormal ang boses niya dahil ayaw niyang makita ng itay niya na naaawa siyang talaga rito.
"Ang sabi ng doctor acute tuberculosis raw, kaya pang mapagaling ng gamot basta hindi papalya sa pag inom ng mga gamot araw araw ay madali naman raw akong gagaling." seryosong saad ni mang Chris kay Nicka.
"Pwede na raw ho kayang idischarged agad!?" tanong niya sa ama.
"Yun ang sabi ng doctor kagabi sa tiya Tinay mo. Nga pala anak, pasensiya ka na kung ikaw na muna ang papalit sa akin sa mansion ha! madali lang naman ang trabaho mo don at naroon ang tiya Tinay mo kaya panatag ako na hindi ka mapapahamak rito sa maynila, basta makikinig ka lang sa tiyahin mo anak." hinging paumanhin ni mang Chris sa kanya.
"Tay, pumayag na po ba ang amo ninyo na ako ang maging kapalit mo?" tanong niya sa ama na ikinatango nito.
"Bago ako iwan ng tiya mo rito kagabi ay nakausap ko sa cellphone si Sir Arnel, nakiusap ako at ang tiya mo at pumayag naman siya. Napakabait ng amo kong iyon kaya wala kang magiging problema. Madalas naman din na sa bahay ka lang dahil hindi naman nagpapamaneho si sir Arnel pagpumapasok ng opisina. Nagdadala siya ng sarili niyang sasakyan. Nagpapahatid lang siya o sundo madalas sa airport kapag mag a out of town o lalabas siya ng bansa. Ikaw ang magdadrive kapag mamimili ang tiya mo sa palengke o grocery o kapag nautusan ka lang na magdala ng kung ano kay sir Arnel sa opisina o may ipapasuyo sa iyo. Kapag wala ka naman ginagawa linisan mo ang mga sasakyan at icheck mo ang makina at break ng mga kotse. Marunong ka naman nun di ba! dahil nag aral ka ng automotive." litanya ni mang Chris sa anak.
"Opo tay! tambay ako sa talyer nila Emman di po ba!? kaya naman maalam ako sa sasakyan, bukod sa nakapag aral pa ko ng automotive. Mabuti na lang at nahikayat ako ng kaibigan ko noon na mag aral ng pagmemekaniko kasabay niya!" nakangiting pagyayabang niya sa ama.
Si Emman ay ang bestfriend niya, na kababata din niya, na kapitbahay nila sa Naga. Na may sariling talyer ang pamilya.
"Nicka, patawad kung kailangan na mag stop ka muna sa pag aaral mo ng dahil sa akin! ayoko sana na malayo ka sa mga kapatid mo, pero paano tayo? wala naman akong ipon anak. Lahat ng sinasahod ko sa pag aaral at gastos ninyo sa bahay napupunta. Ang tiya Tinay mo ang nakaisip na kunin kang kasambahay sa mansyon, pero maliit lang ang sahod ng kasambahay kaya sinabi kong ikaw na lang ang maging driver tutal marunong ka naman sa mga sasakyan. Hayaan mo anak kapag gumaling na ko at pwede na uli akong magtrabaho ay papatigilin na kita sa trabaho sa mansyon, pangako ko yan sayo Nicka!"
"Huwag n'yo na po munang isipin yan itay! ang gumaling kayo ay sapat na sa akin. Okay lang po ako tay! nauunawaan ko po ang sitwasyon natin ngayon. Hindi n'yo naman ginustong magkasakit kayo di ba! pagsubok lang po ito sa atin at malalagpasan natin ito 'tay." seryoso niyang turan sa ama.
"Anong oras po ba ang rounds ng doctor ninyo?" pag iiba na niya ng usapan.
"Hindi ko alam, baka mamaya lang mag iikot na 'yon. Nga pala natawagan mo na ba ang mga kapatid mo? nasabi mo bang narito ka na?" pagpapaalala sa kanya ng ama.
"Natawagan ko na po kanina pagkababa ko ng bus sa terminal. Mamaya po tatawagan ko uli, sasabihin ko na iayos ang kwarto ninyo sa bahay at ilipat ang tv sa loob ng silid n'yo, para maging komportable kayo dun sa bahay!" aniya naman.
"Tay, alam naman po ninyo na nakakahawa ang sakit n'yo di po ba!? sana po makinig kayo kina Andrea at Kristoff kapag nandoon na kayo sa bahay ha. Hindi n'yo naman po siguro gusto na magkahawaan kayo sa bahay ng mga kapatid ko di po ba!?" seryoso niyang pakikipag-usap sa ama.
"Anak, hindi ako pasaway na katulad ng ate Grace ninyo na matigas ang ulo." tatawa tawang turan naman ni mang Chris sa kanya.
"Ikaw talaga 'tay! pinaalalahanan ko lang po kayo." nakangiti ng wika ni Nicka sa ama. Pagkatapos nilang makapag-usap ay gumaan na ang pakiramdam niya.
Ilang minuto ang hinintay nilang mag ama ng dumating ang doctor. Ipinakilala siya ng itay niya at ipinaliwanag ng doctor kay Nicka ang sakit ng kanyang ama. Tinanong niya ang doctor kung pwede ng ilabas ng ospital ang kanyang itay at kung maaring sa bahay na lamang magpagaling ang ama. Pumayag naman ang doctor na maidischarge si mang Chris sa araw ding iyon.
Itinawag ni Nicka sa tiyahin ang sinabi ng doctor at binilinan siya nito na hintayin ito sa ospital.
Mag aala una na ng tanghali ng dumating ang tiya niya. Kanina ay pansamantala niyang iniwan sa ward ang itay niya, dahil may oras ang dalaw sa pasyente at kailangan din naman niyang kumain. Nagpaalam siya sa ama niya na sa labas na lang din niya hihintayin ang tiya Tinay n'ya.
Sa canteen ng ospital sila ng tiyahin niya nagkita at doon na rin sila nag usap ng makarating ito sa ospital.
"Tiyang, paano po ang bill ni itay rito sa ospital? nagpatotal na po ako kanina sa registrars office. Masyado po palang malaki ang bill ni itay, hindi po sapat ang perang hawak ko." namumuroblemang wika niya sa tiyahin.
"Huwag mo ng intindihin ang bill Nicka, nag abot si sir Arnel ng pera para may pambayad kayo sa ospital at ito ipinabibigay niya sa ama mo." aning wika ng tiya Tinay niya at iniabot ang isang puting sobre na may lamang pera.
Tinanggap niya iyon at tinignan ang laman. Pera iyon, na tig-iisang libo. Napasulyap siya sa tiyahin dahil malaking halaga ang ibinigay ng amo ng ama niya.
"100 Thousand pesos yan! retirement fee ng ama mo. Ipinabibigay 'yan ni sir Arnel, dahil alam niyang kailangan yan ng ama mo at ninyong magkakapatid." paliwanag ng tiya niya sa kanya.
"Pwede na ninyong panimula yan! pero isipin mo Nicka na mabilis lang din mauubos yan, na hindi yan magiging pangmatagalan. Kinausap ko na ang amo ko at pumayag siya na maaari kang magpatuloy ng pag aaral mo sa gabi." dugtong pang saad ng tiya niya.
"Mag isip ka ngayon Nicka, kung papasok ka pa rin ba sa mansyon o hindi na!. Magdesisyon ka agad dahil kailangan namin ng driver sa bahay. Kung ayaw mo namang mamasukan sa mansyon ay hindi ka namin pipilitin ng ama mo. Maghahanap na lang si sir Arnel siguro ng iba." wika pa nito sa kanya. Saglit siyang natahimik at nag isip. Binigyan naman siya ng oras ng tiyahin niya na pag isipang mabuti ang sinabi nito sa kanya.
"Tama po kayo, tiyang Tinay! madali lang mauubos ang perang ito at kailangan pa rin namin ng pagkakakitaan monthly, kung payag naman po ang amo ninyo na mag aral pa rin ako ay iga-grab ko na po ang opportunity na 'to. Ihahatid ko lang po si itay sa amin at babalik din po ako agad para makapagsimula na sa trabaho." aniyang sagot sa kanyang tiya Tinay na natutuwa sa naging desisyon niya.
"Kung ganun ay iwan mo na sa akin ang ibang gamit mong dala at bibitbitin ko na pauwi sa mansyon at mamaya ay mailalabas mo na ang ama mo. Magpa-assist na lang kayo na maihatid kayo ng ama mo sa Naga. At bukas bago mag gabi ay aasahan ka namin sa mansyon. Alam kong kailangan mo pang kuhanin ang mga records mo sa univiersity para makapagtransfer ka rito. Mag eroplano ka na lang bukas para hindi ka matagalan sa byahe mo pabalik rito." litanya ng tiya niya at nagbilin na rin upang hindi siya magahol sa pagbalik niya ng maynila.
"Sige po tiyang, pakisabi po kay sir Arnel na salamat po sa lahat. Darating po ako sa mansyon bukas." turan pa niya na ikinatango ng tiyahin sa kanya.