Chapter 2

2502 Words
Pagkabayad ni Nicka ng bill sa ospital ay hinintay pa nila ang discharge paper na pinapirmahan sa doctor ng ama. Hindi nagtagal ang tiya niya sa ospital kanina dahil may trabaho pa raw ito. Nakipagkita lang ang tiyahin niya sa kanya para makausap siya ng personal at maiabot sa kanya ang pera na pinabibigay ng amo. Saglit lang din itong nagpakita sa kanyang ama para pagbilinan at paalalahanan. Gabi na ng makalabas sila ng ospital dahil bukod sa pirma ng doctor ay hinintay din nila ang sasakyan na inirequest nila para maghatid sa kanilang mag ama sa probinsiya. Nang makarating sila sa bahay nila ay nakaayos na ang silid ng kanilang ama. Naipaalam niya naman kase sa mga kapatid na pauwi silang mag ama. Pagkatapos ng kamustahan nila ay kinausap niya uli ang mga kapatid habang ang kanilang ama ay natutulog naman na. "Bukas na bukas din ay babalik din ako ng maynila. Nangako ako kay tiyang na itutuloy ko ang trabaho ni itay sa mansyon. Makakapag-aral pa rin naman daw ako kaya okay na ko dun, may sweldo pa monthly! Nakausap ko na rin si ate Grace sa cellphone kanina, pupunta-punta na lang si ate Grace dito sa bahay para matignan-tignan kayo rito. Nabilinan ko naman na siya kaya wala ng magiging problema." aniya. "Kailangan mo ba ng tulong ate para makuha ang mga records mo sa school? madali lang naman yun pag nakuha ko ipapadala ko na lang sayo." aning wika ni Andrea sa kanya. "Pupunta ako bukas ng umaga sa unibersidad. Aasikasuhin ko muna ang mga dapat kong asikasuhin bago ako umalis. Mag eeroplano naman ako bukas para makaabot ako sa ibinigay na oras sa akin ni tiyang Tinay. Kung sakali na hindi ko pa makumpleto bago ako umalis ay makikisuyo na lang ako sa'yo Andrea." turan niya sa kapatid. "Walang problema ate Nicka, itawag mo lang!" "Salamat!" at matipid siyang ngumiti sa kapatid. "Ate Nicka, kanina si kuya Emman naparito hinahanap ka!? sinabi kong lumuwas ka ng maynila. Tinanong ako kung bakit, pero hindi ako nagkwento. Ang sabi ko, ikaw na lang ang tanungin niya." sabat naman ni Kristoff sa kanila ni Andrea. "Tumatawag at nag chat nga sa akin kanina pero hindi ko pa nireplyan, mangungulit lang yun eh! wala pati ako sa mood makipaghuntahan sa kanya, marami akong iniisip ngayon. Hindi naman biro ang pagkakasakit ni itay! mabuti na lang at mabait ang amo nila itay at tiyang kaya hindi tayo masyadong nahihirapan ngayon sa gastusin." seryoso niyang turan sa kapatid na hindi naman na nagsalita pa. Kinabukasan pagkalabas ni Nicka ng bahay nila ay hindi niya inaasahan na may naghihintay pala sa kanya. Napapalatak pa siya ng ngitian siya ng kaibigan. "Ang aga mong tumambay ah! kanina ka pa dito sa labas ng bakuran namin ano!?" tanong niya kay Emman. "Grabe ka sa tumambay Niks! wala akong magawa sa loob ng bahay kaya dito ako sa labas nagkape." pagtatama ng lalaki sa kanya. "Utot mo! dito talaga sa harap ng bahay namin, bistado ka na magdideny ka pa! dalawang bahay ang pagitan ng mga bahay natin Emman. May kailangan ka?" paasik niyang turan sa kaibigan. "Tinatawagan kita kahapon, nag chat din ako sayo, pero dinededma mo lang ako! May problema ka?" tanong ni Emman sa kanya. "Okay lang ako! Nga pala, baka pwede mo naman minsan bantayan ang mga kapatid ko, aalis kase ako, pupunta ako ng maynila doon na ko mag aaral at magtatrabaho." pakikisuyo niya sa kaibigan. "Ano!? kailan ka aalis? bakit naman ngayon mo lang sinabi sa akin Niks." eksaheradong saad ng lalaki sa kanya lalo na ng hawakan nito ang isa niyang kamay. "Ay ang over acting ha! hindi bagay sa'yo Emman. Mamaya may makakitang syota mo sa paligid ay pagselosan na naman ako. Bitiwan mo nga ang kamay ko." aniya sa lalaki. "Wala akong syota Niks, sila lang ang nag iisip na syota ko sila. Kung may gusto man akong maging girlfriend ikaw lang, walang iba!" palipad hangin sa kanya ng kaibigan. "Tigilan mo ko Emman, mga bata pa lang tayo alam ko na mga kalokohan mo, kaya wag ako ang pinagloloko mo! May gagawin ka ba ngayon?" "Ayaw mo talaga akong seryosohin!" bagsak ang balikat na saad ni Emman na ikinahampas ni Nicka sa braso ng matalik niyang kaibigan. "Puro ka kalokohan! May gagawin ka ba mamaya?" muli niyang tanong sa lalaki. "Wala naman! bakit?" "Hatid mo ko sa airport mamayang hapon." "Airport!? bakit anong gagawin mo dun?" Inirapan muna ni Nicka si Emman bago sinagot ang tanong. "Tatambay o magbibilang ng mga pasahero siguro mamaya!?" papilosopo niyang sagot. "Seryoso ako Niks!" saad ni Emman. "Sasakay ng eroplano patungong manila nga!" seryoso na niyang sagot. "Ngayong araw ka na aalis!? pero kakabalik n'yo lang kagabi Niks, ng tatay mo di ba, galing maynila tapos aalis ka na naman!" "Mukhang nakasagap ka na ng tsismis ah! sino nagsabi sa iyo Emman?" "Si aling Salve, kanina nakausap ko siya! Sabi niya umuwi ka kagabi na kasama ang itay ninyo. May sakit raw ata si mang Chris kaya sinundo mo sa maynila kahapon." pagtatapat ni Emman na ikinatango niya. Hindi naman na nagulat si Nicka sa nalaman dahil si aling Salve na kapitbahay nila ay isa sa mga tsismosa sa kanilang lugar. "Inihatid ko lang talaga si itay dito, dahil hindi siya pwedeng manatili sa mansyon at sa ospital. Pwede naman daw siyang magpagaling sa bahay, ang sabi ng doctor. Kailangan kong bumalik ng maynila dahil ako na ang papalit sa trabaho ni itay sa mansyon, sa amo niya bilang katulong s***h driver. Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko, kaya ngayon pupunta ako sa university para kunin ang mga records ko at magpaalam na rin sa mga kaibigan ko sa school." mahabang litanya niya kay Emman. "Bakit naman biglaan Niks?" "Kahit naman ako, pati mga kapatid ko ay nabigla rin Emman.Hindi sila sanay na wala ako sa tabi nila, ganoon rin ako! pero kailangan kong i grab ang opportunity Emman dahil hindi pwedeng lahat kami ay walang pagkakakitaan. May sakit ang itay namin, kung mananatili ako rito paano na kami sa mga susunod na mga araw. Hindi ako papayag na mahinto sa pag aaral ang mga kapatid ko, lalo na kung may magagawa naman ako para sa kanila. Pati si itay hindi siya pwedeng pumalya sa gamot dahil may posibilidad na lumala pa ang sakit niya kung hindi dirediretso ang pag take niya ng gamot." "Ano bang sakit ni mang Chris?" tanong ni Emman. "May tuberculosis si itay, Emman. Hindi naman ganoon kalala ang sakit niya, pero kung mapapabayaan ay maaari niya ring ikamatay 'yon." malungkot niyang pahayag na napansin naman ni Emman. "Sure ka na ba sa desisyon mong mamasukan sa amo ng itay ninyo?" "Nakapagdesisyon na ko Emman at nasabi ko na kay tiyang na darating ako ngayong araw kaya wala ng atrasan 'to." "Paano na tayo, Niks? magkakalayo na tayo sa isa't isa, hindi na kita mababantayan." "Anong paano tayo? pinagsasabi mong lalaki ka!? may sira na naman ang ulo mo, lumuwag na naman ata ang turnilyo ng kukote mo, Emman. Makaalis na nga at nagmamadali ako. Hatid mo 'ko mamaya sa airport ha!" angil niya pang saad sa kaibigan. "Hatid na kita sa university, hintayin mo ko magpapalit lang ako ng damit!" "Hindi na, baka matagalan ako sa school. Mamayang hapon na lang, hatid mo ko sa airport ha! alis na ko, kita na lang tayo mamaya." paalam na niya kay Emman. Malungkot na sinundan siya ng tingin ni Emman papalayo. Napabuga ng hangin ang lalaki at napailing na lamang ng ulo. Mga bata pa lang sila gusto na ni Emman si Nicka. Alam niyang mahal siya ni Nicka bilang kaibigan, pero siya mahal niya ang dalaga ng higit pa sa kaibigan. Natatakot siyang umamin dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa kapag nalaman ni Nicka ang tunay niyang nararamdaman. Ayaw niyang layuan siya ni Nicka kaya idinadaan niya lagi sa biro ang gusto niyang sabihin sa dalaga na palagi naman hindi rin sineseryoso ni Nicka. Gabi na ng makarating si Nicka sa mansyon ng mga Dela Cerna. Pagbaba pa lang niya sa taxi na sinakyan niya ay nakasalubong na sa kanya ang tiyahin niya sa labas ng gate. "Sakto ang pagdating mo Nicka, dahil paparating pa lang si sir Arnel. Pumasok na tayo sa loob at magpalit ka na muna ng damit mo, magpahinga ka na rin muna sa quarters at tatawagin ka na lamang namin kapag narito na siya." aning wika ni Tinay sa pamangkin. "Siya ba ang anak ni Chris, Tinay? aba ay napakaganda naman palang dalaga ng pamangkin mo! anak ba talaga yan ni Chris? Hindi ata nababagay na maging kasambahay at driver dito sa mansyon ang pamangkin mo, mas bagay sa kanya maging senyorita." turan at komento naman ng guard sa mansyon ng makita nito si Nicka. "Maganda talaga yang pamangkin ko dahil maganda ang lahi namin Loreto. Huwag kang magtaka kung anak siya ni Chris, dahil kamukha si Nicka ng kapatid ko at hindi ng ama niya. Nicka, si Loreto pala ang security guard namin dito sa mansyon. Mapagbiro yan pero mabait naman. Ingat ka lang sa matatamis na dila niyan, maraming girlfriend na kasambahay yan dito sa buong subdivision kaya ingat ka pa rin sa kanya." babala ng tiyahin niya na ikinakamot sa ulo ng guwardiya. "Siniraan mo pa ko sa pamangkin mo, hindi ako pumapatol sa parang anak ko na rin Tinay. Kaibigan ko ang ama niyan kaya kahit nagagandahan ako sa kanya ay hindi ko papatusin ang pamangkin mo. Mas type ko ang mga katulad mo, yung matagal ng hiwalay sa asawa." aning pahayag ni mang Loreto sa kanila na ikinangiti ni Nicka sa matanda. "Gagu! tigilan mo ko Loreto sa pangbubwiset mo. Tara na sa loob Nicka, baka abutan pa tayo ni sir Arnel dito sa labas." pikong saad pa ng tiya niya sa lalaki na nginitian silang mag tiya. "Sige po tiyang! Nice meeting you po mang Loreto, pasok na po kami sa loob ng bahay." aning wika ni Nicka sa guwardiya. "Nice meeting you rin Nicka, sundan mo na ang tiya mo at baka pagalitan ka pa nun!" Pagpasok nila ay dumiretso na sila sa quarters maid. Malaki ang buong silid, parang isang buong bahay may sarili silang sala at mini kitchen, may toilet sa loob at dalawang kwarto. Ang isang room ay para sa tiya niya at ang isa raw ay sa dalawang kasambahay pa na makikilala niya mamaya. "Ang laki po pala tiyang nitong mansyon! bukod po ba kay sir Arnel tiyang, sinu sino pa po ba ang amo sa bahay na 'to? laging si sir Arnel lang po kase naririnig kong bukambibig ninyo ni itay." pag uusisa niya. "Ulila na sa mga magulang si sir Arnel, may madrasta siya si senyora Mirasol, ang pangalawang asawa ni Senyor Alfredo at may kapatid siya sa ama na si Allyson at Allen, pero hindi sila dito nakatira sa mansyon. Si sir Allen ang madalas nag i stay rito kapag umuuwi galing ibang bansa. May asawa na si sir Arnel si ma'am Romary, pero hiwalay na sila ngayon. Nasa ibang bansa yata ngayon si ma'am Romary." bigay impormasyon ng tiya Tinay niya. "Saklap naman po pala ng buhay ni sir Arnel parang mag isa lang siya ngayon sa buhay niya. Wala po ba silang anak ng asawa niya?" usisa pa ni Nicka sa tiyahin. "Ang pagkamatay nga ng anak nila ang dahilan kung bakit hiniwalayan si sir Arnel ng asawa niya. Mahabang kwento Nicka, saka na natin pag usapan ang tungkol sa buhay ng mga amo natin!" "Hindi pala dito ang magiging kwarto mo, doon ka sa dating kwarto ng iyong ama, katabi lang nitong quarters pagkalabas mo. Naroon pa ang gamit ng iyong ama na naiwan, ikaw na ang bahalang maglinis non mamaya ha! yung gamit mo nasa kwarto ko kunin mo na lang. Maiwan na muna kita rito at may gagawin pa ako sa kusina. Ipapatawag na lang kita kay Lenny o kaya kay Jane para sabay sabay na tayong kumain at para makaharap mo na rin ang amo natin mamaya." "Sige po tiyang, salamat!" aniya bago siya maiwan sa silid ng mga katulong. Naghalfbath na muna siya at nagpalit ng damit pambahay. Habang hinihintay ang pagtawag sa kanya ng tiya niya. Nag chat siya sa kapatid para ipaalam na nasa mansyon na siya. Nabasa niya ang send message sa kanya ng mga kapatid at ni Emman na rin na nangungumusta. Nireplyan niya ang kaibigan para hindi na rin mag alala pa ito sa kanya. Naalala niya ng ihatid siya kanina ni Emman sa airport, mayroong ibinigay na sulat sa kanya ang kaibigan na ipinasok niya sa kanyang bagpack bago siya mag check in sa airport. Balak na sana niyang basahin ang sulat ng ipatawag naman na siya ng tiya niya. "Hi! ikaw si Nicka, ang pamangkin ni manang Tinay di ba!? ako pala si Jane kasambahay din dito sa mansyon. Pinatatawag ka na ng tiya mo." wika ng isang babae na sa tingin niya ay katulong din sa mansyon. "Ah oo ako si Nicka, sige Jane, susunod na lamang ako sayo." "Mamaya ililibot kita sa buong bahay para masanay ka na rito." " Sige Jane, thank you nga pala!" "Para saan?" tanong nito sa kanya. "Sa magandang pagtanggap mo sa akin dito!" "Ah yun pala! wala yun, natural lang naman na maging maganda ang pakikitungo natin sa bawat isa rito. Ayaw ni sir na nag aaway at di nagkakasundo ang mga katulong niya. Kapag nalaman niya na nagkakagulo mga kasambahay niya pinapaalis niya pareho. Si manang Tinay at ako, pati ang tatay mo lang ang nagtagal dito. Si Lenny ang bago pa lang dito sa amin." daldal pa sa kanya ni Jane habang magkasabay silang tinutungo ang kusina. "Jane, Lenny, mauna na kayong kumain at mamaya na kami ni Nicka. Sasamahan ko na muna ang pamangkin ko kay sir Arnel." utos ng tiyahin ni Nicka sa dalawang kasambahay ng makapasok na sila ni Jane sa kusina. "Hi, Nicka! welcome sa mansyon ng mga dela Cerna. Ako pala si Lenny, baguhan lang din ako dito, sana magkasundo tayo." bati sa kanya ni Lenny na mukha naman talagang friendly. "Oo naman Lenny, salamat sa pag welcome!" nagagalak niyang saad. "O siya tama na muna ang pag uusap ninyo at si sir Arnel na muna Nicka ang harapin mo, tara na sa library at doon ka raw ni sir kakausapin." Sumunod si Nicka sa tiyahin niya at nakita niya ang lawak ng loob ng buong bahay. Sa likod kase sila kanina dumaan ng tiya niya kaya ngayon lang niya nasilayan ang pinakaloob ng mansyon. Namangha siya sa interior ng buong bahay pati sa mga gamit at display halatang mga mamahalin. Masasabi mong napakayaman talaga ng may ari ng mansyon sa isip isip niya. Nakita niya ang ilang mga picture frame na naroon sa may sala pero hindi niya natitigan ng malapitan dahil tuloy-tuloy sa paglalakad ang tiya niya. Ang umagaw sa kanyang pansin talaga ay ang malaking frame ng isang napakaganda at sopistikadang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD