Chapter 3

2493 Words
"Narito na tayo sa labas ng library ni sir Arnel. Dito siya namamalagi kapag naririto siya sa bahay, dahil ito ang parang pinakaopisina niya sa loob ng bahay. Kinakabahan ka ba?" aning turan ng tiya niya. "Medyo po t'yang." pag aming sagot n'ya. "Kasama mo naman ako sa loob kaya wag ka ng kabahan. Pumasok na tayo." aning wika pa ng tiya niya at kumatok na sa pinto. "Come in." sagot ng amo nila na nasa loob ng library. Binuksan ng tiya niya ang pinto at pinauna siyang pumasok. Malaki rin ang kabuuan ng library kaya medyo malayo sa pwesto nila ang among lalaki. "Sir Arnel, kasama ko na po si Nicka ang anak po ni Chris na pamangkin ko naman!" wika ni Tinay sa amo na busy sa ginagawa nito sa harap ng laptop. "Maupo muna kayo ng pamangkin mo manang, tapusin ko lang itong ginagawa ko." ani ng baritonong boses ng amo nila. Naupo muna sila sa mahabang sofa na naroon habang hinihintay na matapos ang amo sa ginagawa nito. Hindi pa masipat ni Nicka ang kabuuang mukha ng sir Arnel nila dahil nakayuko ang lalaki pero kahit na side pa lang ng mukha ang nakikita ni Nicka ay nagagwapuhan na siya sa amo. Ang akala niya ay nasa edad 40 pataas na ang amo nila pero mukha pa itong bata na sa hinuha niya ay nasa early 30's pa lamang ito. "Tiyang, ilang taon na po si sir Arnel?" pabulong niyang tanong sa tiyahin. "Mag 34 pa lang siya sa september, bakit nabigla ka ba sa nakita mo!? inisip mong may edad na ang amo natin?" pabulong ding wika ng tiyahin sa kanya. "Opo tiyang! ang buong akala ko po kaedaran n'yo na ni itay si Sir Arnel." pagsasabi niya ng totoo. "Mamaya na natin pag usapan yan! wag ka na munang maingay!" pagsaway na sa kanya ng tiyahin. "Manang Tinay, lumapit po kayo at dito kayo maupo ng pamangkin mo." utos ng among lalaki sa kanila. At sinulyapan ang babaeng kasama ng mayordoma habang papalapit ang mga ito sa lamesa at doon naupo sa magkabilaang silya. "Sigurado po ba kayong marunong magdrive ng sasakyan ang pamangkin mo manang!?" "Ang sabi po sa akin ng pamangkin ko ay marunong siya at nag aral din siya ng automotive kaya maalam din siya sa mga makina ng kotse at motor." sagot ni aling Tinay sa amo pero sumusulyap din ng tingin sa pamangkin. "Sir, kahit naman po babae ako marunong po akong magmaneho ng motor at kotse kahit maliit na truck po ay kaya ko rin. Laking talyer po ako at may certificate po ako na katunayan na nagtapos ako ng automotive." dagdag na sagot ni Nicka sa sinabi ng kanyang tiya. "Nicka, Nicka right!?" tanong sa kanya ng lalaking amo. "Y-yes po sir, im Nicka Mae Romero po 22 years old, nursing student po, bukod po sa driving skills at pagmemekaniko kung hindi n'yo po maitatanong marunong at masarap din po akong magluto at mag bake sir." aniyang kinakabahan pero confident naman. "Okay!, May drivers licensed ka?" Mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo ang dalaga at dinukot niya ang lisensya sa likurang bulsa ng suot niyang maong short at inilapag sa lamesa ng amo ang id niya upang maipakita ang kanyang lisensya. Nakatingin naman si Arnel sa anak ni mang Chris na hindi niya inaasahan na maganda pala ang dalaga lalo na sa malapitan at makinis at maputi ang mahaba nitong binti na sa tingin niya ay nasa 5'4 o 5'5 ang taas. Inabot niya ang lisensiya ng dalaga at sinuri niya iyon at ibinalik rin naman agad ang drivers license nito ng masiguro niyang hindi fake ang lisensiya ni Nicka. Ibinalik ng dalaga ang lisensya sa bulsa ng short. Muli na naman napatingin si Arnel sa magandang hubog ng binti ni Nicka na ikinapagpabuntong hininga niya dahil sa may kakaibang dating sa kanya ang legs ni Nicka. "Ang sabi sa akin ni Manang ay gusto mong ipagpatuloy pa rin ang pag aaral mo rito kahit sa gabi ang pasok mo. Naiintindihan ko na may pangarap kang nais na maabot at para kay manang at kay mang Chris ay pinapayagan kita na mag aral sa gabi. But, kung mapapabayaan mo ang trabaho mo rito ay mapipilitan akong palitan ka, Nagkakaintindihan ba tayo Nicka?" istriktong saad ni Arnel sa dalaga. "Maraming salamat po sir Arnel! pangako ko po na hindi po ako magpapabaya at pahahalagahan ko po ang trabaho ko rito sa inyo." "Okay! here is the information sheet, fill up-an mo yan ngayon at bukas magsisimula ka na." saad pa ng among lalaki na naglapag sa harap ni Nicka ng isang bio data. Sinagutan ni Nicka ang information sheet at pagkatapos ay ibinalik sa among lalaki. "Ang sweldo mo monthly ay 20 thousand pesos dahil bukod sa pagiging driver mo dito ay tutulong tulong ka rin sa gawaing bahay, iyon ang napag usapan namin ni manang Tinay kahapon kaya tinaasan ko ang sahod mo. Sa mga bayarin ninyo sa gobyerno ay si manang na ang bahala doon, siya ang nag aasikaso nun monthly para sigurado kayo na naibibigay sa inyo ang karapatan ninyong benefits." "Ang laki pala ng sahod ko!" naibulalas na wika ni Nicka. "Yes Nicka, kaya umaasa akong pag iigihan mo ang trabaho mo. And one more thing, ayokong nagsusuot ka ng short dito sa bahay kapag oras pa ng trabaho. Manang bilhan mo ng maayos na uniform ang pamangkin mo." Napatingin si Nicka sa suot niya pati ang tiyahin niya. Nakablack shirt siya at short na maong na hindi naman maiksi talaga. "Ah sir, pwede pong mag request? driver naman po ako di po ba!? okay lang naman po sa akin na laging nakapantalon pero sana maong na lang at plain color shirt na lang po white or black mas okay o kaya any colors basta plain para naman po alam ninyo kung nagpapalit ako ng t-shirt o hindi!" nakangiti niyang saad sa amo niya na pasimpleng ikinakurot ni aling Tinay sa tagiliran niya. "Aray naman tiyang masakit yun ha! kung hindi naman pupwede ay okay lang! mas komportable lang ako sa ganoong suot kaya ako nagsuggest at nagrequest. Sorry po sir Arnel!" aniya ng samaan pa siya ng tingin ng tiyahin niya. Napailing si Arnel sa inasta ng bago niyang driver. "Manang, ibili mo siya ng mga pantalon na maong at plain na t shirt. Kayo na ang bahalang pumili para sa kanya. Pwede na kayong bumalik sa quarters ninyo at magpahinga." seryosong utos ni Arnel sa mayordoma niya. "Sige sir Arnel, ibibili ko siya bukas na bukas rin." aning wika ni manang Tinay. "Thank you po sir! maraming, maraming thank you po talaga!" nakangiting pasasalamat naman ni Nicka sa amo. "Tara na tiyang sa kusina, okay naman na ako kay sir Arnel eh! gutom na ako kanina pa, baka pwede na siguro tayong kumain, hindi ako nakapagmeryenda sa byahe kanina kaya nag aalburuto na ang mga anaconda ko sa tiyan." aning wika ni Nicka na narinig pa ni Arnel kaya napangiti siya sa sinabi ng dalaga at nang papalabas na ang mga ito ay muli niyang narinig na umaray ito. Naisip niyang may pagkapasayaw ang dalaga kaya nakatikim na naman sigurado ng kurot kay manang Tinay. Kinabukasan maagang lumabas ng silid niya si Arnel para pumasok sa kumpanya nila dahil may maaga siyang meeting with the board member para sa nakuha nilang bagong contract job na uumpisahan na nilang gawin next week. Nagmamadali siya kaya hindi na siya makakapag almusal pa. Dumiretso siya sa garahe para kunin ang sasakyan niya ng makita roon si Nicka na nagkacarwash ng mga sasakyan. Natigilan siya at napalunok siya ng laway ng mapansin ang suot ng dalaga. Nakasleeves na pang itaas at naka shorts lang ito. Kitang kita ang hubog ng katawan ni Nicka at malaporselanang kutis nito. Napapikit siya at napabuga ng hangin dahil pakiramdam niya naaakit siya sa anak ni mang Chris. "Ay sir Arnel, kanina pa po ba kayo diyan!? pasensiya na po kung hindi ko po kayo agad napansin, Good morning po pala! paumanhin po kung hindi pa rin po ako tapos sa iba, pero wag po kayong mag alala sir inuna ko pong tapusin talaga ang gagamitin mong sasakyan. Navacuum ko na rin po ang loob ng kotse mo sir at na check ko na rin po ang break at makina, kaya safe na safe na pong gamitin ang sasakyan ninyo." mabilis na wika ni Nicka na nagpapaliwanag kay Arnel. "Kakalabas ko lang din ng bahay, Nicka. Salamat, pero bakit ganyan ang suot mo?" nakakunot noong tanong ni Arnel sa dalaga. "Bakit po sir Arnel? may problema po ba sa suot ko?" tanong niya at tinignan ang sariling ayos. "Ah sir! nag carwash po kase ako, kaya ganito po ang suot ko, para po komportable kahit na mabasa ako ay okay lang! Bawal din po ba na ganito ang ayos ko kapag magkacarwash ako? hindi po ba kayo sanay na makakita ng babaeng naglilinis ng sasakyan? Sorry sir, next time po hindi na po ako magdadamit ng ganito kung ayaw n'yo!. Hindi ko naman din po kase akalain na maaga po pala kayong umaalis ng bahay para pumasok sa trabaho, akala ko ay mamaya pa po ang alis n'yo." mahabang litanya ni Nicka dahil halata sa amo na ayaw nitong nakikita siyang nakasuot ng short. "Next time Nicka, kung maglilinis ka ng mga sasakyan mag t-shirt ka na lang at magsuot ka ng maayos na short pants, hindi yung ganyan na maiksi ang tabas, hindi kase magandang tignan sa isang dalagang katulad mo. Ipapaalala ko lang na hindi kayo puro babae rito, na may kasama din kayong lalaki sa bahay!" seryosong saad ni Arnel kay Nicka at pumasok na sa loob ng kotse niya. Para namang napahiya si Nicka sa sinabi ni Arnel sa kanya kaya napayuko ang dalaga. "Hindi na po mauulit sir Arnel." wika ng dalaga na hindi na makatingin sa amo. "Pakisabi kay manang Tinay na umalis na ko, kaya hindi na niya kailangang ipaghanda ako ng breakfast." bilin ni Arnel at pinaandar na ang sasakyan. Tinignan niya si Nicka sa rearview mirror na nakatayo pa rin sa garahe at nakatanaw na sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at napabuga ng hangin na may kasamang iling ng ulo. Naisip niyang parang sumobra naman yata siya sa nasabi sa pamangkin ni manang Tinay. Palapit na siya sa gate palabas ng mansyon ng makita niyang pinagbuksan siya ng gate ng bantay nila na si mang Loreto. Nawala bigla ang guilt niya at naisip na tama lang na pinaalalahanan niya si Nicka. Pagdating niya sa kompanya ay nakasabayan niya sa lobby si Marvin, ang kaibigan niya na CFO ( chief financial officer.) ng company nila. "Ang aga natin ah! may nakalimutan ka rin ba na dapat gawin kahapon?" bati ni Marvin sa kanya. "Mukhang ikaw ang may nakalimutang gawin kahapon at maaga ka rin ngayon!? maaga ang meeting natin ngayon sa ibang board members kaya maaga akong umalis ng bahay. You know na ayoko ng nali-late kapag may meeting." aniya sa kaibigan. "May hindi ako natapos na papers kahapon dahil maaga akong pinauwi ni Candice sa bahay, may inihandang surprise pala sa akin ang asawa ko. Magiging daddy na uli ako pare, masusundan na ang inaanak mo!." masayang balita ni Marvin kay Arnel. "Congrats pare! masaya ako para sa inyo ni Candice." aniya sa kaibigan pero mababanaag ang lungkot sa mata. "S-sorry Arnel, masaya lang akong ibalita na buntis na uli ang asawa ko." saad ni Marvin na tinapik sa braso ang kaibigan. "Wala ka namang dapat na ika sorry pare! si Rodjun ba papasok ngayon?" aniya at iniba na ang usapan nila. "Siguro, alam naman niyang may meeting tayo ngayon kaya papasok yun! Okay naman na ang anak nila sa ospital, andun din naman si Aileen para tignan ang anak nila." sagot ni Marvin. "Hindi pa ba nila naiuuwi ang anak nila sa bahay!?" tanong ni Arnel sa kaibigan. "Nakasemento pa ang braso at paa ng anak nila dahil sa kakulitan pare! manang mana sa ama eh sobrang likot!, si Aileen daw ang nagdesisyon na mag stay pa ng ilang araw sa ospital si Kiel." sagot ni Marvin na ikinangiti niya at ikinailing niya sa sinabi ni Marvin dahil totoong malikot ang anak ni Rodjun kaya madalas naaaksidente ang inaanak nila. "Kumusta na kayo ni Romary pare?" seryosong tanong ni Marvin kay Arnel ng nasa loob na sila ng elevator at sila lang naman dalawa roon dahil exclusive ang elevator na yun para sa mga executive ng kumpanya. "Ayaw pa rin niyang makipag-usap sa akin pare! nawawalan na ko ng pag asa na magkaayos pa kaming dalawa. Feeling ko wala ng pagmamahal sa akin ang asawa ko Marvin. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon pero nagpapakatatag pa rin ako para sa kanya. Heto pa rin ako umaasa na mapapatawad niya ko sa pagkawala ng anak namin." malungkot na turan ni Arnel. "Pare, ilang beses ba namin sasabihin sayo na wala ka namang kasalanan sa pagkamatay ng anak ninyo, hindi mo naman ginustong mangyari na hindi nailigtas sa mga kidnapper ang anak n'yo di ba!? wag mong sisihin ang sarili mo, ginawa mo ang lahat mailigtas lang si Kyline, hindi ka nagkulang pare, okay! pasasaan ba't marirealize din yan ni Romary. Give her time pa pare! babalik din sayo ang asawa mo." "Pare, magdadalawang taon na mula ng mamatay si Kyline, magdadalawang taon na rin akong tinitiis ng asawa ko. Gusto ko na siyang sundan sa america pare, pero napipigilan ako ng takot, takot na baka ipagtabuyan na naman niya kong muli. Miss na miss ko na si Romary, pare. Minsan sinusubukan ko pa rin siyang kontakin pero nirereject n'ya lahat ng tawag ko, message ko, kahit ang email ko sa kanya hindi niya siniseen. Ang bigat sa dibdib pare ang sakit isipin na wala ng pakialam sayo ang asawa mo at binabalewala ka na lang niya." napapabuntong hiningang wika ni Arnel kay Marvin na hindi na umimik pa dahil alam nito ang pinagdaanan ng kaibigan magmula ng insidenteng makidnap ang anak nila ni Romary at hindi nga nailigtas ang bata. Hindi rin nila masisi si Romary dahil at some point naiintindihan nila kung saan nanggagaling ang galit nito sa kaibigan nilang si Arnel. Bumukas ang elevator at nagpaalam na sa kanya si Marvin dahil magkaiba sila ng floor, sa pinakataas ang opisina ni Arnel dahil siya ang CEO ( Chief Executive Officer.) ng kumpanya. Tinanguan niya ang kaibigan at ipinaalala ang meeting nila mamaya sa board. Paglabas niya sa elevator ay walang sumalubong na sekretarya sa kanya. Wala pa kase ang secretary niyang si Jenny sa lamesa nito. Hindi pa naman late ang babae dahil wala pa sa oras ng trabaho, mag aalas otso pa lang, sadyang maaga lang talaga siyang pumasok sa kumpanya kaya nauna pa siya kay Jenny. Nagpapakaworkaholic na lang siya upang pansamantala ay mabaling sa iba ang isipan niya at hindi na muna maisip ang problema nila ni Romary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD