Samantalang sa mansyon ay nakapaligo at nakapagpalit na rin ng damit si Nicka, Kanina ay sinabi niya muna ang bilin ng amo nila para sa tiya niya ng bumalik siya sa quarters nila ng matapos siyang mag carwash at masalubong ang tiyahin na papasok naman na sa kusina.
Sabay sabay silang kumakain ng almusal ng mag usisa siyang muli tungkol sa amo nila.
"Tiyang, may pagkaconservative po ba ang amo natin?" aniyang tanong.
"Si sir Arnel? conservative!? hindi ah! kung conservative siya e di sana hindi niya magugustuhan at mamahalin si ma'am Romary, ang asawa niya. Kung nakita mo lang kung papaano manamit ang asawa ni sir Arnel hindi mo maitatanong yan. Lahat ng damit ata ni ma'am ay mga kinulang sa tela, pero in fairness ha lahat naman ay bagay sa kanya dahil maganda at sexy naman talaga si ma'am Romary.." komentong react ni manang Tinay.
"Oo nga, kase si ma'am kung manamit yun parang yung artista na si Solenn, laging naka crop top at pekpek short kapag narito sa loob ng bahay. Okay lang naman kay sir Arnel na ganun ang asawa niya manamit. Bakit mo naman naitanong?" sabat naman ni Jane sa kanilang mag tiya.
"Oo nga bakit mo naitanong Nicka?" curious din na tanong ni Lenny sa kanya.
"Kanina kase nag carwash ako, parang nagalit ata si sir dahil lang sa nakita niyang nakasando at cycling short lang ako habang nililinisan ang mga sasakyan." kwento niya sa mga kasama.
"Baka naman kase bakat na bakat ang katawan mo at iniisip niyang inaakit mo siya Nicka!? alam mo kase yang si sir matagal ng hindi inuuwian ng asawa n'ya, magdadalawang taon na nga ata! Baka naaakit sa ganda mo at ganda ng katawan mo ang kinis at ang puti mo pa naman, syempre lalaki pa rin si sir pero dahil mahal ni sir si maam Romary ay gusto niyang umiwas sa tukso." konklusyong saad ni Jane sa kanya.
"Jane, yang bibig mo! mamaya matakot yang si Nicka kay sir." pananaway ni tinay kay Jane.
"Sorry manang, hinala ko lang naman yun, Nicka! wag mong seryosohin ang sinabi ko." hinging paumanhin ni Jane.
Natawa sila Nicka at Lenny sa kadaldalan ni Jane.
"Baka hindi siya sanay na makakita ng ganon sa ibang babae o kaya naman hindi lang talaga gusto ni sir ang pananamit mo Nicka!. Kaya magmula ngayon bawal ka ng magsuot ng short at sando kung hindi pa oras ng tulog mo. Kung sa tingin mo ay ayaw ng amo natin na nakikitang nakashort ka sundin mo na lamang para hindi ka na pagsimulan ng init ng ulo ni sir Arnel." pagpapaintindi ni manang Tinay sa kanya na tinanguan nila Jane at Lenny.
"Ihanda mo ang kotse na kulay itim Nicka, aalis tayo mamaya para mamili ng uniporme mo at samahan mo na rin akong mag grocery paubos na ang bigas at kakaunti na ang mga delata na stock." utos ng tiya niya.
"Sige tiyang, ituro mo lang yung way papunta at pabalik ha at baka maligaw tayo. Ay wag na pala! magpapaguide na lang ako kay waze." natutuwa niyang wika sa tiyahin.
Unang araw ng trabaho ni Nicka ay hindi naman siya ganoon kapagod dahil wala naman masyadong linisin sa mansyon at napagod lang siya kanina dahil sa pag iikot nila ng tiya Tinay niya sa pamimili at paghahanap ng school na papasukan niya.
Sinamahan na rin kase siya ng tiya niya na maghanap ng school na malapit lang sa subdivision na pwede niyang pag transferan. Utos rin daw iyon ng sir Arnel nila na ikinatuwa niyang talaga.
May nahanap naman silang school at sa monday na siya pinapapasok ng professor niya. 7 ng gabi hanggang 10 ng gabi ang evening class para sa kurso niyang nursing at 5 days a week ang magiging pasok niya. Itinawag muna iyon ni manang Tinay kanina kay Arnel for approval na rin ng amo nila, bago nag fill up ng form si Nicka.
Masayang masaya si Nicka na maipagpapatuloy pa rin niya ang pag aaral niya. Pangarap talaga niya noon pa ang maging isang nurse at gusto niya ring makapagtrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa itay niya sa pagpapaaral sa dalawa pa niyang kapatid kapag naging licensed nurse na siya.
Kaya ang trabaho sa mansyon bilang katulong at driver ay hindi magiging pang matagalan para sa kanya dahil alam niya sa sarili niya kung ano ang gusto niyang marating. Kung hindi siguro sinabi ng tiya niya na pumayag ang amo nila sa request niya na mag aaral pa rin siya sa gabi ay baka nanatili na lang siya sa probinsiya nila para alagaan ang itay niya at mga kapatid at maghanap na lang ng ibang mapapasukan roon. Kaya nagpapasalamat siya ng malaki sa amo nila na bukod sa handsome na mabait pa.
Nagtataka siya at nakucurious na rin sa sir Arnel nila, dahil sa hitsura ng amo niyang lalaki at sa estado na rin ng buhay nito ay kung bakit naman parang napakalungkot yata ng buhay nito.
Kaya ng gabing pahinga na nila ay hindi niya naiwasan na magtanong kay Jane habang natutulog na ang tiya niya at si Lenny.
"Jane, pwedeng magtanong tungkol sa buhay ng amo natin? curious lang talaga ako eh!" aniya sa babae na busy sa pag i scroll ng cellphone nito.
Hinarap muna siya ni Jane at nginitian. "lahat naman ata ay ganyan ang nararamdaman sa amo natin! kung sabagay hindi ko kayo masisi kung ma-curious nga kayo. Bakit hindi ba nagkukwento sayo si manang Tinay?"
"May ilang nasabi pero nakukulangan ako, kase naman masyadong pabitin ang t'yang ko. Kaya nga ako nagtatanong sayo ngayon!"
"Ano bang gusto mong malaman kay sir Arnel?"
"Nasabi kase sa akin ni tiya na may asawa na si sir Arnel at sa palagay ko yung babae na nasa malaking frame ang asawa niya, kase hindi naman niya kamukha, kaya malabong kapatid niya 'yon."
"Ah yung nasa frame na tinutukoy mo si ma'am Romary yon, ang asawa ni sir Arnel pero nang iwan sa kanya."
"Bakit iniwan niya si sir? ang sabi ni tiya dahil sa anak daw nila, kasama ni ma'am Romary ang anak nila ng umalis?" pang uusisa pa niya.
"Hindi! wala na ang ang anak nila n'on, dahil patay na si kyline ng umalis rito sa mansyon si ma'am Romary. Pinatay ng kumidnap sa bata. Nakidnap si kyline noon sa loob ng school nila, nag aaral ng preparatory si Kyline sa prep school sa labas lang ng subdivision na 'to, tatlong taon pa lang ang bata ng mangyari yon. Janitor sa school ang isa sa mga kidnaper ni Kyline. Hiningian sila ng ransom na 10 million pesos. Handa naman magbigay si sir Arnel ng ransom money pero hindi siya sumunod sa mga kidnaper ng anak niya na wag lalapit sa mga pulis. Humingi pa rin kase si sir ng tulong sa mga pulis para maproteksyonan sila kung sakali na may hindi magandang mangyari, kahit na sinabi ni maam Romary na wag na, dahil baka saktan ng mga kidnappers ang anak nila kapag nalaman na nakipagtulungan sila sa pulis. Hindi nakinig si sir Arnel sa asawa niya at itinuloy ang plano. Nang gabing makikipagkita na si sir Arnel sa mga kidnappers para maibigay ang ransom money at mabawi na ang anak nila sa mga kidnaper ay nakatunog ang mga kumidnap sa bata. Nakatakas ng gabing iyon ang mga kidnapper. Kinabukasan nabalita sa news sa tv at dyaryo na may nakitang patay na batang babae sa isang basurahan. Hinimatay noon si maam Romary ng mapag-alamanan nilang si Kyline ang batang nasa basurahan at wala ng buhay."
"Grabe palang trahedya ang nangyari sa kanila mag anak! pero bakit naman iniwan ni ma'am Romary si sir Arnel? hindi naman ginusto ni sir na mamatay ang anak nila. Dapat pa nga ay nagdadamayan sila dahil pareho silang nawalan ng anak." komento niya.
"Ang nasa isip ni ma'am Romary, kaya pinatay ng mga kidnaper ang anak nila ay dahil nagsumbong si sir Arnel sa mga pulis, kaya binawian sila ng mga kumidnap sa bata at dahil doon galit na galit si ma'am kay sir Arnel, lahat ng nangyari kay Kyline ay isinisi ni ma'am sa kanya." pagpapatuloy pang kwento ni Jane.
"Mabuti at nakakayanan pa ni sir na mabuhay ng normal ano!? nawalan na siya ng anak, iniwan pa siya ng asawa niya. buhay nga naman ng tao! yung sa tingin mo ay nasa kanila na ang lahat pero ang hindi alam ng iba hindi naman sila masaya sa buhay. Nakakaawa naman si sir Arnel!" aniyang naaawa sa among lalaki.
"Nakakaawa talaga yang si sir noon dahil walang araw at gabi na hindi siya nag iinom, nilulunod sa alak ang sarili. Mabuti na lang at may mga kaibigan siyang maaasahan at hindi siya iniwan at talagang binantayan at sinamahan siya nila sir Jasper, sir Rodjun at sir Marvin kung wala silang tatlo ay baka matagal ng sumuko sa buhay yan si sir Arnel." ani pang wika ni Jane sa kanya.
"Talaga!? mahal ba talaga ni sir Arnel si ma'am Romary?" muli niyang tanong.
"Ay oo naman! head to toe ang pagmamahal ni sir sa asawa niya. Ang alam ko, magkababata yan sila ni ma'am, tapos ng magdalaga at magbinata ay naging mag jowa rin. Ilang taon din silang naging magkasintahan dahil priority ni ma'am Romary ang pag aartista at pagmomodel niya noon. Hindi mo ba nakikilala ang asawa ni sir!? artista yun eh! hindi nga lang sikat, pero mas nakilala naman siya sa pagmomodel sa ibang bansa."
"Hindi ko siya matandaan eh! hindi rin kase ako mahilig manood ng mga movie o tv kahit magbasa ng mga news o magazine. Tutok ako sa pag aaral noon at pagtambay sa talyer nila Emman, kaya ako natutong magmaneho at magmekaniko dahil tinuturuan ako ng bestfriend ko." turan niya sa kausap.
"Bestfriend lang ba talaga!?" panunukso ni Jane sa kanya ng maiba na ang usapan nila.
"Wala pa kong naging boyfriend at oo bestfriend ko lang si Emman. parang kapatid na ang turingan namin nun kaya wala sa amin ang malisya at usaping puso na yan!" natatawa niyang saad.
"Malay mo naman! para sayo kaibigan lang, pero sa kanya pagmamahal na higit pa sa kaibigan." bigay opinyon pa ni Jane.
"Malabo yun, dahil marami ng naging girlfriend si Emman na kakilala ko pa! kung gusto niya ako, sana ay nilagawan na niya ako noon pa, di ba!" pagpapaintindi niya naman kay Jane.
"Alam mo Nicka, inaantok na ko tulog na tayo! lumipat ka na sa room mo at isasara ko na itong pinto."
"Oo na! sige na matulog ka na, goodnight!" aniya kay Jane at lumabas na ng quarters at pumasok na sa kanyang silid na dating silid ng kanyang ama.
Nahiga na siya sa kama niya pero hindi pa rin siya makatulog. Naiisip niya ang pinag usapan nila ni Jane tungkol sa sir Arnel nila. Naaawa talaga siya sa amo niya, kaya pala palaging seryoso ang mukha ng amo niya at hindi niya nakikitang ngumiti at kaya pala may nababanaag siyang lungkot sa mga mata nito kase may mabigat pa lang pinagdaanang pagsubok sa buhay.
Mag aalas dose na ng hating gabi ay hindi pa rin siya makatulog, panay na ang baling niya sa higaan ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, kaya bumangon siya at lumabas ng kwarto niya, pupunta siya sa kusina para magtimpla at uminom ng gatas. Nakagawian na niya kase ang ganoon kapag hindi talaga siya makatulog kailangan niyang uminom ng isang basong gatas.
Papasok pa lang siya sa kusina ng mapansin niyang nakabukas ang refrigerator. Nakiramdam muna siya at nagtago sa labas ng pintuan ng ķusina. Naisip niyang baka napasok sila ng magnanakaw pero parang hindi naman gumagalaw ang tao sa loob ng kusina. Naghanap siya ng bagay na pwede niyang ipanglaban kung sakali man na magnanakaw nga ang naroroon. Madilim na sa buong bahay pati ang kusina dahil gabi na at nakapatay na rin ang mga ilaw at tanging mga dim light lamang sa poste ang nakabukas. Madilim na sa kusina dahil naisara na ang pinto ng ref. at hindi niya na makita ang kung sino man ang nasa loob.
May kumaluskos at gumalaw na tao at narinig niyang may parang nagbukas ng inumin na nakalata, kaya ini on na niya ang switch ng ilaw. Nakita niya ang sir Arnel niya na hawak ang isang beer in can na nakaupo sa lapag sa tabi ng refrigerator at nang makita siya nito sa pintuan ng kusina ay nginisian siya ng amo.
"S-sir, ikaw lang pala! akala ko may nakapasok ng magnanakaw. Sorry!" aniya at binitawan na ang hawak niyang metal candle holder na mataas. Yun kase ang malapit na nakadisplay sa labas ng kusina.
"Tsk!! mukha na ba akong akyat bahay na magnanakaw ngayon sa sarili kong pamamahay?" aning wika ni Arnel sa kanya.
"H- hindi po sir, akala ko lang naman po!. Hating gabi na po kase, buong akala ko ay nasa kwarto n'yo na kayo at tulog na." aning sagot niya sa amo na umiinom pa rin ng beer.
"Ikaw, bakit gising ka pa!? gabing gabi na! Lahat ba talaga ng damit mo ay puro maninipis at maiiksi!? tanong ni Arnel kay Nicka na mukhang kanina pa ata nakainom dahil halatang tipsy na ang lalaki.
Napatingin si Nicka sa suot niya, nakanighties na nga pala siya at wala siyang suot na bra pero may mahabang panaklob naman ang suot niyang pang tulog. Iyon kase ang nakasanayan niyang isuot kapag matutulog. Agad niyang iniyakap ang mga braso niya sa dibdib.
"Tsk! magsusuot suot ka ng ganyan, kapag may nakakita sayo mahihiya kang ipakita at magtatakip ka pa." painsultong saad ni Arnel na bahagyang ikinapikon ni Nicka.
"Sir, hindi ko naman kase alam na pupunta ka rin pala ng kusina, hindi po kase ako makatulog gawa ng namamahay pa siguro ako. Magtitimpla po sana ako ng gatas kaya ako narito, isa pa sir matutulog na po kase ako kaya ganito na ang suot, ganito po talaga kase ako matulog dahil komportable ako sa ganitong suot kapag natutulog ako." pagdedepensa niya sa sarili.
"The f*ck!!? inaakit mo ata ako Nicka?" lasing na turan ni Arnel sa dalaga.
"Huh! hindi noh! sir lasing ka lang kaya kung anu ano na ang nasasabi mo. Magpahinga ka na kaya, mukhang marami ka ng nainom eh!" paangil niyang turan sa amo.
"Hindi pa ko lasing Nicka, kilala pa nga kita!"
"Kung sabagay nga naman hindi ka pa lasing pero nakainom na! sige sir, balik na ko sa silid ko. Enjoy drinking sir Arnel!" pamimilosopo niyang saad bago iwan ang amo niya sa kusina.
"Nicka, sandali!" awat ni Arnel sa kanya ng talikuran na niya ang amo.
"Bakit sir!?" tanong niya at muli siyang humarap kay Arnel.
"Sorry! akala ko ba magtitimpla ka ng gatas? bakit aalis ka na?" hinging paumanhin ni Arnel sa kanya.
"Hindi na po sir Arnel, babalik na lang po ako sa kwarto ko. Sir Arnel, tama na po yang pag inom n'yo ng beer at baka masobrahan ka, ikaw rin lalaki yan bilbil mo sa tiyan! magpahinga ka na sir, goodnight sir!" paalam na niya sa amo.
Hindi na siya kumuha ng gatas dahil ayaw niyang lumapit kay Arnel. Sanay na siya sa ganoong eksena dahil kay Emman kapag nalalasing ang kaibigan niya ay nagiging madaldal din at kung anu ano ang nasasabi kapag nahimasmasan naman na ay hindi na alam ang mga pinagsasabi at wala na raw natatandaan.
Hindi rin maganda kase kung lalapitan niya ang amo niya na ganoon ang suot niya, pinag iisipan na nga siya nitong inaakit niya ito, tapos lalapit pa siya, eh paano pala kung naaakit nga sa kanya si sir Arnel niya kaya iyon ang lumabas sa bibig ng amo niya bigla siyang kinabahan kaya tinalikuran na niya ang sir Arnel niya. Nainsulto siya sa sinabi ng amo sa kanya kanina pero babalewalain na lang niya sigurado naman siyang salitang lasing lang yun. May kasalanan din siya, nagpunta siya ng kusina na ganun ang ayos niya gayong alam na niyang ayaw ng lalaki na nagsusuot siya ng maiiksi ano pa kaya ang pantulog na manipis lang ang tela at panty lang ang suot niyang pangloob.
Bago pa siya tuluyang makalayo sa kusina narinig niya ang mahinang pagtawa at pag iyak ng amo niya. Tumigil siya sa paglakad at nagtago sa pader, pinakinggan niya ang amo niya na nasa kusina pa rin. Umiiyak ang lalaki habang sinasambit ang pangalan ng asawa nito. nahahabag siya sa amo niya, inisip niyang baka namimiss nito ang anak at asawa kaya siguro nagpapakalasing.
Hindi siya umalis sa pwesto niya at pinakikiramdaman lang ang amo niya. Ilang minuto na rin siyang naroon sa labas ng kusina ng biglang natahimik kaya bumalik siya para silipin ang lalaki. Nakaupo na roon sa sahig sa kusina at lungayngay na ang ulo na nakatulog na pala.
"Naman sir Arnel, bakit ka dito natulog? malala ka pa kay Emman malasing. Ano bang gagawin ko? kainis naman oh!" aning wika at angal ni Nicka sa sarili.
Napabuga siya ng hangin at mag isang inalalayan ang amo na madala sa silid nito. Hindi na niya inalintana na madikit ang katawan niya sa among lalaki at mabungo at masayad ang dibdib niya sa sir Arnel niya wala naman maaalala ang amo niya paggising, ang importante maiayos niya at madala sa kwarto ang sir Arnel niya sa isip niya. Natitigilan siya kapag sinasambit ng lalaki ang pangalan ng asawa nito ng paulit ulit. "Romary, im sorry, im so sorry mahal ko. please im begging you bumalik ka na, bumalik ka na sa'kin.R-romary.. Romary.." hanggang sa maipasok niya ang amo niya sa kwarto nito at maihiga ang amo sa ibabaw ng kama nito.
Malakas na napabuntong hininga si Nicka dahil hindi niya maiwan ang amo na ganun na lang ang ayos.
"Napakaswerte ni ma'am Romary sayo sir Arnel dahil mahal mo s'yang talaga kaya hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalikan ka pa rin n'ya. Sana marealize na ng asawa mo na hindi mo ginusto ang nangyari sa anak ninyo at mahal mo pa rin siya para bumalik na s'ya sayo!" aniya sa among lalaki na masarap na ang pagkakatulog.
Inasikaso niya ang amo niya, Hinubaran niya ng sapatos at medyas, at pagkatapos ay pinunasan ni Nicka ang mukha, leeg at braso ng sir Arnel niya at ng matapos siya ay kinumutan niya ang lalaki. Binuksan niya ang aircon at inayos ang mga gamit na hinubad niya kay Arnel bago siya lumabas ng silid.