Nagising si Arnel na masakit na masakit ang ulo. Nag inom siya kagabi sa night club na kasama ang mga kaibigan. Treat ni Marvin sa kanila dahil magiging tatay na naman ang kaibigan niya.
Masayang masaya si Marvin dahil sa wakas raw ay masusundan na rin ang panganay nila ni Candice na si Julius na anim na taon na rin naman ngayon.
Si Rodjun at Aileen naman ay dalawa na ang anak na isang taon lang ang naging pagitan. Actually buwan lang ang naging pagitan dahil tatlong buwan pa lang na nakakapanganak si Aileen ng muling magbuntis ang asawa ng kaibigan niya.
Si Jasper naman ay may panganay na kambal at may bunso na rin na dalawang taon na ang edad. Lahat ng mga matatalik niyang kaibigan ay may masayang pamilya. Samantalang siya ay may asawa nga pero wala naman sa tabi niya.
Napakalungkot na ng buhay niya magmula ng mamatay ang anak niyang si Kyline at iwan siya ni Romary Gail. Mahal niya ang asawa niya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Romary Gail sa kanya dahil kahit siya ay sinisisi niya rin ang sarili sa nangyari sa kanyang anak. Maraming beses siyang sumubok at gumawa ng paraan para kausapin siya ni Romary Gail pero matigas ang asawa niya, napakahirap ng palambutin ng puso ni Gail ngayon.
Sa loob ng kulang dalawang taon na hindi nagparamdam sa kanya si Romary Gail ay malaki na rin ang naging tampo niya sa asawa. Sumuko na nga rin siyang suyuin si Gail sa loob kase ng higit isang taon na panunuyo niya ay nagmumukha na siyang tanga sa kakahabol sa asawa niya na wala naman ng pakialam sa kanya.
Minsan kaseng napaaway siya sa isang beer house na sa sobra niyang kalasingan ay nabugbog siyang talaga. Pinagtulungan siya ng tatlong lalaki na wala siyang kalaban laban. Mabuti na lang at may mga umawat bago pa siya masaksak ng isa sa mga nakaaway niya. Agad siyang dinala sa ospital noon at paggising niya kasama na niya sina Marvin, Jasper at Rodjun sa isang private room ng ospital. Tinawagan ni Marvin si Romary Gail para sabihin ang nangyari sa kanya para malaman ng asawa niya na kailangan niya ito ngunit bumagsak ang balikat ni Marvin dahil sa hindi maganda ang naging response ni Romary Gail sa tawag niya.
Wala na raw pakialam pa si Romary Gail sa kanya at deserve raw niya ang masaktan dahil matigas ang ulo niya at hindi siya marunong makinig. Hindi raw babalik ng bansa si Romary Gail para lang alagaan siya. Napakasakit nun para sa kanya, pakiramdam niya unti unti siyang pinapatay ng asawa, na gusto ni Romary Gail na buong buhay niya ay maguilty siya sa pagkamatay ng anak nila. Nais siyang pahirapan ng husto nj Gail para makaganti sa kanya ang asawa dahil sa nawalan ito ng anak ng dahil sa maling naging desisyon niya.
Sa tulong ng mga kaibigan niya ay pinilit niyang mamuhay ng normal. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga tao kaya nagpipretend siyang okay na siya kahit ang totoo ay nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon.
Bumangon paupo si Arnel at dinampot ang alarm clock niya na nasa sidetable ng kama. Mag aalas nueve na ng umaga kaya agad niyang inalis ang kumot na nakapatong pa sa katawan niya na ikinatigil niya sa pagtayo ng maalala na araw pala ng sabado at walang pasok sa kompanya nila.
Muli siyang nahiga at muling napaupo ng may maalala na naman siya. Hindi niya matandaan kung paano siya nakarating sa silid niya kagabi. Ang huli niyang natatandaan ay ang pag uwi niya sa bahay at pag uusap nila ni Nicka sa kusina.
Hinanap ng mga mata niya ang cellphone niya at nakita niyang nakapatong iyon sa side table. Kinuha niya iyon at tinignan ang record ng cctv kagabi ng around 12 midnight to 1am sa kanyang phone. Napanood niya sa cctv ang pag alalay sa kanya ni Nicka papunta sa kanyang silid at ang ginawa ng dalaga sa kanya sa loob ng kanyang kwarto. Narinig niya rin ang sinabi ni Nicka sa kanya habang siya'y mahimbing ng natutulog.
Napailing siya sa sarili dahil ngayon ay alam na niyang kahit ang bago niyang driver na si Nicka ay kinaawaan na rin s'ya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya para sa dalaga.
Nanatili na muna siya sa kanyang kama dahil sa hang over na kanyang nararamdaman. Wala namang pasok at wala rin siyang pupuntahan kaya minabuti niyang magpahinga na muna sa loob ng kwarto niya.
Mag aalas diyes ng umaga ng may kumatok sa labas ng pinto ng kanyang silid. Masakit pa rin ang ulo niya kaya hindi siya bumangon at hinayaan lang ang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Tumigil naman ang pagkatok sa pinto, kaya naisip niyang umalis na ang tao sa labas ng kanyang silid.
Bumangon na si Arnel para maligo upang mabawasan ang kanyang hangover. Itinapat niya ang katawan sa shower ng matagal, inabot din siya ng 20 minutes sa paliligo at morning routine niya na rin.
Paglabas niya ng banyo ay napansin niya ang pagkain na nasa maliit na lamesa. Nilapitan niya iyon at nakita niya ang stick note na nakadikit sa pitsel ng tubig at binasa niya ang nakasulat roon.
"Good morning sir!" with smiley.
At may isa pang notes na nakadikit naman sa ibabaw ng food tray na binasa niya na rin. "Hangover no more! Eat pancakes with honey and banana and drink chamomile tea and drink more water and take pain reliever for your headache sir." with smiley pa rin. Alam niyang hindi si manang Tinay o sina Lenny at Jane ang gumawa ng breakfast na yon sa kanya. Dahil noon pa man ay never na ginawa ng tatlo ang pagdalhan siya ng almusal sa loob ng kanyang silid. Tanging si Nicka lang din naman ang may lakas ng loob na sumagot sagot sa kanya ng pabalang kaya sigurado siyang ang anak ni mang Chris ang may pakana ng breakfast in his room. Napangiti siya sa ginagawang pag aalaga sa kanya ng dalaga.
Kinain niya at ininom niya ang inihandang almusal sa kanya ni Nicka at mabilis din na nawala ang hangover niya.
Lumabas na ng kwarto niya si Arnel at dumiretso siya sa kusina. Naroon si manang Tinay at Nicka magkatulong na nagluluto ng pananghalian nila.
"Good morning manang Tinay,, manang pakisabihan si Jane na pwede na niyang linisan ang kwarto ko. Sa library na muna ako mag stay."
"Sabado ngayon sir Arnel, day off ngayon ni Jane. Si Nicka na lamang po ang paglilinisin ko ng kwarto n'yo, may ginagawa pa sa garden si Lenny at mamaya pa iyon matatapos." turan ni manang Tinay.
Sinulyapan ni Arnel si Nicka na nakatingin pala sa kanya. Tumango si Arnel at tumalikod ng may maalala ay muling humarap kina manang at Nicka.
"Manang, sino nga po pala ang nagprepare ng breakfast ko ngayon at dinala sa room ko?"
"Ah sir Arnel, si Nicka po!" sagot ni manang Tinay.
"Ako nga po sir, alam kong magkakahangover kayo paggising n'yo, kaya naman naghanda po ako ng mga pagkain na pampaalis agad ng hangover. May inilagay rin po akong pain reliever para sa sakit ng ulo n'yo, ininom n'yo na po ba!?" aning sabat na wika naman ni Nicka.
"Salamat! oo, nainom ko na."
"Tatapusin ko lang po ang chicken soup na niluluto ko sir, pagkatapos ko po rito ay lilinisan ko na po ang kwarto n'yo. Malapit naman na pong matapos ito, mainam po kase ang chicken soup sa inyo sir Arnel para gumaan ang pakiramdam n'yo." aning turan ni Nicka kay Arnel.
"Ikaw ang gumagawa ng chicken soup?" tanong ng amo nila sa kanya.
"Yes sir Arnel, nagprisinta po ako kay tiyang na ako na po ang gagawa ng soup para sa inyo. Alam n'yo po kase sir, madalas ito ang ibinibigay ko kay Emman kapag may hangover siya. Kapag nakahigop na siya ng sabaw na 'to mabilis umiinam ang pakiramdam niya."
"Sino si Emman!?" tanong ni Arnel.
"Si Emman sir ang bestfriend ko sa probinsya namin." pahayag ni Nicka.
"Ah okay!" sambit ng sir niya.
"Nga pala Nicka, thanks sa paghatid mo sa akin kagabi sa kwarto ko, pero sana hinayaan mo na lang akong matulog sa lapag." saad ni Arnel kay Nicka.
Tipid na napangiti si Nicka sa amo. "Hindi po pala ninyo nagustuhan ang ginawa kong pagtulong? sige sir, sa susunod po hahayaan ko na lamang kayo! tiyang, okay na po yung soup kumpleto rekados na po yan, pakipatay niyo na lang po ang apoy ng kalan pagkatapos ng sampung minuto. Pupunta na po ako sa kwarto ni sir para maglinis. Tiyang, kayo na po muna ang bahala rito sa kusina." aning wika ni Nicka at naghugas muna ng kamay sa may lababo at umalis na sa kusina ng hindi na nagpaalam pa sa amo niya.
Napabunting hininga nan si Arnel dahil ramdam niya ang biglaang pagtatampo ng anak ni mang Chris. Tumingin muna siya kay manang at sinundan ang dalaga.
"Wait, Nicka!" pagtawag pansin ni Arnel sa babae.
Napahinto naman si Nicka sa paglalakad at binalimgan ng tingin ang amo nila.
"Kakausapin kita sa library." aning turan ni Arnel na ikinatango ni Nicka sa lalaki at sumunod rito patungo sa loob ng library.
Nagtataka man si Nicka sa amo ay sumunod na rin s'ya sa sir Arnel niyang nauna nang pumasok sa library.
"Maupo ka muna Nicka." utos ni Arnel sa dalaga.
"Ano pong pag uusapan natin sir Arnel?" tanong ni Nicka pagkaupo niya.
"Alam kong may alam ka na sa kung ano ang nangyari sa amin ng pamilya ko. Hindi ko na tatanungin kung sino ang nagsabi sa iyo, pero makikiusap ako na sana ay wag mo ng ikwento pa sa ibang kakilala mo ang pangyayari sa buhay ko." aning seryosong wika ni Arnel na hindi naiwasan ni Nicka na sulyapan sa mukha ang amo.
"Sir Arnel, pasensiya na po kung nagtanong tanong ako sa mga kasamahan ko rito sa mansyon. Medyo nacurious lang po ako ng malaman Kong nag iisa lang po kayong amo namin rito. Promise sir, hindi ko po ilalabas o ipagsasabi sa iba ang mga nalaman ko." aniyang turan sa kanyang among lalaki.
"Good kung ganun Nicka! And ayoko nga palang kinakaawaan ako." seryoso pa ring saad ni Arnel na nakatingin sa mukha ng dalaga.
Nakaramdam naman ng biglaang pagkailang si Nicka sa pagtitig sa kanya ng sir Arnel niya.
"Sige po sir! pasensya na po talaga." aniya pa na humingi ng tawad.
Tumango si Arnel at malakas na napabuntong hininga. "Sige na makakalabas ka na. Pakilinis mo na ang kwarto ko."
"Opo sir!" mahumanay na sagot ni Nicka at iniwan na ang among lalaki sa loob ng library.
Mabilis na tinatapos ni Nicka ang paglilinis ng silid ni Arnel. Napansin niya ang mga picture ng mag ina ng sir niya sa ilalim ng unan nito. Tinignan niya iyon at inayos ang pagkakalagay sa ibabaw ng side table para kung sakaling hanapin ng amo niya ay madali lang iyon makikita. Inayos na rin niya ang closet ni Arnel at napansin niya ang mga gamit ng asawa nito na naroon. Naagaw ang pansin niya ng isang nighties na hindi nakaayos at nakabulunbon lang. Aayusin niya sana iyon ngunit naisip niyang baka nangungulila minsan ang amo niya sa asawa nito kaya ganoon ang ayos ng nighties. Hindi na lamang niya iyon ginalaw at hinayaan niya na lang ang mga gamit ng misis ng sir Arnel niya.
Nang makalabas na siya ng silid pagkatapos niyang malinisan ay dumiretso na siya ng kusina. Naabutan niya roon ang tiyahin niya na naghuhugas ng pinagkainan ng sir nila.
"Tapos ka ng linisan ang kwarto ni sir Arnel?" tanong sa kanya ng tiyahin.
"Opo tiyang, kakatapos ko lang." sagot niya kay manang Tinay.
"Anong sinabi sa'yo ni sir Arnel ng kausapin ka niya!?" pang uusisa nito sa kanya.
"Wala nan tiyang, pinagsabihan lang po ako! Ayaw po niyang ipagsabi ko sa iba ang mga nalaman ko rito sa mansyon dahil ayaw raw po niya na kinakaawaan siya." aniyang sagot sa kanyang tiya.
"Intindihin na lang natin ang amo natin. Kaya kayo iwasan ninyong ipadama o ipakita sa kanya ang awa ninyo. Ako man ay naaawa rin sa kanya." turan ng tiyahin ni Nicka.
Natapos ang araw na naging normal lang ang lahat. Kinagabihan pagkatapos maghapunan ni Arnel ay bumisita si Marvin sa bahay ni Arnel.
Nasa may terrace ng kwarto niya si Arnel, naglalaptop at mag isang umiinom ng beer.
Narinig niya ang pagkatok mula sa kanyang pintuan, tumayo si Arnel at binuksan ang pinto.
"Ang sabi ni Manang ay narito ka at nag iinom raw. Hindi ka man lang tumawag pa raw masamahan ka namin." bungad na saad ng kaibigan sa kanya at pumasok sa loob ng kwarto ng talikuran ito ni Arnel.
"Family day ninyo ngayon, kaya hindi ko na kayo inistorbo pa. Atsaka magkakasama lang tayo kagabi. Nakakahiya naman sa mga asawa nyo kung hanggang ngayon ay aalalahanin pa rin ninyo ako. Im ok p're!" aning turan ni Arnel.
Napapalatak na lamang si Marvin dahil sa sinabi ni Arnel. Hindi naman siya naniniwala na okay ito, ipinapapakita lang ni Arnel na maayos siya pero ramdam na ramdam nila ang kahungkagang nararamdaman ng kaibigan nila.
"Nagpaalam ako kay Candice na pupunta ako rito at naiintindihan niya ang pagkakaibigan natin Arnel. Gusto mong lumabas tayo o dito na lang?" turan ni Marvin na hinagisan ng lata ng beer ni Arnel na nasalo naman ng lalaki.
"Kulang ang beer, wait lang bababa ako at hihingi ako kina manang ng ilang bote o lata ng beer. Papaluto na rin ako ng pwede nating ipangpulutan." aning wika ni Arnel sa kaibigan na tinaasan naman siya ng lata ng beer na ikinangisi niya.
Paglabas ni Arnel sa kanyang kwarto ay nagtungo sya sa kusina upang humingi ng beer o alak kina manang Tinay.
Ang nasa kusina ng mga oras na yun ay si Nicka na lamang dahil tapos nan na ang gawain nila sa buong bahay nagkataon lang na gusto pa muna niyang mag stay sa kusina habang kausap ang mga kapatid niya sa cellphone.
"Natutulog na ba si itay, Andrea? Hindi ba nakakaligtaan ang pagpapainom ng gamot sa kanya? kayo naman, kumusta kayo? hindi ba kayo nahihirapan sa pag aalaga kay itay? mabuti naman kung ganun, Magpahinga na rin kayo at gabi na maaga pa kayong gigising para pumasok sa school. Tatawag uli ako bukas, yung bilin ko palagi ha! sige na bye na goodnight sa inyo. Mahal na mahal ko kayo nila itay. Bye bye." mga katagang nasambit ni Nicka ng kausap ang kapatid na si Andrea na narinig ni Arnel mula sa kanyang likuran.
"Ehemm.." pagpapapansin ni Arnel kay Nicka ng i off na ng dalaga ang cellphone nito.
Nagulat naman si Nicka sa ginawa ni Arnel. "Ay kabayong malaki ang ano!!" mali maling bigkas ni Nicka na ikinatawa ni Arnel ng malakas.
"Hahahaha..." tawa pa ni Arnel na ikinangiti ni Nicka dahil parang ang sarap sa pandinig niya ang tawa ng lalaki.
"Sorry sir, nagulat po ako! bigla na lang kase kayong nasa likod ko. Kanina pa po ba kayo diyan?" nakangiti niyang saad sa amo.
"Sorry rin kung nagulat kita. Hindi ko alam na magugulatin ka pala! narinig ko lang ang pakikipag usap mo sa kapatid mo sa cellphone ng sa pagpasok ko ng kusina." aning wika ni Arnel na tinanguan ni Nicka.
"May kailangan po ba kayo sir Arnel?" aning tanong ni Nicka.
"Ah yes, hihingi lang sana ako ng bote ng beer o beer in can. Kung wala naman na ay kukuha na lang ako sa bar counter ng alak."
"Titignan ko po sir kung mayroon pa po sa fridge o kung may stock pa. Saglit lang po!" at dumiretso sa double refrigerator at binuksan iyon, may apat na latang pang naroon at inilabas niya para ipakita sa amo.
"Sir, ito na lang po ang malamig." at sinipat ang nasa ibabang cabinet ng kusina para tignan kung mayroon pang stock ng beer doon. "Mayroon pa palang isang pack dito sir ng beer, anim na piraso po. Gusto nyo pa po ba? ipaghahanda ko na lang po kayo ng yelo kung gusto n'yo sir?" aniya sa among lalaki na mataman lang siyang pinagmamasdan.
"Ah hindi na! sapat na ang apat na beer at ilagay mo na lamang ang mga yan sa fridge. Papagawa na lang ako ng pwedeng ipangpupulutan Nicka. Okay lang ba? nagpapahinga na yata si manang Tinay kaya kung pwede ikaw na lang kahit cornedbeef o anong de lata na nandiyan pwede na yon. Pasunod na lang din sa silid ko pati na rin yelo, thanks!" At bitbit ang apat na beer in can ay iniwan na nito sa kusina si Nicka.
Mabilis naman na naghanap na maluluto si Nicka, nakakita siya sa cup board ng meatloaf, may cucumber at young carrot siyang nakuha sa loob ng fridge at french fries sa freezer. Nagprito s'ya ng meatloaf at nag deep fry siya ng french fries habang hinihiwa ang carrot at cucumber, may mayonnaise at ketchup siyang pinaghalo at inilagay niya sa isang platito. Iniready na rin ni Nicka ang cube ice na request ng amo niya at nang maihanda na niya ang lahat ay iniakyat na niya sa silid.
Kumatok sa pinto si Nicka at hindi niya inaasahan na may ibang magbubukas ng pintuan para sa kanya dahil ang akala niya ay ang sir Arnel niya lang ang nasa silid nito at mag isang nag iinom.
Napansin ata ng lalaki na natigilan siya kaya kinausap siya nito. "Hi!, Friend ako ni Arnel, ako nga pala si Marvin. Bago ka rito ano!? Ako na ang magpapasok ng mga yan, salamat!" tanong ng kaibigan ng amo ni Nicka na inagaw ang hawak niyang tray.
"P're, siya si Nicka bago kong driver s***h kasambahay, pamangkin siya ni manang Tinay at anak ng dati kong driver na si mang Chris." pagpapakilala ni Arnel sa dalagang kasambahay.
"Bakit? anong nangyari kay mang Chris?" usisa pa ni Marvin.
"Nagkasakit po si itay, sir Marvin, kailangan niya pong magpahinga kaya pansamantala po ako na po muna ang hahalili sa itay ko, sayang din po kase ang sahod monthly, malaking tulong din po kase ang pagtatrabaho ko rito bilang driver at kasambahay plus pumayag pa si sir Arnel na ipagpatuloy ko ang pag aaral ko rito sa maynila." maagap na pagsagot pa ni Nicka sa kaibigan ng amo niya na mukha namang mabait para sa kanya.
"Sige na Nicka, bumalik ka na sa kusina. Magpahinga ka na rin, ako na ang mag aayos dito. Salamat uli!" sambit ni Arnel sa dalaga na nasa labas ng pinto.
"Sige po sir!" at tinalikiran na ang dalawang magkaibigan.
Pagsara ng pinto ay nginisian ni Marvin si Arnel na ikinailing ng ulo naman nito at sabay ang pagtaas ng gitnang daliri ni Arnel na sinadya pang ipakita kay Marvin na tinawanan si Arnel.