"What!? kanina ka pa ngisi ng ngisi p're para kang nakakaloko." aning wika ni Arnel na napipikon na sa kaibigan.
"Maganda ang bago mong maid ha! akalain mong may anak palang maganda at sexy si mang Chris." saad na komento ni Marvin.
Kumunot ang noo ni Arnel sa sinabi ng kaibigan.
"Gagu ka Marvin, wag mong sabihin na type mo ang pamangkin ni manang!?" paangil na turan ni Arnel.
Natawa naman si Marvin sa sinabi ni Arnel. "Okay ka lang pare!? hindi noh! mahal ko ang asawa ko at happy and contented ako kay Candice at hindi ako gago para gumawa ng bagay na ikakasira ng pamilya ko, pamilya namin ni Candice." depensa ni Marvin sa sarili.
"Good to hear that pare! alam ko namang mahal mo talaga ang asawa mo at deserve ni Candice ang pagiging loyal mo sa kanya dahil mahal ka rin niya. E ako pare deserve ko ba talaga ang ipinaparamdam sa akin ng asawa ko!?" saad ni Arnel na bigla nalungkot sa huling sinabi.
Napabuntong hininga si Marvin sa ibinigkas ni Arnel at muling nagsalita. "Hindi mo pa rin ba siya nakakausap ng maayos? anong huling balita mo sa asawa mo, pare?" pang uusisa pang turan ni Marvin sa kaibigan.
"Matagal na pare, may ilang buwan na rin ng huli akong sumubok na harapin siya. Hindi pa rin nababawasan ang galit niya sa akin, kitang kita ko pa rin sa mga mata niya ang pagkamuhi ng araw na yun, kaya di na muna ako nagpilit na muli siyang kausapin dahil natatakot ako na baka sa mga sunod na pagpipilit kong kausapin siya ay hamunin niya naman ako ng annulment, na tuluyan niya na kong hiwalayan pare." aning turan ni Marvin.
"Pare, alam mo kung gaano ko kamahal si Romary Gail, baka kapag narinig ko sa bibig niya ang salitang annulment ay tuluyan na kong mabaliw pare." mahabang litanya ni Arnel na nauunawaan ni Marvin dahil napagdaanan niya rin ang iwan ng asawa niya noon.
Actually hindi lang si Marvin, sina Rodjun at Jasper din noon, pare pareho nilang dinanas ang iwanan ng babaeng mga mahal nila. Pero iba ang kay Arnel, dahil magmula pagkabata ay minahal na ni Arnel ang asawa, matagal ang naging relasyon nito kay Romary Gail bilang magkasintahan bago nito napapayag na magpakasal. Unang na in love, huling naikasal si Arnel sa kanilang apat na magbabarkada, dahil mas inuna ni Gail ang propesyon nito bilang actress at fashion model sa Europe. Nang ikasal sina Arnel at Romary Gail ay tumigil na ito sa pag aartista, pero ipinagpatuloy pa rin nito ang pagmomodelo na nirespeto naman ni Arnel ang kagustuhan ng kanyang asawa.
"Pare, ayoko sanang sa akin mo malaman ang balita, kaya lang alam mong concern ako sa'yo, kami nila Rodjun at Jasper. Alam kong masasaktan ka pare, pero alam namin na malalagpasan mo rin ang pagsubok mo sa buhay."
"Anong balita pare!?" seryosong tanong ni Arnel sa naiwika ng kaibigan.
"Naalala mo nung magbakasyon kami ni Candice sa Paris, last month? Pabalik na kami ng pinas ni Candice, ng makasalubong namin si Romary Gail na may kasamang lalaki sa airport. Sa tingin ko ay kapwa model niya yung guy, kinamusta namin siya ni Candice ng araw na 'yon at ang sabi niya ay okay naman siya. Hindi ka man lang niya itinanong sa aming mag asawa at iniwan niya kami ng hindi man lang ipinakilala sa kasama niyang lalaki. Pero kung titignan sila ay para silang may relasyon. Kaya nagresearch ako at nalaman kong tama ang hinala ko na sikat nga na male model yung guy, and take note pare hindi lang basta basta modelo yung guy dahil isa sa pinakamayamang angkan sa france ang kinabibilangan ni Gabriel Joaquin Diaz at ang pamilya niya ang nagmamay ari ng sikat na modeling agency sa europe na kasapi ang asawa mo." mahabang salaysay ni Marvin na ikinakuyom ng mga kamay ni Arnel.
"May alam ka pala Marvin, bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? May isang buwan ng mahigit mula ng magkausap kayo ng asawa ko, pero wala kang binanggit. Halos araw araw magkasama tayo sa kompanya pare, pero nagawa mo akong paglihiman, kaibigan ba talaga kita!?" paangil na saad ni Arnel.
"Relax pare! Bestfriend kita, gagu! makinig ka munang mabuti, siraulo ka! Hindi ko ito agad sinabi sa'yo kase ang gusto ko ay ang asawa mo mismo ang magsabi sa'yo. Kung sakaling totoo man nga ang balita na may namamagitan nga sa kanila ng bilyonaryong model na 'yon o wala ay baka maayos pa ninyong mapag uusapan. Pero isang buwan na pare, wala pa ring sinasabi sa iyo ang asawa mo. At matagal na ang tsismis na may relasyon sila pero walang pagdideny sa pagitan nilang dalawa at sa nakikita ko sa iyong mga mata na pangungulila sa kanya. I think its time para harapin mo na uli si Romary Gail. Komprontahin mo siya pare, kung may pag asa pa ba na balikan ka niya o tuluyan ng mawawasak ang pagsasama ninyo bilang mag asawa. Alam namin lahat na mahal mo siya, pero pare, ikaw ba mahal ka pa rin ba niya?" saad pa ni Marvin na biglang ikinasuntok ni Arnel sa pader ng kanyang kwarto na nakailang ulit kaya inawat na siya ni Marvin.
"Nasasaktan na nga ang kalooban mo, gusto mo pang masaktan ang kamao mo. Gusto mo ba ng ka sparring game ako pare!?" panunubok ni Marvin na pagaanin ang loob ng kaibigan niya, na alam niyang lubos na nasasaktan ngayon dahil sa kanyang ipinabatid rito na baka nga may iba na ang asawa nito kaya wala na itong pakialam kay Arnel.
Kumuha ng beer in can si Arnel at tinungga niya iyon. Nang maubos ang laman ay natupi ang lata dahil sa pagkakadiin ng hawak ni Arnel. Doon niya ibinuhos ang galit na kanyang nararamdaman, sobra na siyang napu-frustrate sa ginagawa sa kanya ni Romary Gail, parang dinudurog ang puso niya dahil sa hindi niya matanggap na magmamahal na ng iba ang asawa niya.
Sinubukan niyang tawagan si Romary Gail gamit ang cellphone ni Marvin dahil alam niyang hindi siya sasagutin ni Romary Gail pero hindi rin nito sinagot ang tawag. Pinagsisipa niya ang kung ano ang nasa loob ng silid na masisipa niya, na nung una ay hinayaan lang ni Marvin ang ginagawa ni Arnel ngunit ng magpilit itong lumabas pa ng kwarto ay inawat na nito si Arnel.
Pumatak ang luha ni Arnel na ikinahugot ng malalim na paghinga ni Marvin, dahil nasasaktan siyang makita na nagkakaganoon si Arnel ngayon. Kahit siya ay nahihirapan din ang kalooban para sa best friend niya.
Hinayaan ni Marvin na umiyak ng umiyak ang kaibigan niya habang tinutungga nito ang beer hanggang sa malasing at makatulog na ito. Hindi iniwan ni Marvin ang kaibigan hangga't hindi siya nakakasigurado na tulog na nga ito.
Bago lumabas ng silid si Marvin ay sinulyapan pa niyang muli ang matalik na kaibigan na maayos na ang pagkakatulog.
Kung noon silang tatlo nila Rodjun at Jasper ang inalalayan ni Arnel nung nagkalove problem sila. Ngayon sila naman ang umaalalay kay Arnel, na alam nilang malalagpasan din ng kaibigan nila pero may pakiramdam si Marvin na hindi na magkakaayos pa ang mag asawa dahil sa tingin niya ang pag ibig ni Romary Gail para sa kaibigan nila ay tuluyan ng naglaho.
Kinabukasan ng magising si Arnel ay masakit ang ulo niya. Nakakarinig siya ng ingay mula sa labas, na parang mga nag ienjoy sa may pool area ng bahay niya. Bumangon siya at sinilip ang kung anong nangyayari sa labas ng bahay niya.
Napailing siya ng makita ang tatlo niyang kaibigan na mga nagpapaligsahan sa paglangoy sa kanyang swimming pool.
Umalis siya sa kanyang pinagdungawan at umupo sa ibabaw ng kanyang kama, dahil ramdam pa niya ang pananakit ng kanyang ulo. Napansin niya ang kalat sa loob ng kwarto at inalala ang naging usapan nila ni Marvin kagabi.
Malakas siyang napabuga ng hangin at napapabuntong hininga. Inistretch niya ang kanyang leeg dahil nakakaramdam talaga siya ng sakit ng ulo. Tumayo siya at naghanap ng maiinom na gamot ngunit wala siyang mahagilap.
Nagtungo na siya ng banyo upang maligo at ginawa ang morning routine niya sa araw araw at ng matapos ay bumaba siya at nagtungo sa pool area ng mansyon kung saan naroon ang mga kaibigan niya.
Nagtatawanan ang tatlo ng lumapit siya sa mga ito, na agad din naman siyang napansin.
"Join us here, pare!" pag aaya ni Rodjun sa kanya.
"Wala ba kayong mga magawa sa buhay ninyo ngayon, kaya kayo naririto? dumayo pa talaga kayo ng swimming ha." paangil niyang bigkas na nginitian ng tatlo.
"Itong si Jasper ang may idea na mag swimming kami rito. Kanina pa kase kami rito sa bahay mo at hinihintay kang magising. Ang tagal naman ng tulog mo, sigurado ako ngayon nagkahang over ka? sarap magpakalasing eh!" aning Turan ni Marvin na may halong pang aasar.
Tumango si Arnel, "Naparami nainum ko kagabi!" wikang sagot niya kay Marvin na hindi pinansin ang pang aasar sa kanya.
"Nagbreak fast na ba kayo? ang aga n'yo rito, alam ba ng mga asawa't anak ninyo na narito kayo?" tanong niyang muli sa mga kaibigan.
"Alam, syempre! kumain na kami bago umalis ng bahay, pero dito kaming tatlo maglalunch. Sinabi ko na kay manang Tinay kanina ng masalubong niya kami sa entrance door. Si Candice ko at ang anak ko ay hinatid ko kanina sa bahay ng biyenan ko, bago ko pa man din yayain ang dalawang yan na magtungo dito." maagap na tugon ni Marvin sa tanong ng kaibigan.
"Si Sandra kasama sina Brielle at Alexa nag shopping kasama ang mga bata." aning sagot namin ni Jasper.
"Si Aileen, makikipagkita kay Dailyn at kay mommy sa salon. Alam mo na bonding nilang mag iina, kaya hindi ako kasama. Babawi daw siya mamayang gabi, kami naman ang magbabonding." malawak ang ngiting sagot naman ni Rodjun.
"Tarantado talaga! nang inggit ka pa!" paasik na saad ni Arnel na ikinatawa ng tatlo.
"Punta lang ako sa kusina, magpapatimpla ng kape. Kayo anong gusto ninyo?" aning wika ni Arnel na hindi na siya pinansin ng tatlo dahil nagsimula na naman magkulitan sina Rodjun at Jasper.
Naglakad siya patungo sa kusina at nakita niyang abala sina manang Tinay sa pagluluto.
"Good morning sir Arnel, gusto n'yo na po bang mag almusal!?" bati ni Nicka ng mapansin sya ng dalaga.
"Good morning sa inyo, kape na lang muna please! medyo masakit pa ang ulo ko. Manang may extra po kayong gamot sa sakit ng ulo?" turan ni Arnel.
"Mayroon ako sa silid ko, Nicka pakikuha naman para kay sir Arnel. Nasa ibabaw lang ng drawer ko madali mo lang makikita." wika ni manang na inutusan ang kanyang pamangkin.
"Sige po tiyang!" sagot ni Nicka at pagtayo nito ay napansin ni Arnel na nakaayos si Nicka na may lakad yata ang kasambahay.
"Sir, excuse lang po makikiraan. Kukunin ko lang po ang gamot ninyo." Napatingin naman si Arnel sa magandang ayos ng mukha ni Nicka dahil nakalipstick ang dalaga at nakapustara. Tumabi si Arnel para makadaan si Nicka.
"Manang, aalis po ba si Nicka?" tanong niya ng makalayo na ang babae.
"Oo sana sir Arnel, nagpaalam kanina na magsisimba at linggo ngayon. Paalis na nga sana ang kaso ay dumating ang mga kaibigan n'yo at dito raw manananghalian, wala naman na si Lenny at day off ngayon, si Jane ay umakyat na sa taas para maglinis, kaya sabi ko kay Nicka ay mamayang hapon na lamang siya magsimba at tulungan na muna ako rito sa kusina." litanya ni Manang Tinay habang ginagawa ang kape ni Arnel.
Pagkaabot ni manang ng kape ay nagpaalam na si Arnel at bumalik sa mga kaibigan.
"Tiyang, ito na po yung gamot na hinihingi ni sir Arnel."
"Pakibigay mo na lang, magdala ka ng tubig at baso. Magdala ka na rin ng prutas para sa mga kaibigan ni sir Arnel. Gusto nilang kumakain ng prutas kapag nagsuswimming ang mga yan rito." utos pang wika ni manang na mabilis namang ginawa ni Nicka.
"Silang tatlo po pala ang mga barkada ni sir Arnel, ang gugwapo nilang lahat tiyang ano, pwede silang mga artista o model." komento ni Nicka na sinamaan siya ng tingin ng tiyahin.
"May mga asawa na silang lahat Nicka, kaya wag kang kiri diyan." pagpapaalala ng tiyahin sa kanya.
"Kiri agad tiyang, sinasabi ko lang na gwapo sila at wala po akong balak na landiin ang mga yon! lalo na at sabi n'yo nga ay may mga asawa na, priority ko po ang pag aaral ko at sina itay. Saka na ko maglalandi kapag hawak ko na po ang diploma ko." nakangiting depensa ni Nicka sa sarili.
"Mabuti ng paalalahanan ka, Nicka!" turan muli ng tiya niya.
"Alam ko naman po yun tiyang. Napadaan kase ako kanina sa pool area ng papunta ako sa quarters kaya nakita ko sila. Hindi naman nila ako napansin dahil abala sila sa pag uusap. Pagbalik ko nga rito sa kabila na ako dumaan, nakakahiya kase puro sila nakatrunks." ani pang saad ni Nicka na napatapik sa noo ng maalala na siya nga pala magdadala ng prutas at gamot ng amo niya.
"Oh bakit!?" tanong ng tiya niya.
"Tiyang, kayo na lang kaya magdala ng mga 'to. Ako na lang muna diyan!" aniya sa tiyahin.
"Ikaw na, nang masanay ka. Madalas talagang ganyan sila magkakaibigan kapag narito ang mga yan. Ganyan silang mag bonding na apat, bukod sa pag inom ng alak dito sa bahay. Minsan ay dito pa nga natutulog ang mga yan noon nung mga binata pa sila, nung mga nagkaasawa ay dumalang na pero ng magkaproblema sina sir at maam Romary Gail ay nagsasalitan ang tatlong yan mabantayan lang nila si sir Arnel. Bilib ako sa samahan nilang apat mula college hanggang ngayon." mahabang litanya ni manang Tinay.
"Nakakainggit naman ang samahan nila, na miss ko bigla si Emman at ang mga tambay sa talyer nila. Sige na nga po tiyang, ako na magdadala nito sa kanila."
"Sige na dalhin mo na yan doon at ng mainom na ni sir ang gamot." utos pa ni manang kay Nicka.
Pagkarating ni Nicka sa pool ay lumapit siya kay Arnel at inilapag niya sa lamesa roon ang kanyang dala. Iniabot niya sa amo ang gamot at ang isang basong tubig na bago abutin ni Arnel ay sinulyapan nito sa mukha si Nicka ng medyo matagal kaya umiwas ng tingin ang babae. Napansin ng tatlo ang nangyari kaya nagkatinginan ang mga ito, napataas ng kilay si Rodjun, nakangiti naman si Jasper at nailing naman si Marvin.
"Napansin n'yo ba, ang napansin ko kay Arnel?" nakangising tanong ni Jasper sa dalawa.
"Palagay mo naman sa amin mga walang pakiramdam!? di lang pansin kundi pansin na pansin. Iba makatingin ang kaibigan natin sa kasambahay niya, hindi naman yan ganyan sa ibang babae kung tumingin.
"Kagabi naramdaman kong muling lumabas ang pagiging possessive niyan. Kay Romary Gail lang naman siya naging ganun. At ngayon nakikitaan natin siya ng ganyan. Sa tingin ko may pagtingin yan sa pamangkin ni manang, ano sapalagay ninyo?" aning wika ni Marvin.
"Obserbahan n'yo si Arnel ha, ako gagawa ng paraan." nakakalokong saad ni Rodjun.
Tumango sina Jasper at Marvin. Alam na nila ang gagawing kalokohan ni Rodjun. upang malaman nila kung tama ba ang kanilang hinala kay Arnel.