"Salamat Nicka, pasensiya ka na kung hindi ka kaagad nakaalis ha. Nasabi kase sa akin ni Manang kanina ng nasa kusina ako na paalis ka na raw para magsimba, pero hindi ka natuloy dahil kinailangan ka pa niya rito para asikasuhin kami ng mga kaibigan ko" saad ni Arnel na nadinig ng tatlo na nasa likuran nila.
"Okay lang sir Arnel, mamayang hapon naman ay paaalisin din ako ni tiyang. Hindi rin naman po ako magtatagal sa labas, may ilang bagay lang po akong importanteng bibilhin sana pagkatapos ng misa sa simbahan. Bukas na ho kase ako magsisimulang pumasok." nakangiting wika naman ng dalaga sa amo.
"Oo nga pala, mabuti at pinaalala mo. Maari ka ng bumalik sa kusina, Nicka. Patawag na lang kami kapag okay na ang tanghalian." utos ni Arnel.
"Wait!, paaalisin mo na agad si miss beautiful na hindi mo man lang kami naipapakilala sa kanya!" pagsingit ni Rodjun sa usapan ng mag amo na ikinabaling ng tingin ni Arnel at ni Nicka sa lalaking nasa likod lang nila.
"Hi miss, my name is Rodjun friend ng sir Arnel mo. Si Jasper pala at si Marvin." pagpapakilala pa ni Rodjun sa sarili at sa dalawa pang kaibigan at inilahad ang palad sa harapan ni Nicka.
Napabuntong hininga si Arnel at sinamaan ng tingin si Rodjun, ngunit ang pasaway na kaibigan niya ay hindi naman siya pinansin at binalewala lamang siya.
"Ako po si Nicka, kilala ko na po si sir Marvin, nandito rin po kase siya kagabi. Nice meeting you po sir Rodjun, sir Jasper." aning turan naman ni Nicka na tinanggap din ang pakikipagkamay ni Rodjun pati na rin ni Jasper sa kanya.
Gumalaw ang panga ni Arnel dahil naiirita siya sa nakikita. Hindi niya gustong nakikipag usap ng magiliw si Nicka sa mga kaibigan niya.
"Hep, teka lang!, ang sabi mo ay po!? bakit mo kami pinopo? Mukha na ba kaming matanda para sayo, bakit ilang taon ka na ba, Nicka?" eksaheradong sambit na tanong ni Rodjun sa kasambahay.
"Bente dos anyos na po ako sir Rodjun. Pag galang ko lang po sa inyo bilang kaibigan naman po kayo ng amo ko. Hindi naman po kayo mukhang matanda, ang gaganda n'yo nga pong lalaki eh!" sagot at pabirong saad ni Nicka.
"Maganda kaming mga lalaki, talaga!? Eh sino sa tingin mo sa amin ang pinakagwapo?" Ngingiti-ngiting tanong ni Rodjun.
"Ayokong sabihin sir, baka mamaya pag awayan nyo pa! baka bigla na lang din akong palayasin ng amo ko kung sabihin kong si sir Jasper ang pinakagwapo sa inyo, kaya hindi ko na lang ipapaalam." napatakip ng bibig niya si Nicka ng magtawanan ang tatlong lalaking kaibigan ng sir Arnel niya habang si Arnel ay hindi na maipinta ang mukha sa inis.
"May mga asawa na rin ang mga yan Nicka at binibiro ka lang niyan ni Rodjun. Bumalik ka na kina manang Tinay." utos ni Arnel na maawtoridad na.
Napapeace sign si Nicka kay Arnel na nginitian pa amg amo. "Sorry sir, wag mo ko palayasin ha!"
"Huwag ka mag alala Nicka, kapag pinaalis ka ni Arnel dito sa mansyon niya ay iwewelcome kita sa bahay namin ng asawa ko. Nangangailangan kami ng yaya ngayon, pwedeng pwede ka!" nakangiting saad naman ni Jasper na nakatingin kay Nicka.
"Pag iisipan ko yan sir, kapag pinaalis talaga ako ni sir Arnel." aning tugon ni Nicka na alam niyang biro lamang iyon ni Jasper sa kanya.
"Babalik ka na sa kusina Nicka? o gusto mo ng umuwi sa inyo mamaya?" seryosong turan ni Arnel sa babae.
"Babalik na po sa kusina. Nagbibiro lang ako sir, ang seryoso mo naman kase eh! halata naman pong nangtitrip lang ang mga kaibigan n'yo, sineseryoso n'yo naman. Sinasakyan ko lang ang trip ni sir Rodjun at sir Jasper. Sige po aalis na nga ako, busog na busog na ang mga mata ko sa pandesal sa tiyan ng mga kaibigan nyo eh!" aning wika ni Nicka at tinalikuran na ang magbabarkada.
Mabilis na tumalilis si Nicka papalayo sa pool, ngunit nadinig niya pa rin ang tawanan ng mga kaibigan ng amo niyang lalaki pagkaalis niya. Pasimple siyang napangiti ng maalala ang seryosong mukha ng amo niya.
"Ang hirap talaga ng broken hearted. Sala sa init, sala sa lamig. Minsan mabait, minsan masungit. Aba ay dinaig pa ko kapag may monthly period ako eh! hindi kaya..!? ay ano ba naman ang pumasok sa isip ko, ang halay ko na ata pero pwede, baka nga! ay naku, erase erase erase!!" aning komentong wika pa ni Nicka sa inaasal ng amo niyang si Arnel, pero sa sarili niya lamang at alam niyang walang makakarinig na sinundan pa niya ng mahinang pagtawa.
Sa pool area naman ay hindi mapigil ng tatlo na matawa sa kasambahay ni Arnel na si Nicka, dahil malakas ang loob ng dalaga na pagsalitaan ang amo nito ng ganoon. Hindi nakahuma ang kaibigan nilang si Arnel ng pagsabihan ito ni Nicka at mabilis na iniwan ang amo.
"Mukhang may madaragdag sa sakit ng ulo mo ah!?" turan ni Jasper kay Arnel na seryoso lang na tinignan nito.
"Payo lang pare! ayusin mo muna ang gulo ninyo ni Romary Gail, bago ka pumasok sa panibagong relasyon. Paalalahanan lang kita dahil kaibigan mo ko Arnel, kasal pa rin kayo ni Romary Gail pare." wika naman ni Marvin.
"Ano ba ang mga pinagsasabi ninyo? wala kaming relasyon ni Nicka okay!" aning turan ni Arnel sa mga kaibigan.
"Pare, hindi mo ba napapansin ang sarili mo? naaattract ka na sa kasambahay mo. Maganda siya, mukhang matalino at bubbly, masarap kausap at sa tingin ko ay maalaga. Kaya hindi malabong may maramdaman ka para sa kanya."
"Bukod sa sinabi mo Marvin, maganda rin ang katawan niya at makinis ha!" dagdag pa ni Rodjun sa pagpuri kay Nicka na hindi nagustuhan ni Arnel.
"Pare, para namang binabastos mo na si Nicka niyan eh!" paasik na saad ni Arnel kay Rodjun.
"Wooohhh... relax ka lang pare, hindi ko binabastos ang kasambahay mo bagkus ay pinupuri ko pa nga eh! bakit ka ba nagagalit ng ganyan? Umamin ka, hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya nagugustuhan." aning turan ni Rodjun na pinipilit si Arnel na magtapat ito sa kanila.
"Hindi ko alam kung saan ninyo nakuha ang idea na magugustuhan ko siya pare! Magaan lang talaga ang loob ko sa kanya, kaya siguro ganun!" aniyang sagot sa kaibigan na mga nagsitahimik na lang.
"Kung wala eh di wala! ibahin na natin ang topic ng usapan."
"Arnel pare! makinig kang mabutj, nandito kami nila Rodjun at Jasper para ipaalam sa iyo na nakausap ko na kanina ang asawa mo at gusto niya raw na makipaghiwalay na sa iyo ng tuluyan. Gusto niya ng annulment, gusto niya ng maipawalang bisa ang kasal ninyong dalawa." nahihirapang saad ni Marvin.
"Papaano mo siya nakausap Marvin!? Bakit hindi s'ya sa akin mismo mo nagsabi?, bakit hindi s'ya sa akin tumawag at sabihin sa akin ang mga bagay na sinabi niya sa'yo." pagalit na tanong ni Arnel ng mga oras na iyon.
Napasuntok si Arnel sa ibabaw ng lamesa ng malaman niya ang plano ng asawa niya mula kay Marvin. Gusto niyang makausap ng harapan si Romary Gail ngunit ayaw naman siyang harapin nito. Hindi niya alam kung paano matatawagan ang asawa dahil naka private number ang ginamit ni Romary na pantawag sa matalik niyang kaibigan.
"Pasensiya na pare! alam kong masasaktan ka, pero kailangan mong malaman ito. Ayokong maglihim pa sayo ng matagal, dahil baka one of this day ay padalhan ka na rin ng sulat ng korte, at isa pa gusto ko ring matapos na ang problema ninyong dalawa ni Romary. Malay mo habang pinaprocess ang annulment ninyo ay makapag usap na kayo at magkaroon pa ng chance na magbago ang desisyon niya." litanya ni Marvin na tinapik pa ang balikat ni Arnel.
"Ayaw niyang magpakita sa'yo pare dahil alam niyang muli ka lang magmamakaawa sa kanya. Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na mawawala rin ang galit na nararamdaman sayo ng asawa mo, gayung isinisisi niya nga sa iyo ang lahat sa pagkawala sa inyo ng anak ninyo." turan ni Rodjun.
"Humanap ka na lang uli ng babaeng mamahalin na mas deserve at maiintindihan ka pare! kase si Romary wala na, tuluyan ng nawalan ng pag ibig sayo ang asawa mo. Huwag kang magmukmok pare, enjoy your life din dapat! ipakita mong kaya mo rin na wala siya, pare!. Ikaw na nagpapakaloyal sa kanya pero siya itong babae na may idinidate na ibang lalaki. Kung mahal ka pa niya pare hindi siya lalapit sa korte para ipawalang bisa ang kasal ninyo. Ngayon ito na o isinasampal na sayo ng asawa mo na ayaw na niya talaga sayo." saad ni Jasper na halata ang pagkabanas sa asawa niya. Naiintidihan niya naman na may galit na rin ang mga kaibigan niya sa asawa niya at hindi niya masisi ang tatlo.
"Kung talagang gusto mong makausap si Romary gumawa ka ng paraan Arnel, tutulungan ka namin magsabi ka lang." turan ni Marvin na sinang ayunan nila Rodjun at Jasper.
"Sapalagay ninyo hindi ko sinubukan na makagawa ng paraan, sa tingin ninyo ay sinukuan ko siya. Mali kayo kung yan ang naisip ninyo. Nahihirapan ang private investigator na kinuha ko na alamin ang mga ginagawa ni Romary, hindi siya naglalagi ng matagal sa iisang lugar, may humaharang sa mga nakukuha niyang impormasyon. At may palagay akong may kinalaman ang lalaking idini-date ngayon ng asawa ko, dahil tulad ng sinabi ni Marvin ay may malaking pangalan sa business world ang mga Diaz sa Europe at sa ibang bansa." konklusyon ni Arnel sa mga pangyayari. Ngayon lang niya napagtanto na may posibilidad nga ang kanyang naisip noon na may humaharang talaga sa kanya kay Romary kung bakit hindi niya malapitan ang asawa.
"Tsk..!! Kung totoo nga yang naiisip mo, sigurado ako na kagustuhan rin ng asawa mo yun!" napapalatak na saad ni Rodjun.
"Huwag mong pirmahan ang annulment papers hangga't hindi ka hinaharap o kinakausap ni Romary Gail pare. Hayaan mong siya naman ang lumapit sa'yo at magmakaawa na makipag usap ka sa kanya." payo ni Jasper kay Arnel.
Tahimik lang si Arnel na nag iisip ng kanyang gagawin para muli silang magkaharap ng asawa at naisip niyang tama si Jasper, So Romary Gail na mismo ang lalapit sa kanya paghiniling na nito na pirmahan niya ang annulment papers. At hihintayin noya ang araw na yon. Gusto noyang magwala pero mas gusto niuang magpakalango muli sa alak para mawala ang sakit sa puso niya.
Ayaw niyang ipakita sa tatlo na sobra siyang nasasaktan ng mga oras na yon pinipigilan lang niya ang sarili. Alam niyang tunay ang pag-aalala sa kanya nila Marvin kaya nga kompleto sila ngayon sa bahay niya at sigurado siyang mamaya pa siya iiwan ng mga kaibigan.
"Tara, magswimming na lang tayo, Nang mawala sa isip mo si Romary Gail." pag aya no Rodjun kay Arnel.
Lumipas ang oras at naihanda na nila Nicka at manang Tinay ang tanghalian ng apat. Si Nicka ang nautusan tawagin ang amo at ang mga kaibigan nito dahil may ginagawa pa ang isang kasambahay.
Nagtungo si Nicka sa pool area at nakita niyang mga seryosong nag uusap ang apat na lalaki na mga nakalubog ang katawan sa swimming pool.
Medyo nahihiya pa siyang tawagin ang amo at ang mga kasama nito kaya nanatili pa muna siya sa may tabi at hintayin niya na may umahon sa apat.
Hindi pa siya nagtatagal ay napansin siya ni Rodjun at sinabi nito kay Arnel. Kaya napatingin ang apat na lalaki sa dalaga na hindi naman agad napansin ni Nicka dahil sa nakatungo ang ulo niya.
"Kung hindi ko lang mahal si Ailyn liligawan ko yang kasambahay mo. Hindi mukhang katulong eh! kahit nakapantalon kitang kita ang kurba ng katawan. Simpleng ayos pero ang lakas ng dating." aning wika ni Rodjun.
"Siraulo! sa tapang ng asawa mo baka magsisi ka." komento ni Marvin sa kalokohan ni Rodjun.
Si Arnel naman ay hindi alam kung bakit nakakaramdam siya ng inis sa kaibigan sa tuwing papansinin nito si Nicka. Kilala niya si Rodjun na mapagbiro kaya nga palagi lang niya itong nginingitian o hindi na lang pinapansin ang sinasabi ng kaibigan minsan. Pero sa pagkakataon na to ay parang gusto noyang sapakin si Rodjun sa mukha. Umahon si Arnel sa pool na nakatrunks lang din habang nakatingin kay Nicka.
Sakto naman ang pagsulyap ni Nicka sa pwesto ng amo niya na kitang kita ng mga mata niya ang pag ahon ni Arnel na nag slow motion pa sa kanyang paningin na inabot ang tuwalya at itinapis sa beywang nito. Nakita niya ang pandesal din nito na katulad sa mga kaibigan ng lalaki. Napalunok pa muna siya bago tumingin sa mukha ng amo na matipid na palang nakangiti sa kanya dahil kitang kita rin ni Arnel ang pagkamangha ni Nicka sa kanyang katawan.
"Nakaready na ba ang food?" tanong ni Arnel sa dalaga.
"A-ah yes sir, pinatatawag na po kayo ni Tiyang. Sunod na lang po kayo sir, mauna na po ako sa inyo kusina." bigla nang natauhan si Nicka kaya nag stammer pa siya sa pagsasalita.
"Anyare sa kasambahay mo bakit parang natakot ata sayo kanina lang ay parang at ease siya sa atin?" tanong ni Jasper ng makalapit kay Arnel.
"Ewan ko d'on, baka nagandahan sa pandesal ko sa tiyan!?" pabiro niyang sagot kay Jasper na ikinatawa naman nung dalawa.
"Kain na tayo, baka gutom ka na rin!" sabay akbay ni Marvin sa kanya.
"Teka! magbihis na muna kayo at baka hindi na makagalaw mga kasambahay ni Arnel ng dahil sa atin." pahabol na wika ni Rodjun kina Marvin at Arnel na nauna na sa kanila. Mga nakatapis lang kase sila ng tuwalya sa bandang baywang. Pero nagtuloy tuloy sa dining table ang tatlo kaya sumunod na rin siya.
Grabe ang kilig ni Jane sa magkakaibigan habang kumakain ang mga ito, at si Nicka ay hindi rin maintindihan bigla ang sarili dahil ng makita niya ang tatlo kanina ay normal lang naman sa kanya dahil sanay siya makakita ng lalaking nakatrunks lang dahil malapit lang sila sa dagat. Mga turista at foreigners na mga naka two piece o one pice swimsuit ang babae kundi naman naka short ang lalaki nakatrunks lang ang iba. Nakaramdam siya ng init sa katawan dahil lang sa nakita niya ang hubad na katawan ng kanyang amo.
Nang matapos kumain ang apat at nalinisan na nila Nicka ang kusina ay nagpaalam na siya na aalis na muna. Nagpalit siya ng damit dahil naiinitan siya. Sanay siya sa shorts lang kaya iyon na lang ang sinuot niya at sleeveless na blouse na mahaba na hindi namam hapit sa kanyang katawan naglagay siya ng ilang accessories at nagsuot ng shades nakatwo inches high heels na sandals siya na bumagay sa kanyang suot na para na siyang model.
Palabas na siya ng bahay ng tawagin siya ni Rodjun ng mapansin siya ni Arnel na paalis na rin siya, kaya halos makasabayan na niya ang tatlo sa pag alis.
Napatingin si Nicka sa amo na nakita niyang nakatingin sa binti niya. Nagtama ang paningin nila ng mag angat ng tingin si Arnel. Gumalaw ang panga ng lalaki at alam na ni Nicka na hindi na naman nagustuhan ng amo niya ang suot niya.
"Sir, alis na po ako!" nahihiyang pamamaalam ni Nicka kay Arnel.
"What a coincidence pauwi na rin kase kaming tatlo, sumabay ka na. Mamili ka na lang sa amin kung kanino mo gustong sumakay.." wika ni Rodjun na binatukan ni Marvin.
"Pasensiya ka na Nicka, mapagbiro lang talaga siya. Sa akin ka na lang sumabay." saad naman ni Marvin.
"No, ihahatid ko siya, pupunta rin ako sa bayanay bibilhin din ako. Sige na mauna na kayo! Hintayin mo ko Nicka kukunin ko lang amg wallet ko sa silid ko." pagsabat naman ni Arnel na ikinatango ng tatlo at hindi na magsalita pa.
"Sige Nicka, pahatid ka na nga lang sa amo mong possessive mo." aning wika ni Jasper na ngiti ngiting inakbayan si Rodjun palabas ng bahay.
"Enjoy your day, Nicka! mauna na kaming umalis." turan namn ni Marvin.
"Sige po sir Marvin ingat po kayo!" aniya bago tuluyang makalabas si Marvin sa pinto ng bahay.
Hindi naman nagtagal si Arnel at bumaba na rin mula sa itaas at inaya na siyang umalis. Si Arnel ang nagmaneho ng kotse at katabi niya si Nicka sa upuan. Doon naupo si Nicka dahil kung sa likod siya uupo ay magmumukhang driver niya ang amo niya.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Arnel sa dalaga na sobrang tahimik.
"Malapit lang sir Arnel sa simbahan pagkatapos ng misa ay maglalakad na lang ako sa bibilhan ko malapit lang naman."
"Okay!" aning sambit ni Arnel.
Nang makarating sila sa plaza ay ipinark ni Arnel amg kotse roon naunang lumabas si Nicka na sinundan ni Arnel.
Nagtaka naman ang dalaga dahil ang sabi ng amo niya ay may bibilhin ito.
"Magsisimba ka rin ba sir Arnel!?"
"Pwede naman siguro akong sumabay sayo sa di ba!? may kakatagpuin ka ba?"
"Wala sir, pero sure kayong sasama ka sa akin sa loob sir? Hindi kaya tayo pagkamalan nitong magkadate?" saad ni Nicka na hindi sinadyang naibulalas niya ang kung ano ang nasa isipan lang dapat niya.
"Hindi naman kita hahawakan, sasabayan lang kita sa paglalakad. Kung iyon ang ikinababahala mo."
"Naku sir, okay lang po! kahit na hawakan n'yo ko okay lang, wala naman nakakakilala sa atin." biglang saad ni Nicka dahil ayaw niyang ma awkward ang amo sa kanya kahit siya ay ilang na ilang naman na.
Natigilan sa paglalakad si Arnel at napatitig sa mata ng dalaga na tumango naman kaya sinubukan ni Arnel na hawakan sa siko si Nicka.
Nakaramdam ng kakaiba si Arnel, nag init ang kanyang katawan ng mahawakan niya ang babae na matagal niya ng hindi nararamdaman at ganoon rin si Nicka na parang may kuryenteng dumaloy sa parteng hinawakan ng amo niya. Tiniis lang niya ang naramdaman para hindi maisip ng sir niya na hindi niya gusto ang paghawak sa kanya nito kaya hindi siya pumiglas.