Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit isang buwan na rin magmula ng tumira si Nicka sa bahay ni Arnel sa Antipolo. Naging maayos naman ang paninirahan ni Nicka sa lugar kung saan kasama niya ang kasambahay na nakuha ni Arnel at ang care taker ng bahay. Nag online review study na lang si Nicka para sa darating na board exam. Dahil iyon ang gusto ni Arnel na hindi na niya kinontra pa. Tuwing friday pagkatapos ng trabaho sa kumpanya ay kay Nicka dumidiretso si Arnel at mananatili sa Antipolo hanggang lunes ng umaga. Tatlong buwan na ang pinagbubuntis ni Nicka bagama't hindi pa halata ang tiyan niya ay may maliit na ring umbok ang tummy ni Nicka. Kailan lang niya naexperience ang pagduduwal at pagsusuka ganoon na rin ang paglilihi kaya minsan ay napapasugod si Arnel sa Antipolo para la

