Nagdaan pa ang mga araw at may planong nabuo sa isipan si Romary. Dahil si Lolo Lando ay naging janitor sa kumpanya nila Arnel ay nalalaman ni Romary kung pumapasok ba si Arnel sa trabaho o hindi. Naisip ni Romary na pasundan si Arnel kay Lolo Lando upang alamin kung tama ang hinala niya na may ibang babae na nga ang asawa niya kaya nakakayanan nitong hindi siya puntahan kahit alam naman ng lalaki kung nasaan siya. Nagawa naman ni Lolo Lando ang utos ni Romary sa kanya. Nasundan ng matanda si Arnel sa bahay nito sa Antipolo at nakita ang pagsalubong ng isang babaeng yumakap kay Arnel at hinagkan ng lalaki ang babae sa labi at masayang hinimas ang baby bump ng tiyan ng babae. Isinulat ni Lolo Lando ang address ng bahay at nagpahatid na sa maynila sa taxi driver na sinakyan nito ng sunda

