Chapter 29

1219 Words
Graduation day nila Nicka, umaasa siyang bukod sa pamilya niya ay darating din si Arnel para saksihan ang importanteng pangyayari sa buhay niya. Alam niyang hindi pa sila nagkakaayos na dalawa, pero wala namang araw na hindi sumusubok si Arnel na iapproach siya, kahit alam nitong may tampo siya rito. Darating ang itay at mga kapatid niya, ang sabi ng kanyang tiya Tinay, kaya naman hindi na ito sumama pa sa kanya at binati na lamang siya nito, ganoon rin nila Lenny at Jane, bago siya makaalis sa mansyon. Nagpaalam siya sa tiyahin na hindi muna siya uuwi dahil sa ikinuha niya ng room ang ama at mga kapatid sa isang swimming resort na malapit lang sa lugar nila para makapagbonding na rin sila ng pamilya niya habang nasa maynila ang mga ito. Alas dos ng hapon nagsimula ang graduation at bago pa sila pumila kanina ay nakasama na niya ang kanyang itay at dalawang kapatid na proud at masaya para sa kanya. Hindi nakasama ang ate nila dahil walang maiiwang mag- aalaga sa pamagkin niya na naiintindihan naman din niya. Ang importante hindi s'ya nakalimutang batiin nito nang ipakita ni Andrea sa kanya ang ginawang record video ng ate Grace nila kasama ang asawa nito at pamangkin niya. Hindi mapakali sa kanyang kinauupuan si Nicka, panay pa ang baling ng ulo niya. Umaasang makikita ang lalaking importante sa kanyang puso, sa mga taong nakapaligid na nanonood ng graduation nila sa loob ng auditorium kung saan ginanap ang graduation day nila. Ngunit wala siyang makitang Arnel roon bagkus ang nahagip ng paningin niya ay ang bestfriend niyang si Emman, na hindi niya inaasahan na pupunta dahil wala naman itong sinabi sa kanya. Nakangiting kinawayan siya ni Emman ng mapansin siya nitong nakatingin sa pwesto nito. Matamis na ngiti naman ang ibinalik niya kay Emman at pasimpleng kumaway sa kaibigan. Masaya siyang nakita ang kababata at matalik na kaibigan. Natapos ang graduation ay walang Arnel siyang nakita. Gusto man magpakasaya ni Nicka ay hindi niya lubos na magawa dahil pakiramdam niya ay may kulang. Hindi niya mapigilan ang sariling maging emosyon. Nanubig ang kanyang mga mata, dahil pakiramdam niya ay binabalewala na siya ni Arnel. After ng pictorial nilang mag- anak kasama si Emman ay nagdesisyon na silang lumabas ng auditorium. Hindi makapaniwala si Nicka na sa paglabas nila ay masisilayan niya ang gwapong mukha ni Arnel na naghihintay sa kanya sa may sulok at may hawak pa itong bouquet of flowers. Nagtagpo ang kanilang mga paningin. Napangiti si Nicka ng lumapit sa kanya si Arnel at iabot ang bulaklak. "N-Nicka, congratulations!" sambit na pagbati agad ni Arnel sa dalaga ng makalapit sa dalaga na hindi man lang napansin na kasama ang pamilya nito at kaibigan. "T-Thank you s-sir Arnel nag abala pa kayo." wika ni Nicka na ibinaling ang tingin sa kanyang itay at doon lang napansin ni Arnel na naroon ang pamilya ni Nicka pati na rin si Emman. Nagkatinginan silang muli at nagkaintindihan. Tumango si Arnel kay Nicka, tanda na nauunawaan niya ang gustong ipahiwatig nito sa kanya. "Mang Chris, narito rin po pala kayo, kumusta po? Buti at nakarating kayo ngayon para kay Nicka." mabilis na binati ni Arnel ang ama ng dalaga. "Mabuti naman na ako, sir Arnel. Salamat sa pagpunta sa graduation ng Nicka ko. Sir, may anak na kong nurse graduate." proud na turan ni Mang Chris na ipinagyayabang ang pag graduate ni Nicka na ikinatuwa naman nilang lahat. "Ah sir, mga kapatid ko po si Andrea at Kristoff. S-Si Emman ang best friend ko." pagpapakilala ni Nicka sa mga kapatid at kay Emman na rin na naroon din. Halata ang tensyon sa pagsasalita ni Nicka dahil sa sitwasyon nila ngayon. Magkaharap muli si Arnel at Emman, kaya hindi malaman ni Nicka ang gagawin. "Nice to meet you po sir, thank you po sa pagpayag na makapag- aral si ate Nicka kahit na nagtatrabaho siya sa inyo. Napakabuti n'yo pong amo." saad ni Andrea na tango at tipid na ngiti lang ang isinagot ni Arnel. "Sir, kinagagalak ko rin po na makilala kayo." masiglang wika din naman ni Kristoff. Inilatag naman ni Arnel ang kamay sa harapan ni Emman na tumitig muna sa mga mata ni Arnel at ibinaling din ang tingin kay Nicka ng marinig na binigkas ni Nicka ang pangalan niyang Emman. Halatang hindi gusto ni Emman ang makipagkamay kay Arnel pero tinanggap pa rin nito alang- alang kay Nicka. Alam na kase ni Emman ang tungkol sa relasyon ng dalawa dahil nagkausap na sila ni Nicka at masakit man kay Emman ay tinanggap niyang may minamahal na si Nicka at hindi siya 'yon. Ang hindi lang matanggap ni Emman ay nakipagmabutihan ang kaibigan sa isang lalaking may asawa na, kahit pa ipinaliwanag ni Nicka na matagal naman ng hiwalay si Arnel. Nalaman niya ang relasyon ni Nicka kay Arnel ng gabing nagkasakitan sila ng lalaki. Iyon ang gabing nagpasya siyang sunduin si Nicka at magtapat na siya ng pag- ibig sa kaibigan, ngunit umiyak ang dalaga dahil sa ginawa nitong pangbabasted sa kanya at inamin nga ang relasyon na nito sa among lalaki. Nasaktan si Emman, pero kung saan liligaya ang babaeng matagal na niyang minamahal ay susuportahan niya. As long na hindi masasaktan si Nicka sa piling ng lalaking mahal nito. Kaya nang gabing nagkasuntukan silang dalawa ni Arnel ay ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman sa pananakit din kay Arnel. Nagkausap din naman agad sila noon ni Nicka at humingi siya ng tawad sa kaibigan na naintindihan naman nito. Pero dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Arnel ay hiniling ni Nicka sa kanya na wag na muna silang magkita dahil sinabi ni Nicka sa kanya na pinagseselosan siya ni Arnel. Nauunawaan niya ang pagseselos ni Arnel, dahil kahit siya ay ganoon rin ang nararamdaman. Naisip niyang tunay ngang mahal ng lalaki ang kaibigan niyang si Nicka. Ramdam niya ang takot ni Arnel na maagaw ng iba ang kanyang kaibigan. Kaya naman ganoon na lamang ang galit sa kanya nito ng bigla siyang sugurin at saktan ni Arnel ng makita sila nitong magkasama ni Nicka at sa ganoong tagpo pa. Pagkatapos maghandshake ng dalawang lalaki ay nagsalita si Mang Chris. "Sir, kakain kami sa labas ng mga anak ko para icelebrate ang pagtatapos ni Nicka sa kurso niya. Sumama na rin kayo sa amin." pag- iimbita ng ama ni Nicka. Sinulyapan ni Arnel si Nicka bago sinagot ang paanyaya ni Mang Chris sa kanya. "Hindi na po mang Chris, dumaan lang talaga ako rito para batiin si Nicka. Kayo na lang po, alam ko namang namimiss n'yo na rin si Nicka." "Ganun ba! o siya sige sir Arnel, baka busy ka rin kaya hindi na kita kukulitin pa, alam ko namang abala kang tao." ani pang saad ni mang Chris. "Congratulations uli sayo, Nicka." baling na turan ni Arnel sa dalaga. Tumango si Nicka kay Arnel at tipid lang na nginitian ang lalaki, ngunit nag- uulap naman ang kanyang mga mata. Nagbabadya na may tutulong luha sa kanyang mga pisngi. Kaya pasimple siyang tumalikod kay Arnel para pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Pagtalikod ni Arnel at nakahakbang na papalayo ay biglang nakaramdam na naman muli ng lungkot si Nicka. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, "Ganito ba talaga kapag buntis, parang tanga lang?" aniyang tanong sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD