Pumasok sa loob ng presinto si Marvin at hinanap ang pulis na nagngangalang SP01 Teves, na siyang tumawag kanina sa kumpanya nila at nakausap ni Arnel.
Biglang naalala ni Marvin ang pag uusap nila ng kaibigan kanina, dahilan kung bakit siya na lamang mag isa ang dumating sa presinto para sunduin sina Romary.
* FLASHBACK *
"Gusto mo bang ako na lang ang dumiretso ng Pangasinan para sunduin si Romary at ang mga kasama niya? puntahan mo na lang si Nicka, makipag ayos ka na muna sa kanya. Sure akong hindi man niya sabihin sayo ay umaasa pa rin siyang magpapakita ka roon ngayon at babatiin mo siya." saad ni Marvin kay Arnel.
"Okay lang ba talaga sayo pare? Hindi ko alam kung anong pinaplano ni Romary ngayon, kailangan kong makausap na muna si Nicka. Baka magulat siya kung bigla na lang niyang makita roon sa mansyon si Romary." may pag aalalang turan ni Arnel.
"Isa pa, naalala ko rin ang pagpapaalam sa akin ni Nicka na uuwi muna siya ng probinsiya nila para magbakasyon pagkatapos ng graduation nila at sinabi kong sasamahan ko siya. Baka bigla siyang umalis ng hindi pa kami nakakapag- usap, pare." aning wika pa ni Arnel sa kaibigan.
"Mas makabubuti ngang unahin mo na muna si Nicka, upang maiwasan ang misunderstanding sa pagitan ninyong dalawa. Ako na ang bahala kay Romary." payo ni Marvin.
"Ilayo mo na rin muna si Nicka sa mansyon pansamantala para hindi naman maging awkward ang sitwasyon ninyo kung sakaling magdesisyon nga ang asawa mo na tumira muli sa mansyon." suhestiyon pa rin ni Marvin kay Arnel.
"Sapalagay mo Marvin, babalik talaga siya?"
"Base sa ikinuwento mo ay malaki ang posibilidad na babalik si Romary, pare. Kaya talagang napapaisip ako kung bakit at anong dahilan at nagbago ang isip niya. Samantalang nung nakaraang tawagan niya ako ay ramdam ko ang panlalamig na niya sayo at alam nating may iba na rin siya, tulad mo. Anong nangyari at kakaiba siya ngayon, para ikaw ang patawagan nya para sunduin siya? May mali eh!" sagot na seryoso ni Marvin.
"Sige pare, salamat. Kung anuman ang malaman mo kay Romary, balitaan mo ko." turan ni Arnel na ikinatango ng kaibigan niya.
"Ipara mo na dito pare, sasakay ako ng bus pabalik. Makakahabol pa ko sa graduation ni Nicka. Ingat ka!" saad ni Arnel na tinapik sa balikat si Marvin.
"Ingat ka rin sa byahe mo. Tawagan kita kapag naroon na ako." wika naman ni Marvin.
Nagpababa sa sakayan ng bus pabalik ng maynila si Arnel. Nasa isang bayan na sila ng Pampanga ng magdesisyon ang kaibigang si Arnel na bumalik ng Manila para puntahan at kausapin si Nicka.
* End of Flashback *
"Sir, narito po ba si SP01 Teves, may kailangan po kase ako sa kanya." tanong ni Marvin sa pulis na nakasalubong niya.
"Ah si Teves ba, ayun siya sa may dulo. Lapitan mo na lang." ani ng pulis na napagtanungan ni Marvin.
"Salamat!" aniya.
Nilapitan ni Marvin ang pulis na hinahanap niya. "Magandang gabi, SP01 Teves. Im Marvin Almeda, kaibigan ako ni Romary at ni Arnel Dela Cerna." pagpapakilala ni Marvin sa pulis.
"Magandang gabi rin Mr. Almeda. Maupo ka muna. Nasa labas ang kaibigan mo kasama ang mga nakakita at nag alaga sa kanya sa isla, nagkita na ba kayo? Bakit nga pala ikaw ang narito? nasaan ang asawa niyang si Arnel dela Cerna?" tanong ng pulis sa kanya.
"Nagkaroon ng emergency ang kaibigan kong si Arnel, kaya ako ang napag-utusan na puntahan rito si Romary."
"At anong emergency yun Mr. Almeda?" muling tanong ng pulis na para bang ng i-interrogate ang pulis.
"Something important SP01 sa work. CEO ng kumpanya ang kaibigan ko at hindi niya basta maiiwan ang trabaho niya kaya naman ako ang pinakiusapan niyang sunduin ang asawa niya." mahabang paliwanag ni Marvin.
"Pwede ko bang makita ang ID mo?" ani pa ng pulis na hindi naman inaalmahan ni Marvin dahil alam niyang pinoproteksyunan lang nito si Romary.
Kinuha ni Marvin ang wallet niya sa likod ng bulsa ng kanyang pantalon at ipinakita niya ang drivers license niya.
Isinulat ng pulis ang name at address niya sa isang papel. Nagtipa ito sa computer at nag print ng copy inilapag iyon sa harapan ni Marvin at pinabasa sa kanya.
Pinirmahan iyon ni Marvin at saglit na iniwan si Marvin ng pulis. Naglakad patungo sa pwestong kinauupuan ni Romary at kinausap ang babae.
Pagbalik ng pulis sa desk nito ay sinabi nitong nais munang makausap si Arnel dela Cerna na asawa ni Romary, bago ipasama sa kanya ang babaeng humingi ng tulong sa kanila dahil nasa protocol iyon.
Tinawagan ni Marvin si Arnel na agad namang sumagot sa tawag.
"Hello pareng Arnel, narito na ko sa headquarters kung nasaan ang asawa mo. Nais ka raw munang makausap ng pulis. Sinabi kong may importante kang ginagawa sa work, kaya hindi ka makakarating at ako ang pinakiusapan mong magtungo rito para sunduin si Romary. Okay sige, kausapin mo na si SP01 Teves, para makabyahe na rin kami pabalik ng manila." seryosong pagkausap ni Marvin sa kaibigan na talagang sinasadyang iparinig sa pulis ang mga sinasabi niya kay Arnel.
Iniabot ni Marvin ang cellphone niya kay SP01 Teves at hinayaang makipagkausap kay Arnel.
Matapos ang ilang mga tanong ng pulis sa kaibigan niya ay ibinalik rin ang cellphone niya sa kanya.
"Okay na ba sir? pwede na ba kaming umalis?" tanong ni Marvin sa pulis.
"Okay na Mr. Almeda, pasensya ka na kung marami kaming tanong sayo. Kasama yun sa trabaho namin, I hope you'll understand sir. Hindi rin kase biro ang nangyari sa asawa ng kaibigan mo. Nakita siya ng mag ina na wala na halos buhay at sugatan. May tama ng baril sa binti at may sugat sa ulo. Ilang linggo rin siyang walang malay at kahapon lang din siya nagkamalay ang sabi sa amin kanina ng mag amang tumulong kay ma'am Romary. Himala pa nga na nalagpasan niya ang nangyari sa kanya. Wala raw siyang matandaan sa mga nangyari sa kanya kung paano niya natamo ang mga sugat niya at paano siya nakarating sa isla. Ang huli niyang natatandaan ay ang pag alis niya sa bahay nilang mag asawa bitbit ang mga maleta niya." mahabang paliwanag ng pulis kay Marvin.
Napakunot ang noo ni Marvin sa mga nalaman tungkol kay Romary. Napatingin siya sa direksyon kung nasaan ang babae na nakatingin pala sa kanila.
"Palagay ko ay naapektuhan ang utak ng asawa ng kaibigan mo sir. Baka nagkatrauma siya sa nangyari kaya nabura ang ilan memorya sa utak niya." wika pa ng pulis.
"Ang mainam ninyong gawin ay ipatingin nyo sa doctor si ma'am. Pati na rin ang mga binti niya, kaya naman niyang maglakad pa, pero kailangan niya talaga makapagpatherapy sa binti. Sa tingin ko ay may na tamaan ang bala sa maselan parte ng muscle niya sa binti kaya ganyan ang nangyari sa kanya." dagdag pang turan ni SP01 Teves.
Tahimik na napatango- tango si Marvin sa pulis. "Sige sir, pwede n'yo ng isama si ma'am at mga kasama niya. Ingat kayo sa byahe."
"Salamat sir, makakarating sa kaibigan ko ang mga sinabi mo." saad ni Marvin at nakipagkamay pa sa pulis.
Tinawagan ni Marvin si Arnel at inihayag ang nalaman niya sa asawa nito. Nakaramdam ng awa si Marvin para kay Romary at napaisip sa kung ano bang napasok ni Romary para maranasan nito ang muntikan ng pagkamatay.