Sa opisina ni Arnel ay kumatok sa pintuan niya ang secretary niyang si Jenny.
"Come in, Jenny?"
"Sir Arnel, ano po kase.." hindi masabi ng secretary nya ang sasabihin nito dahil iniisip niyang baka uminit na naman ang ulo ng boss nya.
"May problem ba, Jenny?" tanong ni Arnel sa pagpasok ng kanyang sekretarya na mababanaag na kinakabahan ito..
"S-sir, ano po kase eh tumawag kase ang receptionist, may na receive po raw silang tawag mula sa isang pulis sa Pangasinan at ang sabi ay naroon po raw sa headquarters nila ngayon ang asawa n'yo na si Ma'am Romary po."
"What?! a-anong sabi mo? wait, saan sa pangasinan at bakit raw naroon si Romary?" gulat at pag aalala ang mababanaag sa naging reaksyon ni Arnel sa nalaman.
"Eh sir, iko-connect ko na lamang po ang tawag sa intercom ninyo."
"O-okay, sige.. sige ngayon na!" utos ni Arnel.
Nakausap nga ni Arnel ang pulis na nagpakilala sa kanya at pinapapunta siya sa lugar kung nasaan ang asawa niya. Ibinigay ng pulis ang telepono kay Romary at sa tagal ng panahon ay muling nagkausap ang mag asawa.
Dinig ni Arnel ang paghikbi ni Romary ng makausap siya nito.
"Babe, si Romary 'to. Babe, please.. puntahan mo ko rito sa Pangasinan. Gusto ko ng umuwi sa bahay natin." aning turan ni Romary sa Kanya
Sinabi ni Romary ang kalagayan nito sa kanya at sinabi rin kay Arnel na kasama niya ang nag alaga sa kanya at nais niyang isama ang mga ito sa maynila.
Napakunot ang noo ni Arnel sa mga sinasabi sa kanya ng asawa. Naguguluhan man ay susundin na rin muna niya si Romary. Dahil kailangan siya nito ngayon.
"O-okay, wag kang aalis diyan Romary. Darating ako, pangako. Just wait me there, okay!" pag- aalala at pagkataranta para sa asawa ang nararamdaman ngayon ni Arnel.
Pagkababa niya ng telepono ay tinawagan agad niya si Arnel.
"Pare, samahan mo ko sa Pangasinan. Alam ko na kung nasaan si Romary. I need you pare, kailangan ko ng kaibigan sa tabi ko ngayon." aniya kay Marvin na natutuliro ng malaman ang pinagdaanan ni Romary sa isla at ang kalagayan ng asawa ngayon.
"N-nakausap mo na siya? okay sige pare, daanan mo ko rito sa site at hihintayin kita." ang nasabi na lang ni Marvin.
Mabilis na kumilos si Arnel at shinut down na muna ang laptop niya at hinablot ang kanyang coat na nakasabit sa inuupuan niyang swivel chair at ang susi at cellphone niya ay agad siyang lumabas ng opisina at nagpaalam kay Jenny na aalis at nagbilin na kung sakaling tumawag muli ang pulis na nakausap niya ay ibigay ang cellphone number niya, dahil nakalimutan niya kaninang ibigay sa pulis.
Habang nasa byahe ay hindi mapakali si Arnel, tulad ng usapan nila ni Marvin ay dinaanan niya muna ito sa construction site bago siya dumiretso sa headquarters kung saan naghihintay ang babaeng una niyang minahal.
Magkasama na silang nagtungo sa Pangasinan kung saan nila susunduin si Romary at ang mga kasama nito na sinabi sa kanya sa telepono kanina. Mabuti na lamang at ang dalang sasakyan ni Arnel ay ang Honda CR-V niyang kotse na 7 seaters.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Arnel sa kanyang sasakyan kaya pinahinto ni Marvin si Arnel.
"Ipara mo muna pare, Madidisgrasya tayo sa pagmamaneho mo eh! Magpalit tayo ako na ang magmamaneho ng sasakyan." angal na turan ni Marvin sa kanya.
Itinabi ni Arnel sa tabing kalsada ang sasakyan at malakas na napabuntong hininga at napasandal sa kanyang kinauupuan.
"Relax ka lang pareng Arnel! very obvious na affected ka sa isang tawag lang sayo ni Romary. Hindi siya aalis sa headquarters, dahil kailangan niya ang tulong mo." aning saad ni Marvin na muling ikinahugot ni Arnel ng malalim na paghinga.
Tinapik ni Marvin si Arnel sa balikat at lumabas sa loob ng kotse upang makipagpalit ng pwesto kay Arnel. Lumipat lang ng upo si Arnel mula sa loob.
Habang tahimik silang bumibyahe na magkaibigan ay hindi maiwasan ni Marvin na hindi magtanong kay Arnel. Kanina pa kase pinaglalaruan ni Marvin ang hawak na cellphone.
"Hinihintay mo ang tawag ng pulis o ang tawag ni Nicka sayo?"
Bumaling ng tingin si Arnel sa kaibigan.
"Pare, bakit ngayon pa?! bakit kung kailan may importante akong gagawin ngayon para magkaayos kami ni Nicka ay ngayon pa nagparamdam si Romary?" napapailing na wika ni Arnel.
"Ngayon ang araw ng graduation ni Nicka at nagpa-set up ako ng dinner date sa isang hotel para mamaya. Pero dahil lang sa kailangan ako ni Romary ngayon ay nawala sa isip ko kanina ang plano ko para mamaya kay Nicka." pag-amin niyang pahayag sa kaibigan.
"Hindi ako aabot sa graduation niya, pare. Kaya nga ako nagmamadaling mag drive dahil gusto kong umabot pa rin sana kahit man lang sa surprise dinner date na ipinahanda ko para sa kanya mamaya." dugtong pa niyang saad.
"O ngayon nalilito ka na kung si Nicka na ba talaga o si Romary pa rin?!" seryosong komentong tanong ni Marvin sa kanya dahil naguguluhan ang kaibigan niya ngayon sa pagbabalik ni Romary at iyon ang nakikita ni Marvin sa ikinikilos ng kanyang kaibigan.
Hindi nakasagot agad si Arnel sa itinanong ni Marvin sa kanya. Dahil tama ang kaibigan niya na isang tawag lang ni Romary ay nataranta na siya agad at nakaramdam ng sobrang pag aalala para sa asawa.
"Hindi ka sumagot? saka mo na ako sagutin kapag nagkaharap na kayo mamaya ng asawa mo." ani pang saad ni Arnel.
"Pero pare, hindi ka ba nagtataka, na ikaw ang pinatawagan ni Romary sa pulis na nakausap nila? Galit siya sayo di ba? pero bakit ikaw ang naisipan niyang patawagan, gayong pwede naman ang mommy niya o ang manager niya?" komentong ani pa ni Marvin sa biglaang pag contact ni Romary kay Arnel.
"Naisip ko rin yan pare kanina, bago pa kita nasundo sa site. Ang totoo ay nagtataka nga rin ako, kung bakit ako. Isa pang ikinapagtataka ko ay muli niya akong tinawag na babe kaninang kausap ko siya sa telepono habang umiiyak siya. Para bang nagbalik ang dating Romary na kilala ko."
Matyagang naghintay sina Romary Gail sa labas ng headquarters. Maglilimang oras na rin silang naghihintay ay wala pa ring dumarating para sunduin sila roon.
"Iha, sigurado ka ba na may susundo sa atin dito? kanina pa tayo naghihintay." aning tanong ni Lolo Lando.
"Lo, parating na po siguro si Arnel. Medyo malayo rin po kase ang maynila at ilang oras po talaga ang byahe patungo rito. Susunduin po tayo ng asawa ko, kilala ko po yun eh! kapag sinabi n'ya pong pupuntahan niya ko rito ay siguradong darating siya." confident na saad ni Romary sa matanda.
"Papagabi na Romary, baka pwedeng patawagan mo uli sa pulis ang asawa mo, para malaman nating kung pumunta nga siya." suhestiyon ni Hilda na ikinatango niya sa babae.
"Okay sige, dito na lang kayo ni Nene at kami na lang ni Lolo Lando ang papasok at lalapit kay SP01." aniya sa babae.
Nakaunan kase ang ulo ni Nene sa mga hita ni Hilda, nakatulog na ang bata sa kakahintay nila. Habang si Lolo Lando ay pinapaypayan ang apong natutulog dahil medyo mainit rin sa pwesto nila at malamok, dahil nasa labas lang sila ng presinto, sa may waiting area na nakaupo at naghihintay roon.
Nabigyan naman sila ng pagkain at tubig ng mga pulis kanina kaya naibsan na rin ang gutom nila. May baon na nilagang saba at kamote sina Hilda kanina na pinalitan ng mga pulis ng maayos na pagkain na binili sa malapit na karinderya.
Dahan dahan na inihahakbang na ni Romary ang kanyang mga paa na gamit din ang isang kamay niya na nakahawak sa may railings na bakal at inaalalayan naman siya ng matandang lalaki sa paglalakad niya papasok sa loob ng headquarters, upang lapitan at kausapin ang pulis na nag assist sa kanila kanina ng mamataan ni Romary ang pumaparadang sasakyan sa tapat ng headquarters.
Napahinto si Romary at hinintay ang paglabas ng tao sa loob ng sasakyan na iyon. Malakas ang hinala niyang ang asawa na niya ang dumating. Ang taong nasa loob ng sasakyan.
Bumukas ang pinto ng driver seat at nakita ni Romary ang papalabas na bulto ng isang lalaki.
Si Marvin Almeda ang bestfriend ng asawa niya.
Kumaway si Romary kay Marvin na nakita rin naman agad siya nito. Papalapit sa kanya si Marvin pero nakatutok pa rin ang paningin niya sa sasakyan at umaasa na lalabas roon ang asawa niyang si Arnel.
"Hinihintay mo ba si Arnel, Romary?" seryosong tanong ni Marvin na sa mata ng asawa ng kaibigan niya nakatingin.
Tipid na ngumiti si Romary sa lalaki. "Bakit ikaw ang narito, Nasaan ang asawa ko?" nagtatakang tanong ni Romary.
"Hindi siya makakarating dahil may mga importante pa siyang bagay na gagawin, kaya ako na lamang ang napakiusapan niyang puntahan ka rito?" pahayag ni Marvin sa kanya.
"What happened to you, Romary?" muling tanong ni Marvin ng punahin na niya ang ayos ni Romary, na malayo sa dating sopistikadang babaeng nakilala niya. Maganda pa rin naman ito ngunit sadyang malayo nga lang sa nakasanayan niyang ayos talaga ni Romary.
"Pasensiya na sa istorbo, Marvin. Thank you na rin dahil dumating ka? Pwede bang umalis na tayo rito at ihatid mo na kami sa bahay? medyo nahihirapan na kase kami, kanina pa kaming tanghali narito." malungkot na saad ni Romary dahil parang kinurot ang puso niya sa isiping mas inuna pa ni Arnel ang trabaho nito kaysa sa kanya.
"Sandali lang, nais ko lang muna makausap ang pulis na tumawag kay Arnel." aning turan ni Marvin.
Napatango ng ulo si Romary, naiintindihan niya naman kung bakit gusto pang kausapin ng lalaki ang pulis.
"Tay, ako na po ang aalalay kay Romary. Ako po pala si Marvin kaibigan po ako ng asawa niyang si Arnel." pakilala ni Marvin sa matandang lalaki na napansin niyang kasama ni Romary.
"Lolo Lando, iho. Kami ang nag-aruga sa kanya nung mga panahon na nangailangan siya ng tulong nung wala siyang malay.." pagpapakilala naman ng matanda.
"Yun nga pala ang anak kong si Hilda at ang apo kong si Nene." dugtong pa ng matanda na ikinatango ni Marvin.
"Salamat po sa kabutihang nagawa ninyo kay Romary, Lolo Lando. Mamaya na po tayo magkwentuhan sa loob ng sasakyan. Hintayin n'yo po muna ako rito at may aalamin lang po ako sa loob." pasasalamat pa ni Marvin sa matanda.
"O sya sige, dito na muna kami sa labas, iho." sagot ng matandang nakakaunawa.
Sinulyapan ni Arnel ang mga kasama ni Romary at nakaramdam siya ng awa sa matanda at bata kaya inalalayan niyang makaupo muna si Romary sa upuan na naroon at lumapit kina Hilda kinarga ang apo ni Lolo Lando na ikinagulat nila Hilda.
"Doon na po kayo maghintay sa loob ng sasakyan para hindi kayo mainitan at lamukin ang bata. Sumunod po kayo sa akin." turan ni Marvin na ikinangiti ni Hilda.
Pagkapasok ng mag ama sa loob ng kotse na ikinasunod nila kay Marvin na bitbit ang mga bag nilang dala ay tinabihan ang batang si Nene na mahimbing pa rin ang tulog sa back seat ay iniwan ni Marvin na naka on ang aircon ng sasakyan.
Nagbilin lang siya sa mag ama bago niya tuluyan iwan ang mga ito sa loob ng sasakyan na wag pakikialaman ang mga bagay na hindi nila dapat galawin at pakialaman.
Binalikan ni Marvin si Romary kung saan ito nakaupo.
"Salamat ulit Marvin. Alam mo, napakalaki ng utang na loob ko sa kanila kaya naman pinilit ko silang sumama sa akin at doon na rin patirahin sa mansyon. Mababait naman sila kaya deserve din nilang matulungan." aning turan ni Romary ng makalapit sa kanya ang kaibigan ng asawa.
"What do you mean, na patitirahin mo din sila sa mansyon?!" naguguluhang tanong ni Marvin.
"Babalik na ako sa piling ng asawa ko. Naisip ko kaseng maiksi lang ang buhay at kailangan namin ni Arnel ang isa't - isa. Kahit na nasasaktan pa rin ako sa pagkamatay ng anak namin." litanya ni Romary na ikinapagtataka ni Marvin sa kanya.
"Hindi ko mapaniwalaan na naririnig ko yan ngayon sayo, Romary."komento ni Marvin na napapailing pa ang ulo
"Marami kang ipapaliwanag sa akin mamaya, Romary." pabulong na wika ni Marvin kay Romary na ikinakunot naman ng noo nito dahil hindi maunawaan ni Romary ang pinagsasabi sa kanya ni Marvin.