"Ate Romary, bakit po ang ganda ninyo at ang puti nyo pa po? akala ko po isa kang diwata ng dagat na napadpad sa may dalampasigan." biglang tanong ni Nene na naagaw nito ang atensyon niya sa pag iisip kung paano siya nakarating sa isla.
"Ow, dahil sa maganda ako at maputi ay diwata na agad ako sa paningin mo. Alam mo ikaw maganda ka rin naman hindi ka nga lang maputi. Kung siguro sa maynila ka titira ay puputi ka rin." magiliw na turan niya sa bata.
"Maynila po? malayo po ba yon?" interesadong tanong ng batang si Nene.
"Nene, dun ka na muna sa labas ha. Baka naiingayan na sayo si Romary, hayaan na muna natin siyang makapagpahinga." pagputol ni Hilda sa kadaldalan ng kanyang anak na ramdam ni Romary na iniiwas lang ni Hilda ang anak nito.
"Pero inay, gusto ko pa pong magtanong kay ate Romary." angal ng batang nasa walong taong gulang pa lamang siguro.
"Sige na Ne, sundin mo na ang utos ko at baka mapalo pa kita dahil sa katigasan ng ulo mo. Doon ka na muna sa labas at maglaro. " may pagbabantang turan ni Hilda sa anak.
Napasulyap si Romary kay Hilda dahil alam niya pa rin ang pakiramdam ng isang ina.
Nagmamaktol naman na lumabas ng silid ang bata kaya napailing si Romary.
"Ilang taon na si Nene, Hilda?" baling niyang tanong sa ina ng bata.
"Walong taon, mag sisiyam sa sunod na buwan. Bakit mo naitanong?"
"May anak rin kase akong babae, pero wala na siya. Limang taon siya ng bawiin siya sa amin ng d'yos." malungkot na saad ni Romary na hindi napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi.
Wala naman masabi sa kanya si Hilda pero hindi siya nito iniwan at hinawakan na lang ang isa niyang kamay.
"Pinag- aaral mo ba si Nene? may paaralan ba dito sa isla?" pagbabago ng usapan ni Romary dahil ayaw niya ng pag usapan si Kyline.
"Wala, hindi siya pumapasok sa iskwelahan. Si Itay at ako lang ang nagtuturo sa kanya ng pagsusulat. Nakapag- aral naman ako hanggang grade 5 nga lang. Nang mamatay kase si inay ay nagpasya si itay na dito na kami manirahan hanggang sa magdalaga ako." pahayag ng ina ni Nene na ikinalungkot ni Romary para sa mag ina.
"Si Nene ay anak ko sa pagkadalaga. Namasukan akong katulong sa maynila ng layasan ko si itay, pero hindi naging maganda ang buhay ko sa maynila nang anakan ako ng anak ng naging amo ko. Buntis ako ng malaman kong ikakasal na siya sa nobya niya, kaya bumalik ako rito sa isla at dito ko na pinalaki si Nene." pagkukwento ni Hilda sa kanya.
"Kaya pala!" aniya
"May iaalok ako sayo Hilda na trabaho sa Maynila kasama ang itay mo at si Nene, sana ay tanggapin mo, para na rin makabawi ako sa inyong mag-anak. Mayaman kami at masisigurado ko sa iyong magiging maayos ang pamumuhay ninyo sa bahay ko. Isipin mo si Nene, Hilda. Wag mong hayaan na lumaking walang alam ang anak mo. Huwag mo siyang ikulong sa islang ito, magiging kaawa-awa lang ang bata, lalaki lang siyang mangmang." alok at suhestiyon niya kay Hilda.
Tahimik lang si Hilda at halatang pinag iisipan ang sinabi niya.
"Gusto mo ipapasok kitang Janitres sa kumpanya ng asawa ko o kung gusto mo kasambahay sa bahay namin at ang itay mo ay gagawin kong hardinero at si Nene ay papag-aralin ko hanggang sa makatapos siya ng college. Magandang oportunidad na ang iniaalok ko sa inyo Hilda at sayang naman kung hindi mo pa tatanggapin para sayo, sa itay mo at lalo na sa anak mo." pamimilit pa ni Romary dahil gusto niya talagang makabawi sa pamilyang kumupkop sa kanyang ng ilang linggo.
"Kakausapin ko si itay, kapag pumayag siya sige sasama kami sayo bukas." sabay ng pagtayo sa kinauupuan at iniwan si Romary.
Napabuntong hininga si Romary at sinubukang igalaw ang kanyang mga paa, ngunit nakadama siya ng takot ng hindi niya maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.
Napatakip ang isa niyang kamay sa kanyang bibig dahil sa takot na nadarama. Takot na baka nalumpo na siya, kaya hindi niya maigalaw ang mga binti niya.
"H-Hilda, Hilda.. Hilda, tulong.." pagtawag ni Romary sa babaeng kausap lang niya kanina.
Umiiyak si Romary ng puntahan siya ni Hilda dahil narinig nito ang pagtawag niya.
"Bakit anong nangyare sayo?!"
"Hilda, hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko? anong nangyare sa akin, Hilda?!" umiiiyak na saad ni Romary.
"Teka at tutulungan kitang makatayo. Baka kase kaya nagkaganyan sa tagal mong nakahiga kaya siguro nanlalambot ang mga buto mo sa binti." wikang ani naman ni Hilda.
"Tay.., itay.. Nene.., tawagin mo ang lolo Lando mo dali." tawag ni Hilda sa ama na hindi ata siya marinig kaya ang anak na lang ang tinawag at inutusan.
"Subukan mong itaas ang pang upo mo at aalayan kitang makatayo. Humawak ka sa balikat ko, at kumapit ka diyan sa kahoy na nasa taas ng ulunan mo para hindi ka mabuwal." utos ni Hilda sa kanya na kahit na nangangamba ay sinunod niya ang pinagagagawa ni Hilda sa kanya.
"1, 2, 3." bilang ni Hilda at sabay ng pagtaas ni Romary ng katawan niya ngunit bigo silang dalawa ni Hilda na maitayo siya nito dahil maliit at payat lang ang pangangatawan ni Hilda.
Naabutan sila ni Lolo Lando na agad namang umalalay sa kanila.
Nakatayo si Romary pero ramdam niya na walang lakas ang mga paa't binti niya para tumayo at lumakad.
Sinadya ni Romary na bumitiw sa mag ama para malaman niya kung talagang nalumpo na siya.
Saglit lang siyang nakatayo ng walang hawak ngunit agad ring bumagsak ang katawan niya na nasalo naman agad ng mag ama.
Humagulhol na ng iyak si Romary dahil sa kanyang kalagayan.
Tahimik naman ang mag ama na nagkakatinginan dahil sa naaawa sila ngayon kay Romary. Lumabas na muna si lolo Lando dahil wala naman siyang magawa para sa nag uumiyak na babae at si Hilda naman ay nanatili sa tabi ni Romary na hinahagod ang likuran ni Romary..
Nakatulog si Romary sa kakaiyak ng tanghaling iyon. Nagising siya pagkalipas ng ilang oras. Nag iisip si Romary ng gagawin niya ng pumasok sa silid si Hilda.
"Gising ka na pala, saglit at ikukuha kita ng kape at saging na saba para malamnan ang sikmura mo at mainitan." ani ni Hilda at muling iniwan siya nito.
Pagbalik ni Hilda ay bitbit na ang isang basong kape at apat na pirasong nilagang saba.
"O eto, kumain ka na muna." wika ni Hilda.
"Hilda, kailangan ko ng tulong. Pakiusap samahan ninyo ako bukas na makarating ng kabayanan ninyo. Pagkarating natin sa bayan ay tatawagan ko ang asawa ko o ang mga kaibigan niya para magpasundo sa kanila. Hindi pwedeng ganito na lang ako, ayokong malumpo ng matagal, Hilda." pakiusap ni Romary sa babae.
Napabuga ng hangin si Hilda at hinawakan ang mga kamay ni Romary. "Sige, sasama na kami sayo ni Nene sa maynila. Ayaw pa rin ni itay na umalis dito sa isla, pero gusto ko pa rin siyang pilitin na sumama sa atin. Mas magiging panatag kase ako kung kasama siya." pagpayag na ni Hilda sa alok ni Romary.
"Ako na ang makikiusap sa itay mo, Hilda. Gagawa ako ng paraan na mapapayag siya. Mamaya ako ang kakausap kay Lolo Lando. Salamat sa pagpayag Hilda, malaking tulong para sa akin ang gagawin mo." aniya sa babae na tinanguan siya.
"Kumain ka na, aayusin ko muna ang mga gamit na dadalhin namin ni Nene. Tawagin mo ko kung may kailangan ka." ani ni Hilda.
"Uhm, Hilda, ano kase pwede mo ba akong alalayan na magtungo sa banyo. Gusto ko rin sana na makapaligo. Pwede ba akong makahiram ng malinis na damit at panloob na rin sana." nahihiyang turan ni Romary dahil hindi siya komportable sa suot niyang bestida. Wala siyang suot na panloob naka short nga sya na maiksi pero wala siyang suot na panty.
"Pasensya ka na ha kung hindi kita sinusuotan ng panloob. Mas madali ka kaseng malilinisan kapag nakaganyan ka lang. Sa loob ng dalawang linggo mahigit ay pinupunasan ko lamang ang katawan mo." pahayag na turan ni Hilda na naintindihan naman niya.
"Nauunawaan ko, mag iinarte pa ba ko, wala naman akong malay n'on. Swerte pa nga ako at inaasikaso mo ako, kung sa iba ako napunta baka hinayaan na lang talaga akong mamaho." pinipilit na maging okay ni Romary kahit na ramdam ni Hilda na hindi pa siya maayos.
"Ah, yung mga suot mo Romary nung nakita ka namin ni Nene sa dalampasigan ay nilabhan ko at itinabi ko naisip ko kaseng magagamit mo pa iyon. Teka at kukunin ko."
"Salamat!" saad ni Romary.
Kinabukasan maaga pa lang nasa pantalan na sina Romary, akay siya ng mag amang Lando at Hilda habang hawak din naman ni Hilda ang anak na si Nene.
Napapayag ni Romary ang matandang lalaki na sumama na sa kanila ng mangako siyang hindi niya pababayaan ang mag anak at sinabi niya rito na para din sa apo nitong si Nenita kaya nahikayat niya rin si Lolo Lando dahil ramdam niya ang pagmamahal ng matanda sa bata.
Nang makapaglayag na sila patungong kabayanan ay umaasa si Romary na magiging maayos na silang mag asawa sa pagbabalik niya.
Alam niya kung gaano siya kamahal ni Arnel at sa ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ng maykapal ay susubukan niyang makapagsimulang muli sila ng asawa kahit na wala na ang anak nila na si Kyline.
Nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa anak nila, pero kailangan niya si Arnel sa kanyang tabi at alam niyang ganoon rin si Arnel sa kanya. Baka nga nahihirapan na ang asawa niya sa kakahanap sa kanya kaya gusto niyang makabalik agad sa piling nito.
"Lolo Lando, malayo pa po ba tayo?" tanong ni Romary sa matanda.
"Excited ka ng makabalik talaga sa inyo. Mga ilang minuto pa ay naroon na tayo sa bayan." sagot ni Lolo Lando.
"Natatandaan mo ba ang numero na tatawagan mo, Romary?" si Hilda naman ang nagtanong sa kanya.
"Ang totoo limot ko na rin, pero pwede tayong magpatulong sa pulisya. Tanda ko ang pangalan ng kumpanya ng asawa ko at madali na lang yun, ako ang bahala." aning sagot niya kay Hilda.
"Okay sige, pero baka gusto mong dumiretso na muna tayo sa clinic o hospital para mapatingnan ang mga binti mo?" suhestiyon ni Hilda sa kanya.
"Sa maynila na, Hilda. Maayos naman ang pakiramdam ko, palagay ko naman sasabihin lang din ng doctor na kailangan ko ng therapy at magagawa ko yun kapag nakabalik na ako sa amin." aniya kay Hilda na tinanguan siya.
Nakarating silang lahat sa aplaya ng walang naging aberya sa byahe nila kanina. Libre ang sakay sa bangka kaya nakaalis sila sa isla, ngunit sa sakayan patungo sa pulisya ay hindi at wala silang pera pangpamasahe kaya napilitan silang maglakad.
Pawis-pawisan silang lahat ng makarating sa pulisya.
"Sir, maganda tanghali po. Nagtungo kami rito sa presinto n'yo para humingi ng tulong." bungad ni Hilda sa mga pulis na nakasalubong nila pagpasok pa lang nila sa loob ng presinto.
"Ano po bang tulong ang kailangan ninyo ma'am? sumunod po kayo sa akin dun tayo sa lamesa ko." turan ng isang pulis kay Hilda.
Napatingin naman ang ibang pulis sa mga kasama ni Hilda.
"Pare, parang kahawig ng babaeng yon yung artista at dati sa commercial sa tv. Titigan mo pare, ang ganda noh kahit walang make up sa mukha." wika ng pulis na nasa tapat nila.
Natawa naman ang kausap nung pulis sa narinig ni Romary na sinabi nung pulis na nakapansin sa kanya.
"Pare, siguro nga kahawig pero malabong siya yung sinasabi mong artista. Tignan mo ang suot niya, baka malayong kamag- anak lang. Tara na nga sa labas." komento ng pulis sa pumansin kay Romary.
"Maupo muna kayo." utos ng lalaking pulis na mag iistema sa kanila sa loob ng headquarters.
"Sir, ito po kaseng kasama namin ay nakita namin ng anak ko nung nakaraan sa may dalampasigan ng isla Buenviaje, kung saan kami naninirahan ng itay ko at ng anak ko na walang malay at sugatan. May dalawang tama po siya ng bala noon sa kanang binti niya at may sugat din siya sa ulo. Ilang araw din siyang walang malay at kahapon lang siya nagising." panimulang pahayag ni Hilda sa pulis.
Napasulyap ang pulis kay Romary na bahagyang napakunot ang noo.
"Kailan pa nangyari ito ma'am?" tanong ng pulis.
"May dalawang linggo na rin po mahigit, sir."
"At ngayon lang ninyo inireport ang pangyayari?"
"Sir, taga isla ho kami, alam ng mga ka isla namin ang tungkol sa kanya, pero wala kaming napagsabihan na iba na hindi ka isla dahil hindi naman kami nalalagi rito sa bayan." mahinahong sagot ni Lolo Lando.
"Ikaw miss, anong natatandaan mo sa mga nangyari sa'yo? bakit ka sugatan ng makita ka nila at paano ka nakarating sa isla Buenviaje.? tanong naman kay Romary.
"Wala po akong natatandaan sa mga nangyari. Hindi ko rin po alam kung paano ako nakarating sa isla nila. Wala po talaga akong matandaan sir kung sino ang gustong pumatay sa akin. Ang huli ko pong natatandaan ay ang pag-alis ko sa bahay namin ng asawa ko bitbit ang mga maleta ko." mahabang litanya ni Romary.
"Paano natin malalaman kung sino ang may gawa niyan sayo, kung wala kang natatandaan sa nangyari sayo?" napapailing na wika ng pulis.
"Tulungan mo na lang kami sir, na mahanap ang pamilya niya." saad ni Hilda.
"Okay, papaano namin mako-contact ang pamilya niya?" aning tanong muli ng pulis.
"Sir, I'm Romary Gail Nepunan Dela Cerna. I am the one who need your help here SP01 Teves. Kailangan kong macontact ang husband ko o ang relatives ko para makabalik na ako sa pamilya ko. Nakalimutan ko ang mga contacts nila kaya kami narito ngayon ay para matulungan ninyo ako." pagsingit na niyang saad sa usapan.
"Misis Dela Cerna, Romary Gail?!, parang pamilyar sa akin ang name mo ma'am." napapaisip pang wika ng pulis.
Napailing si Romary ngunit hindi na niya iyon pinansin pa at humingi na lang siya ng papel at humiram ng ballpen at isinulat niya ang pangalan ng kumpanya ng asawa at pangalan ni Arnel dela Cerna at ipinakita iyon kay SP01 Teves.
"Okay, sandali lang po misis at hahanapin ko ang contact ng company." at nagsimula ng mag search gamit ang computer sa ibabaw ng desk nito.
"Thanks, SP01 Teves." pasasalamat na lang ni Romary.
Nagkatinginan pa sila ni Hilda dahil sa ginawa niyang pakikipag-usap sa pulis. Lumalabas pa rin minsan ang ugali niyang pagkabratinella at aware si Romary na ganun talaga siya noon pa.
"May contact number sila dito, sana ay active pa ito. Subukan kong tawagan. Sigurado ka bang wala kang natatandaan sa nangyari sayo misis?" saad ng pulis na hindi na sinagot pa ni Romary dahil sa pagbilis ng heart beat niya.
Kinakabahan siyang nababahala sa mga oras na iyon. Parang bigla siyang nakaramdam ng kakaibang emosyon hindi niya maintindihan ang sarili.
"Nagriring, active pa." turan ni SP01 Teves na nakatingin kay Romary.
"Yes, hello miss. Dela Cerna's Engineering Companies?" wika ng pulis ng sagutin na ang tawag nito sa kompanya ng mga dela Cerna.
"Pwede mo ba akong iconnect sa secretary ng CEO ninyo na si Mr. Arnel dela Cerna? Im SP01 Nathaniel Teves ng Alaminos, Pangasinan. Pakisabi na narito sa headquarters namin ang asawa niyang si Mrs. Romary Gail Dela Cerna at nais makausap ang CEO ninyo." muling tumingin ang pulis kay Romary na tinango- tanguan naman ng ulo ni Romary.
"Okay, maghihintay ako. Thank you miss." aning pakikipag-usap sa telepono ng pulis sa receptionist ng kompanya nila Arnel.
"Anong sabi sayo sir?" tanong ni Romary na kinakabahan.
"Itatawag muna raw niya sa secretary ni Mr. Dela Cerna, ma'am. Babalikan niya ko after niyang makausap ang sekretarya ng husband mo." pahayag ng pulis sa kanya na ikinatango niya.