Chapter 4

2000 Words
Itália Devonnaire's Pov "Itália." Awtomatik na umikot ang aking mga paa para maharap ko ang tumawag sa 'kin. Hindi katulad kanina, hindi na suot ni Lander ang kaniyang coat. Hindi na rin nakabutones ang unang dalawang buntones ng kaniyanh button down at ang sleeves nito ay nakatupi na hanggang sa kaniyang siko. My eyes rolls on their own. "Go home, Landsteinner, wala ka talagang mapapala sa 'kin." I even shove my hands before I turn back just so he'd get what I've been trying to say since the first time I saw him tonight. Baka nagkaroon na kasi siya ng problema sa pandinig. Hinawakan ko ang handle ng pinto ng sasakyan. Pagkabukas ko non ay nagdire-diretso na 'ko sa loob. Isasara ko na sana 'to nang ikalso ni Lander ang kaniyang braso kaya naman naipit ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Muli kong binuksan ang pinto at hinablot ang braso nitong natamaan para inspeksyunin kung nagkaroon ba nang malaking pinsala. Mabuti na lang at namumula lang 'to. "Masama ang ugali mo pero maalalahanin ka sa taong pinahahalagahan mo. One of the many things I miss about you." Dahil sa sinabi nito ay pabalang kong nabitawan ang kaniyang braso. Lander laughed before he gets inside of my car and closed its door. Wait, he's inside of my car! "Lander p'wede ba? Pagod na 'ko. Gusto ko nang umuwi kaya bumaba ka na, sa ibang araw mo na lang ako g-guluhin." Tuluyan na ngang pumiyok ang aking boses. Nawala ang mapaglarong ngisi sa mga labi ni Lander. He licked his lip then gaze at my driver. I did the same. Mabilis na nag-isa ang aking maayos na kilay nang mapansin na hindi ang driver ko ang nasa driver's seat. "Sir, saan po tayo?" tanong n'ya. Could it be that this is his car and not mine? I look at the interior designs. It looks exactly like mine and this is a white land rover range. Hindi ako p'wedeng magkamali. Sasakyan ko 'to. "Costello Towers." "Hindi roon ang bahay ko!" hiyaw ko kay Lander. "At p'wede ba? Bumaba na kayo ng lalaking 'to." Itinuro ko ang driver na hindi ko naman kilala. "sa kotse ko," habol ko. Sandali akong natameme nang ito naman ang magtaas ng kilay sa 'kin. "Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang tao sa mundo na kayang bumili ng Land Rover  Range. This is my car, Itália not yours but since we're married. This is now a conjugal property. Feel free to call it yours but it's mine too." Kinuha  niya ang hanger na gawa sa kahoy sa may gilid ng kinauupuan nito.  Nang masabit niya na roon ang kaniyang coat ay muli nitong ginawad sa 'kin ang kaniyang atensyon. Tuluyan nang humarurot ang sasakyan paalis ng parking lot. Napatingin ako sa bintana at kay Lander ulit. "Hindi pa tapos ang ipinagagawa kong bahay natin sa Makati at Tagaytay. For the mean time roon muna tayo titira sa unit ko sa Costello Tower sa BGC," he said it casually. Gustong-gusto kong alisin ang isa sa pares ng thigh-length na boots kong suot at himpas 'yon sa kaniyang ulo. Kung bakit ba kasi naging kasalanan ang pagpatay? Naka-child lock na ang pinto at kahit naman hindi, hindi ako magpapaka-wonder woman na tatalon palabas nang umaandar na kotse. Venting out all of my frustration and anger that is filling me to the brim every minute. I find my throat hurting soon. Napahawak ako sa 'king lalamunan nang mahirapan na 'ko sa paglunok dahil sa pananakit non. Lander opened his eyes. A taunting smile lights up on his lips before he hide it under his poker face. Hopeless and tired. I rested myself on the leather seat of the SUV. Bakit ba ako nag-aaksaya ng lakas ngayon, p'wede naman na magtaxi ako pabalik sa condo unit ko sa Quezon City pagdating namin sa Costello Towers. "Hon." Nanatili akong imik kahit na pang-limang beses niya na ata akong tinawag gamit ang dati naming endearment. "Itália." Tawag niyang muli sa 'kin. Tinakpan ko ang aking tainga saka ibinaling ang katawan sa opposite niyang direksyon. "I forgot to tell you. I sold your unit in Quezon City. Bukas na lilipat doon ang bagong may-ari." Parang papel na bumagsak ang aking kamay sa upuan dahil sa narinig. Magpapanic na sana ako ngunit nang maalala ko na impossible niya 'yong magawa ay napayapa na rin ako. Paano niya 'yon maibebenta e wala naman siyang karapatan sa property ko. "This is my car, Itália not yours but since we're married. This is now a conjugal property. Feel free to call it yours but it's mine too." His voice and those words plays in my head for a moment until I realize something. Conjugal property. Hindi ko maalalang pumirma ako sa marriage contract namin kaya naman mas lalong hindi ko maalala ngayon kung mayroon ba kaming prenuptial agreement. Ang mga property ko, conjugal na rin ba 'yon? Nang sumabog na ako sa galit ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong pagsasampalin 'to at hampasin sa kaniyang dibdib. Nakakainis lang na kahit nananakit na ang mga palad ko kakasampal at hampas ko sa kaniya ay parang balewala lang 'yon. "You can't do that to me! How dare you, Lander. Tangina ka." I grabbed the colar of his button down. "Tell me who bought my unit? Ibabalik ko ang pera niya. I want my unit back. That's the first property I acquired because of my hardwork. How dare you do this to me." Nang hindi ko na makayanan pa ang halo-halong emosyong nararamdaman ko ay napatakip na lang ako sa 'king mukha para itago mula sa kaniya ang aking pagluha. I felt his hand caressing the small of my back. Pilit ko 'yong tinabig. "I'm sorry. Baby, I didn't. Hindi ko binenta ang unit mo. All of your property is still yours. Iyong sa 'kin lang ang naka-conjugal." Nabunutan man ng tinik sa dibdib dahil sa 'king narinig ay hindi ko pa rin nagawang alisin ang palad ko sa 'king mukha. "I'm sorry, please?" ulit niya pero hindi pa rin ako magsalita. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago siya tuluyang nanahimik. "Good evening, Mr. Rockefeller," bati ng receptionist sa lobby ng Costello Towers nang mapadaan kami roon. To: Willow Anne Sa Costello Towers sa BGC niyo ako sunduin bukas. Dalhin mo rin 'yong rust colored skirt suit ko, white turtle neck top, gray colored ankle boots and my favorite dolce and gabbana shoulder bag. Nang maisend ko 'yon sa kaniya ay napatingin ako sa 'king magkabilang balikat matapos akong makaramdam ng tela at kaonting bigat doon. Nilingon ko si Lander na nauna nang pumasok sa elevator at namulsa. "I don't want your coat---," "Pinagtitinginan nila 'yong mantsa sa damit mo," sansala niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Magsasalita na sana ako ulit nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone na hawak ko. It's Willow Anne's reply From: Willow Anne Noted, Ms. Itália, nasa condo unit niyo po ako ngayon. Iniempake ang mga gamit na dadalhin para sa working trip niyo nina Ms. Eres sa Europe next week. Papatayin ko na sana ang phone ko nang pumasok na naman ang panibagong text message galing kay Willow Anne. From: Willow Anne Bati na po ba kayo ni Sir. Lander, Ms. Itália? Stay strong po sa inyo. Sana all binabalikan. Sana all mahal pa rin. Why did I hire her again? Should I fire her too? The elevator opened. Naunang lumabas si Lander at tahimik lang akong sumunod sa kaniya. "I'll ask for another keycard from the management tomorrow so you'll have yours." I flip my hair and walked passed through him as he opens his unit, revealing a jaw-dropping interior design that is screaming masculinity. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Lander sa nakalipas na tatlong taon pero mukhang nakabawi na s'ya sa pagkalugi ng LR Aviation. His house, he himself looks lavish and luxurious again. Actually, he looks richer than before. If I'll use two words to describe his unit's living room, it'll be dark and cosy. The dark walls, bold graphic prints and a pale mustard sofa creates a cosy seating area in this living space. This is not my style for I usually want to be in a place that has pops of different pastel color but this part of his house looks so relaxing I don't mind spending my free time here if I ever find one. Habang nililibot ng aking mata ang sala ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang isang portrait. It's a linear drawing of a woman. I assumed that it's a woman because of it's curves and long hair but the drawing is faceless. "Did you made that?" Tiningnan ni Lander kung saan nakaturo ang aking kamay. Aside from the fact that he's a mechanical engineer, ceo... he's an artist too. "Yes, pero hindi pa 'yan tapos. Hindi ko matapos-tapos. Hindi ko alam kung bakit," aniya. Sandali siyang nawala sa paningin at pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ito bitbit ang isang set ng pajama na pambababe. He handed it to me. "Nasaan 'yong cr?" "Walk passed stairs, turned left, the second door, color white." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa set ng pajama na binigay niya sa 'kin. Bigla na lang kasi akong na-conscious. Bigla ko lang naisip. Paano kaya siya nakabawi? If I remember it right, nang magkita kami sa Westero cruise ship, he's already on good terms with his Dad. Baka tinanggap niya na ang tulong ni Doñ. Harry. "Itália." I pivet and give him a soft look. "Nevermind." He heaves a sighed. "Bakit?" he shook his head. Ito na naman kami. He knows how much I get paranoid whenever someone acts as if they have something to tell but choose not to say it in the end. Ta's gaganiyan niya ako? Kung ihampas ko kaya sa kaniya ngayon ang mga portrait na nakasabit sa dingding nitong sala? "Lander?" pinanlakihan ko pa 'to ng mata. "I was just wondering, are you not gonna consider what the protestor said earlier?" Napaisip ako saglit. Iyong pagdedemand ba nila ng diversity ang sinasabi niya? "They're not our target market, Lander. Why do we have to adjust to them? They're just insecure. Their insecurities are pushing them to do hideous things like barking at the wrong tree. Hindi ko naman kasalanan kung suki sila ng unli rice sa Mang Inasal o kung sinusulit talaga nila ang mga binabayad nila sa mga buffet at eat all you can restos kaya sila tumaba ng gano'n---," "Itália," he uttered my name with his deep-panned and warning voice. "Stop talking like that. I don't wanna hear you scorning them just because they have their physical flaws. You need to understand that not everyone in this world is born with gorgeous face and beautiful body like yours." Napahawak ako sa 'king dibdib. Teka lang, so kasalanan ko ngayon na may mga taong punong-puno ng insecurity kasi pangit sila at mataba tapos ako hindi? Kung kasalanan ang maging maganda at sexy, okay, fine. Ready na akong masundo ni Lucifer. "Excuse me. Do you think we, Eres, Aniá and all the beautiful women I know gain their body and beautiful faces while doing nothing? Lander, hindi. We're working for it. We're spending hours in gym to stay fit. Kahit pagod at lata na kami tyinatyaga pa rin namin ang ten steps skincare routine namin. Why are yoy making it sounds like someone else's insecurity is our fault?!" "Of course not. I didn't mean it that way, Hon. What I'm trying to say is, maybe you and Bella Donna should try to accommodate women in different sizes. Make them feel beautiful too. Make them like their part of your circle. Make them love their flaws---," "Ba't hindi kaya ikaw ang gumawa non? Hindi ba't ikaw ang nakaisip? Isa pa, may mga brand naman na sila ang market, edi doon sila. People should learn where they places are. Kaya nagmumukhang tanga ang karamihan kasi pinipilit nila ang sarili nila sa mga lugar na hindi para sa kanila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD