Chapter 6

1933 Words
Itália Devonaire's Pov "Touch down, Itália!" hiyaw ni Willow Anne sa tapat ng video camera na nakahanda talaga para kumuha ng mga footage para sa working trip na 'to. Hindi pa 'to nakuntento sa ginawa niya at sinabihan niya pa ang photographer na kasama naming kuhaan daw siya ng jumpshot. Nang mapansin na napapatingin na sa 'min ang ibang tao ay napangiwi na lang ang aking labi dahil sa kahihiyang nararamdaman ko para sa mga ginagawa nito. "Willow Anne!" I said it like a curse. I signaled the videographer to turn away the videocam that he did speedily. Bago 'to lumapit sa 'kin ay inayos niya muna ang kaniyang scarf. "Hindi mo ba kayang kumalma?" A sheepish smile sparks in her small lips. She shook her head, making me glare at her. Nag-peace sign lang 'to sa 'kin. "Ms. Itália, this is Italy, nakatapak ang mga paa natin sa isa sa pinakamakasaysayang bansa sa buong mundo. Paano ako kakalma?" With a faint smile. "Hindi ko alam, Willow Anne. All I know is if you didn't stop your embarrassing antics, I'll sent you back in your motherlands," I hissed. Itinaas nito ang kaniyang kamay at nilapit yan sa bibig para umaktong isinasara niya 'yon gamit ang isang imaginary na zipper. Wish ko lang na may zipper talaga ang bibig niya. "Iyan na 'yung sundo natin," saad ni Aniá habang nakaturo sa paparating na kulay itim na mercedes benz. Ilang saglit pa matapos huminto ng sasakyan sa tapat namin ay lumabas doon ang isang Romanian. He proceeds on introducing himself to Eres, Aniá, Australia and Willow Anne while I stay at their back. I'm not interested all that matters to me is his efficiency. Agad kong tinakpan ang aking bibig nang humikab ako. Ang butil ng luha na namuo sa gilid ng aking mata ay pinunasan ko rin saka ko mas ibinalot ang sarili sa trench coat na suot. "Ms. Itália, namumutla ka." Biglang puna ni Willow Anne. Kasalukuyan na kaming nasa biyahe papunta sa hotel na tutuluyan namin sa Positano. Eres leans closer to me too. Hindi na ko nakapalag pa nang bigla na lang dinampi ni Eres ang likod ng kaniyang palad sa 'king noo at ginawa rin ang parehong bagay sa kaniyang sarili. "May sinat ka, Ate. Magpahinga ka na lang muna sa hotel room pagdating natin doon. Kami na muna ang bahala sa photoshoot." I shook my head. There's no way I let my minions work for photoshoot without supervision. "Kaya ko, Eres. Mamayang 5 pm pa naman 'yung naka-schedule na photoshoot ngayong araw. Ala-una pa lang. This is just a mild fever, I'm Itália Devonaire Del Prado, there's nothing I can't handle." Nang makita kong ibubuka na naman nila ang mga bibig nila para sabihin ang kani-kaniya nilang opinyon ay ibinaba ko na agad sa 'king mata ang sunglasses na suot ko at umaktong matutulog na. "We're here," Espánia utters to break the long silence inside of this car. Iminulat ko na ang aking mata. Staring at the champagne like red walls and the white details of its exterior design, I couldn't hide my smile despite the fact that I feel really unwell. Pasitano is my favourite place in Italy. Kung mayroon akong lugar na pupuntahan para takasan ang problema ko, ito 'yon. This place bites deep. It is a dream place that isn't quite real when you are here and becomes beckoningly real after you have gone. "Ms. Itália, gusto mo bang magpatawag ako ng Doctor? Ang putla niyo po kasi talaga tapos mukhang magko-collapse na lang kayo basta-basta---," "Ka-oa mo jud. Dili man ako natuwa sa 'yo. Sabi na ngang ayos lang ako. This is just a plain mild fever and if you really are worried of me. Leave me alone and let me rest!" hindi ko na napigilan pang mapagtaasan ito ng boses. Willow Anne shuts her mouth, finally. Nakatungo siyang lumapit sa pinto ng suite na tutuluyan ko. Nang mabuksan 'yon ay maingat niyang ipinasok ang dalawa kong maleta. Slowly, with my eyes ready to look around the every corner of this room, I stepped inside. The Deluxe Superior Sea View Suite of Le Sirenuse features whitewashed walls that is decorated by some antiques and hanging artworks. Bringing your eyes from the wall to the ceiling, you'll get to feast at the sight of  traditional vaulted ceilings  and handmade Amalfi Coast tiles on the floor. Willow Anne cleared her throat, making me look at her. She showed me the suite's keycard which she placed on the table near my queen sized bed. "Iiwan ko na po kayo rito para makapagpahinga po kayo," aniya. She turned her back and walk straight to the door. My eyebrow furrowed I saw her sighed and turn around again. May kung anong box itong kinuha sa loob ng kaniyang bag. Ipinatong niya 'yon sa ibabaw ng coffee table bago s'ya tuluyang lumabas. Curious. I put my shoulder bag on bed and walk near the table to check what is it. It's a medicine box. Bawat compartment nito ay may label ng gamot na nasa loob non. Isa-isa kong binuksan ang compartment ng maliit na box. Iba't ibang klase ng gamot ang laman non. May tablet at capsule para sa iba't ibang klaseng sakit.  Malalim akong napabuntong hininga. Maingat kong isinarado ang huling compartment bago 'yon tuluyang ibinalik sa ibabaw ng coffee table. One by one, I strip my clothes and before I reach the bathroom. I'm already naked. Akala ko kapag ibinabad ko ang sarili sa warm bath ay bubuti na kahit papaano ang pakiramdam ko ngunit hindi naman 'yon nangyari. Ang bigat at sama pa rin ng timpla ng katawan ko. Bukod pa roon, nagsimula na ring manakit ang aking ulo at nahihilo na rin ako. Nang makalabas sa bathroom, hindi na 'ko nag-abala pang magbihis. Dumiretso na lang ako sa 'king kama at nahiga na sana hindi ko na lang ginawa dahil ilang segundo nang mailapat ko ang aking likod sa kama ay parang bumaliktad ang aking sikmura. I run my way to the bathroom faster than a bullet to vomit. At dahil walang laman ang aking t'yan, mas masakit at mahirap para sa 'kin ang sumuka dahil wala namang mailalabas ang aking katawan maliban sa tubig at kape na ininom ko sa ereplano. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang gripo sa lababo at nagmumog. Dahil sa nangyari ay mas lalo pang nanlata ang aking katawan. Kung hindi lang ako maarte baka gumapang na lang ako mula sa cr pabalik sa kama pero s'yempre, hindi ko 'yon gagawin. Makalipas ang halos dalawang minuto. Nakabalik na rin ako sa kama. Kahit na halos hindi ko na magamit ang aking kamay dahil sa panghihina non ay pinilit ko pa ring kunin ang cellphone sa loob ng aking bag para matawagan ko si Gresya. I think I now need a Doctor to check on me. "Ate?" bungad ni Eres sa malambing niyang boses. I breathe in deeply. My body feels really bad. Willow Anne is right, I feel like I will collpse any moment now. "H-Help. Bring a Doctor in my---," I didn't get to finish my sentence. My sight turns blurry. I closed my eyes hoping that I'd get to have my clear eyesight back but it didn't happen. Everything is still blurry. "Ate!" sigaw ni Eres bago ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig at pagsarado ng talukap ng aking mga mata. "Make her drink this when she wakes up. She needs to be hydrated all the time then make her eat something, soup will do." Bumungad 'yon sa 'king pandinig nang bumalik na ang aking ulirat. Hindi agad ako nagmulat ng mata. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Nang mawala na ang ingay matapos kong marinig ang pagbukas at sara ng pinto ay saka ko idinilat ang aking mata. "Ms. Itália!" Willow Anne stood up from the chair step away from my bed. Isinangkal ko ang aking kamay sa higaan saka iniangat nang bahagya ang sarili para makaupo. "Anong oras na?" binalingan ko ang cellphone na nasa side table. It's quarter to five. s**t, the photoshoot! I still feel bad and sore but the photoshoot is more important. I was about to rise when Willow Anne flashes the same look in her eyes that I always give to her everytime she irritates me. "Nandoon na sina Ms. Eres, Aniá at Australi sa set. Kaya na po nila 'yon. Magagawa nila 'yon nang tama kaya magpahinga na lang kayo, Ms. Itália. Oo nga't may kasabihan na matagal mamatay ang masamang damo na katulad niyo pero wala namang kasabihang nagsasabi na bawal magkasakit ang masamang---," she bite her tongue and scrape her nape as she sees my dagger looks. Ipinakita nito sa 'kin ang dalawang banig ng gamot. "Sabi ng Doctor nitong hotel inumin niyo raw po 'to. May mild flu kayo pero bago 'yon pakainin ko raw muna kayo ng soup---" Willow Anne look at my phone as it rings. I turn at it and saw a not so familiar number. "S-Si Sir. Lander po 'yan. Kanina kasi noong nawalan kayo ng malay nagpanic kaming lahat lalo na 'ko. Kaya po tinawagan ko si Lander gamit yung phone niyo." The ringing of my phone ended. Mas lalo pang umangat ang sulok ng kilay ko na parati namang nakataas. "At sinong nagsabi sa 'yo na gawin mo 'yon?" once again, my phone started to ring and this time, his saved number on my phone register's in the screen as the caller's id. "Nagpanic nga po ako. Siyempre asawa niyo 'yon ta's akala ko po kasi buntis kayo kaya---," "Ano?" "Akala ko po buntis kayo..." I gasped and shook my head. I cannot believe this. Inulit niya pa talaga. Lord, why do you have to bless this world with an incredible amount of people who doesn't know what's the real purpose of that thing in their head called brain? "Paano naman ako mabubuntis Willow Anne? Bakit, nakakabuntis na ba ngayon ang victoria secret underwear?" Ngumuso 'to. Muling natapos ang pagtawag ni Lander nang hindi ko 'yon nasasagot. "Siyempre po hindi pero si Sir Lander nakakabuntis 'yon. Hindi po ba kayo nag-uhm kagabi?" wala sa sariling nahablot ko ang unan sa 'king gilid at naibato 'yon sa kaniya. This woman is driving my sanity away. "No, we didn't and even if we did it there's no way I'll get to have the symptoms of pregnancy the following day. Get out, kung mayroong papatay sa 'kin ikaw 'yon at hindi 'tong trangkaso ko!" Frustrated na naihilamos ko ang aking palad. For the third time, my phone rings. Napahugot na lang ako nang malalim na hininga sa 'king baga bago ko kinuha ang cellphone sa lamesa at sinagot ang tawag niya.  "Willow Anne, why weren't you answering my f*****g calls?! I'm dead worry of her. How's my wife?" sunod-sunod na anas ni Lander mula sa kabilang linya. Bago ko sagutin ang tawag niya, akala ko maiirita lang ako lalo kapag narinig ko ang boses niya pero hindi 'yon nangyari. Actually, I feel relief and relax hearing him. I wonder why. "Lander," I whispered. "It's me."  "Baby, I'm on the airport right now. I'll board in thirty minutes. Tomorrow when you wake up, I'll be there." Napaayos ako nang upo dahil sa narinig.  "Ha? Hindi na kailangan. Hindi kita kailangan dito. Iinom lang ako ng gamot tapos magiging okay na 'ko." "You don't like taking medicines," he said it so serious. Three years have passed, still, he knows me well. Tama siya ayoko pa ring umiinom ng gamot. "Hindi ba't may ginagawa kang importante r'yan? Just stay there. I'll update you about my well-being." I heard him sighed. It's contagious that I find myself doing the same thing. "I don't want your updates. I wanna take care of you. I will be there you can't stop me---," "Paano 'yung ginagawa mo r'yan? Hindi ba't importante nga 'yon?" "Mas importante ka, parati... higit sa ano man o kanino man, mas importante ka, Itália."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD