Chapter 19

1635 Words
Raf Pov "Camille, can I talk to my mom?" tumingin ako sa kanya. Tinanguan din naman niya ako. "Mom..." aya ko kay mommy. "W-wait son. Can't we talk later?" pero hinila ko pa rin siya. Dinala ko ito sa sala kung saan nakaupo din ai Dad. "Son, is there any problem?" Tanong ni mom. "What's going on Ismael?" tanong naman ni Dad. "She has amnesia..." nalaglag ang panga ni Mommy. Hindi naman kumibo ang aking ama. "She doesn't remember you?" tumango ako. "Why? What happened?" tanong pa ni Mommy. "Her mom said, when she saved me, naiangat niya ako pero hindi siya nakaahon. They saved her but she almost lost her life. Hindi din nila alam kung paano siya nagkasugat sa ulo na siyang dahilan kung bakit wala siyang maalala. She stayed in the hospital, they tried everything they could para makaalala siya. Until she found out that her father cheated her mom na lalong nagpalala sa kaniyang sitwasyon. The doctors said, it's on her own will kung magagamot pa ba siya." paliwanag ko. Maluha-luha naman ang mommy. "Mom when I first met her, napakatahimik niyang bata. But when I met her this time she is totally different. They told me that she is the bread winner of their family. She suffered a lot. She has a child, but because of poverty she left him to her bestfriend. She got married last year but she didn't received the love she deserve. That's why I take her with me. I want to help her. Susuportahan niyo ba ako mom? Dad?" tumango ang mga ito. "Don't worry ipapaalala natin sa kanya kung gaano kaganda ang buhay. Tutulungan natin siyang maalala ang mga bagay na nakalimutan niya. Na may tao siyang nailigtas. Na may taong minahal na siya kahit noong bata pa." nagulat ako sa sinabi ni dad. Na ikinatawa din ni mom. "Dad, stop teasing me." natatawa nalanh ang mga ito. Napalingon ako sa nakasaradong pinto. Camille, I promised you, I will always stay by your side. I will help you recover. "I know you son, I am a man too." tinapik nito ang balikat ko. "I don't want to ask anything from her in return dad. Helping her is my priority. She save me before, I will save her now. It's my turn to return the favor." "Let us see son, don't tell me that reason. I know you as I told you. And no matter what your decision is, we will support you." "Thanks dad." "Thanks mom." "Oh siya akyatin mo na ang mamanugangin namin. Sabihin mo na kakain na tayo. Ang mga maids na ang aayos ng gamit niya." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. "Mom it's not funny." pero iniwan na nila akong dalawa na magkaholding hands. How I wish ganyan din kami ng mapapangasawa ko. Inakyat ko na din si Camille sa kwartong inilaan ni mommy para sa kanya. I was going to open the door nong nakarinig ako ng hikbi. Is she crying? Kumuyom ang kamao ko. The last thing I want to see in this life time is to see a woman crying. I knock the door. "Sandali..." sabi niya napatitig ako sa mga mata niya. "Why are you crying?" nag-iwas siya ng tingin. "Napuwing lang ako." sagot niya. "Show me your eyes." alam ko namang umiyak siya pero nagkunwari nalang akong walang alam. "Hindi na, okay na ako. Bakit ka nga pala nandito?" Natawa ako sa tanong niya. "Of course I am here because this is my house. Kakain na tayo. Ipaubaya mo nalang sa maid yang mga gamit mo." naramdaman ko namang napahiya siya. "Silly, I am here just to call you." inulit ko nalang. Sinagi ko ang tungki ng ilong niya na ikinapula niya. Is she blushing, gosh, she's cute... Ipinilig ko ang aking ulo. "Let's go." Walang imik itong sumunod sa akin na parang may malalim na iniisip. Habang kami ay kumakain, palihim ko naman itong pinagmamasdan. Hindi ito kumikibo na katulad ng dati. Kapag inaalok siya ni mommy ng pagkain ay tinatanggap naman niya pero mapapansin pa din sa kanya ang pagkailang. "Camille hindi mo ba kami naalala?" biglang tanong ni mommy. "Sweetheart let her finish her food." saway naman ni dad. Naramdaman kong sinipa niya ito sa lamesa. "Po? Ngayon ko lang po kayo nakilala." sagot naman nito. "Kasi bata ka palang noong una kang nakita ng anak ko." Wala ba talagang preno ang bunganga nito? Inirapan na naman siya ni Daddy saka sinipa ulit ang kaniyany paa. "Don't kick me, I am just asking. If she forgot Raf, let us remind her how she save our son sweetheart." Napakamot nalang ako sa aking ulo. "Po?" "Ako po?" "Niligtas ko si Raf?" "Kelan po?" "Kain ka muna Camille." "Mom, slowly please..." sumusuko namang nagpatuloy na ito sa pagkain. Wala na ding umimik hanggang sa matapos kami. Paupo na sana ako sa tabi ng dalaga nong nagsalita si mom. "Camille nagtanan ba kayo ng anak ko." imbes na sa sofa ako maupo ay napadausdos ako. "Mom what are you talking about?" "P-po? Ah, eh, hindi po." mabilis namang sagot ng isa. "Sweetheart hayaan mo muna ang mga bata. They are tired." saway ni dad. "Sweetheart kung nagtanan sila dapat na silang magpakasal." napatakbo ako sa upuan ni mom at walang sabi-sabing tinakpan ko ang bunganga nito. "Mom, can you please shut your mouth please." "Sorry Camille." namumula ang pisngi nito sa hindi malamang dahilan. "Okay sorry, but Raf make it fast okay. We want to see your kids." napahawak nalang ako sa noo ko. "Okay mom, gagawa ako ng maraming apo niyo. But mom this is not the right time to talk about that okay. Maghahanap pa ako ng babaeng magiging ina ng mga anak ko." "Sweetheart, let's go. Di ba magkikita pa kayo ng nga kaibigan mo?" Hinila na ito ni Dad. Hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi nito. "Camille, I'm sorry." tumango lang ito. Pero may nakita akong ngiti sa kaniyang mga mata kaya napangiti na din ako. "She is just excited. Alam mo na only child lang ako kaya sabik na sabik sa bata." "Hindi nga halata. Dapat pala isinama natin si Hash." bigla naman itong nalungkot pagkaalala sa kaniyang anak. "Hayaan mo isasama natin siya sa susunod." ------------ Mabilis na dumaan ang mga araw, buwan at taon. Magtatapos na din si Camille sa kursong Bachelor of Fine Arts. Siya ang kinuha kong sekretarya nong nagresign ang dati kong secretary. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Alam na din niya kung ano ang connection namin sa isa't-isa. And bumalik na din sa alaala niya ang mga pangyayari noong bata pa ito. May sarili na din siyang condo. Mas pinili nitong magsarili provided naman ito ng kumpanya kaya hindi siya mahihirapan. Malaki na ang ipinagbago niya. From boyish to a lovely lady. Dati napakamahiyain niya ngayon nahanap na niya ang confidence sa sarili niya. I am already 32, and she is 30. Matanda na kung tutuusin, Umuuwi pa din naman kami sa pinas para mabisita ang kaniyang anak at pamilya. Nadadala din naman niya dito sa US ang bata paminsan-minsan. Since the day she left our country, never na nagkrus ang landas nila ng dati niyang asawa. Ayaw ko din namang mangyari ito kaya updated ako sa bawat takbo ng buhay nito. Inaalam ko kung kelan dapat ito umuwi para maiwasan ang pagkikita nila. I know she still love him. And ayaw ko mang aminin pero nahulog na din ang loob ko sa kaniya. "Camille, sabay na tayong magdinner mamaya. Let's have a date." Kinindatan ako nito. "Naku Ismael, wag mo akong maganyan-ganyan. Baka hindi ka makapag-asawa niyan." umismid ako. "Misis Tan, baka nakakalimutan mo wala sa bokabularyo ko yun kung hindi rin lang ikaw ang mapapangasawa ko." Bulong ko sa dulo. "Ano? May sinasabi ka ba? At sino yung si misis Tan ah Ismael?" napangiwi ako. Kapag ibang tao ang tumatawag sa akin ng second name ko napapangitan ako pero kung siya parang gusto kong ulit-ulitin niya. "Wala, I will pick you up around seven okay." hinalikan ko na ito sa noo. "Okay po boss." napangiti ako. Pagsapit ng 6:30 inayos ko na din ang sarili ko. Nasa iisang building lang naman ang condo namin kaya di ko na kailangang maglaan ng oras para bumyahe. "Camille, open the door." tinawagan ko ito. "I'm coming." Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nalaglag ang panga ko sa bumungad sa aking tanawin. "Wow, you're gorgeous and sexy." parang wala sa sarili kong sambit. "Bola, parang di mo naman ako nakikitang nakaganito." parang wala lang namang sagot niya. "Did you dress just for me?" nakangiti kong tanong. Inabot ko ang kamay niya. Kumapit naman ito sa siko ko. "Hindi ba bagay?" tanong niya. "Bagay na bagay. Kailangan kitang bantayan baka masalisihan ako." Pabiro kong saad. "Para namang may makakalapit sa aking iba eh binakuran mo na nga." ganting biro naman niya. "Magpapabakod ka din ba?" balik ko din. "Bakit hindi pa ba?" napatigil ako. Dito ba talaga sa hallway? "Y-you mean???" hindi ako makapaniwalang sambit. Tumango ito. "Hindi ka napipilitan?" tanong ko ulit. "Ayaw mo ba?" tanong niya. "No, I mean gustong-gusto ko... Thanks God. I can now call you mine." niyakap ko ito. "Thank you sweetie." sa sobrang tuwa ko ay binuhat ko ito... "Yes, she is now my GIRL..." sigaw ko saka isinayaw ko siya habang buhat-buhat. "Ibaba mo ako nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." namumula na ito. "Sweetie hinding-hindi kita ikinahihiya. I am proud to have you. Thank you and I love you." Hinalikan ko ito sa noo tanda ng pagrespeto ko. "I promised  I will love you and I will protect you... Now that you are mine, I will not allow you to take by someone. I will give the love you deserve. Thank you for coming to my life..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD